Joven Tan's Stars Versus Me is now a movie starring Manolo Pedrosa and Maris Racal

Joven Tan on Stars Versus Me: "Ako kasi, naniniwala na marami pa rin ang nagbabasa ng horoscope. Meron pa ring ginagawa nilang guide sa kanilang buhay ang horoscope, so basically yun. Pero pagdating sa story, kung hindi man sa personal experience ko, galing din sa kuwento ng iba. So, hindi lang ito kung ano yung nararamdaman ko, galing din sa nararamdaman ng iba. Bawat librong isinulat ko, may portion ka, e."


Ikinatuwa ng direktor, book author, producer, at award-winning songwriter na si Joven Tan na ang libro niyang Stars Versus Me, published by Mindmaster Publishing, ay isa nang pelikula produced ng bagong film outfit na Tandem Productions.

Nataon pa ito sa selebrasyon ng ika-25 taon ni Joven sa showbiz at publishing ngayong taon kaya labis ang kanyang kaligayahan.

Pahayag ni Joven, “Masaya lang ako na yung isa sa mga libro ko ay pelikula na ngayon.

“Hindi na naman bago sa akin na minsan yung idinidirek kong pelikula, e, ako rin yung scriptwriter.

“Ang iba lang dito, nakakatuwa kasi nakita mo yung pangalan mo nasa bookstore, tapos makikita mo yung pangalan mo sa pelikula.

“Enjoy lang, ayokong ma-pressure kung ano yung dapat marating ko or what.

“Ako, 'pag may nagawa ako, masaya na ako kasi nagawa ko na, rather yung iba nag-iisip pa lang kung paano magsisimula, kung paano gagawa.

“At least ako, okay lang, steady lang, chill lang.”

Bukod sa mga pelikulang nagawa niya at librong naisulat niya, nakilala rin si Joven bilang songwriter nang manalo siya ng grand prize noong 2013 sa Himig Handog P-Pop Love Songs ng ABS-CBN para sa kanta niyang “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa?”, interpreted by Aiza Seguerra.

Naging finalist naman sa 2014 Himig Handog ang kanta niyang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, interpreted by Michael Pangilinan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joven sa presscon na inihanda ng Mindmaster Publishing para sa kanya noong Abril 18 sa Fleur de Lys restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

THE BOOK. Ang Stars Versus Me ay isa lamang sa anim na libro ni Joven, na tinaguriang “Super Mega Ultra Hugot Novels,” published by Mindmaster Publishing.

Ang iba pang titles ay kinabibilangan ng Wala Namang Forever, Ano Ba Ang Nangyari Sa Ating Dalawa?, Tambay Is My Guy, Erase Ka Na Sa Puso Ko, at Caution: Friendzone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta naman ang benta ng Stars Versus Me?

Ayon kay Joven, “Maganda naman. Isa siya sa best-selling sunod sa Wala Namang Forever, na nagkaroon na ng reprint.

“Actually, lahat naman sila maganda ang benta.”

Saan niya nakuha ang inspirasyon para sulatin ang Star Versus Me?

“Ako kasi, naniniwala na marami pa rin ang nagbabasa ng horoscope.

“Meron pa ring ginagawa nilang guide sa kanilang buhay ang horoscope, so basically yun.

“Pero pagdating sa story, kung hindi man sa personal experience ko, galing din sa kuwento ng iba.

“So, hindi lang ito kung ano yung nararamdaman ko, galing din sa nararamdaman ng iba.

“Bawat librong isinulat ko, may portion ka, e.

“Kahit sa kanta, kahit sa pelikula, mayroon kang isang portion diyan kahit isang eksena, isang dialogue, lalabas ka.

“Yung parang, ‘Ay, ako ito e,’ yung nakaka-relate ka sa character.”

THE MOVIE. Bakit sa anim na libro niya ay ang Stars Versus Me ang una niyang napili para gawing pelikula?

Sagot ni Joven, “Yun ang gusto ng co-producers ko, Chinese din kasi.

“So, Tandem, kasi Tan din ang apelyido ng co-producers ko.”

Tampok sa pelikulang Star Versus Me ang ABS-CBN talents at Pinoy Big Brother All In alumni na sina Manolo Pedrosa at Maris Racal.

Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan sa June 3.

Kumusta naman sina Manolo at Maris sa kanilang launching movie?

“Okay naman, mababait na mga bata.

“Pareho naman silang may potensiyal at hindi sila mahirap katrabaho.”

Masaya rin si Joven na ngayon pa lang suportado ang movie ng fans nina Manolo at Maris?

“Nakakatuwa kasi yung dalawa malakas talaga sila sa social media.

“Makikita mo yung fans nila sinusuportahan talaga sila kasama na itong Stars Versus Me.

“Ngayon pa lang pinu-promote na nila sa Twitter, sa Facebook, sa Instagram, so nakakatuwa.

“And siyempre nagpapasalamat kami.”

Kasama rin sa cast ng romantic-comedy movie na ito sina Matet de Leon, Rita Avila, Arlene Muhlach, Dennis Padilla, Jenine Desiderio, Kiray, at Ejay Falcon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN