Maja Salvador, Richard Yap, Dennis Trillo tackle boldest bed scenes yet

Director Chris Martinez (not in photo) describes the roles of Dennis Trillo (right) and Richard Yap (right) in You're Still the One: “Yung kay Dennis, mas may passion so hotter siya.Yung kay Richard, mas romantic.” As for leading lady Maja Salvador, she says about her character's sexual romps in the movie: "Heto na ang pinaka."



May matitinding love scenes sina Maja Salvador, Dennis Trillo, Richard Yap, at Ellen Adarna sa pelikulang You're Still The One.

Ilan raw sa mga maiinit nilang eksena ay kinunan sa bathroom, sa sofa, meron pa sa kusina, at sa iba pang parte ng bahay.

Ito ay sa direksiyon ni Chris Martinez, under Star Cinema at Regal Films na ipapalabas na sa May 27.

Paano napapayag si Maja sa mga ganitong eksena?

Pahayag ng ABS-CBN actress, "Nung kinausap ako ni Direk kung willing ba talaga ako na ibigay nang buong-buo yung gagawin ko, yung parang walang hesitation kung ano ang hilingin niya sa akin.

"Siyempre, may mga discussions naman kami ni Direk, then nagtugma naman din naman kami.

“Sobrang pagbabago, ang gaan ng katrabaho ni Direk, ang saya dahil sobrang tiwala niya sa mga artista niya.

"Kung kailangan namin ng tulong, nagbibigay siya ng instructions, kung ano nga ba ang atake nung mga eksena."

Na-interview ng entertainment media ang leading characters at direktor ng You're Still the One sa presscon para sa pelikulang ito na ginanap sa Dolphy Theater sa ABS CBN noong Sabado, May 16.

MOST DARING YET. Ang character raw na si Elise ay iba ang pananaw pagdating sa relasyon at usapin sa sex. Hanggang saan ba umabot ang bed scenes ni Maja bilang si Elise sa piling nina Dennis at Richard?

Buntung-hininga niya, "Nakayanan ko po.

"Yun po yun, huminga lang po ako ng malalim, inisip ko lang po na ako talaga si Elise.

"Lalung-lalo na kay Papa Chen [Richard], nagawa naman po ng maganda, artistic naman ang pagkakagawa.

"Kailangan naman sa pelikula, at sa love story naman sa totoong buhay, parte talaga yun.

"Abangan niyo na lang po, dahil lumaban ako kay Ellen. Chos!"

Dugtong pa niya, "Hindi lang naman dahil sa love scenes, pero sobrang daring din talaga yung character.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang grabe yung pagka-mature yung character.

"Hindi lang din ako nag-worry dun sa love scenes kasi may mga dialogue din yung sitwasyon din.

"Mismo yung character ko, sobrang, 'Ha? Kababaeng tao, parang sobrang....'

"Siguro sa lahat ng pelikulang ginawa ko, heto na ang pinaka."



EASY TO DO. Sa parte naman ni Richard, willing pa ba siyang gumawa nang mas daring na role sa mga susunod niyang project?

Sagot ng Kapamilya actor, "It depends kung ano ang project.

"It depends if it's really needed in the story, how relevant the story is, it all depends."

Nailang ba siya sa maiinit na eksena nila ni Maja habang sinu-shoot nila ito?

Aniya, "Not really uneasy kasi, we've [worked] before.

"It was a case of trying to get used to the idea na we're doing something different in this movie.

"Kasi dati parang father-daughter relationship, then now we're having a relationship.

"It was really a big jump, we just had to get to the idea na ganun kami… 'Okey, this is what we have to do.'

"It was easy to do na."



DENNIS SURPRISED. Samantala, si Dennis naman ay tila naibahan kay Ellen.

Ayon sa GMA-7 actor, "Si Ellen kasi, kung titingnan mo, parang siya yung artista na hindi na mag-aalangan sa mga ganung eksena.

"Pero nung pagdating sa mismong eksena, parang sobrang kabado siya.

"Kinausap ko siya, para kumalma ang sarili niya, naitawid naman niya ang mga eksena namin."

Rebelasyon naman ng direktor ng pelikula tungkol sa mga eksena nina Dennis at Richard, “Yung kay Dennis, mas may passion so hotter siya.

“Yung kay Richard, mas romantic.”

Pagdetalye pa ni Direk Chris, “Yung upper lang, walang likod, walang ganyan, hindi pa ako gagawa ng ganyan.

"Pero yung love scenes, grabe. Meron sa shower, sa kama.

"Meron pa 'atang sa kitchen, basta paiba-iba.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN