Maja Salvador kissed and hugged Janice de Belen at You're Still The One premiere

Magkakasabay na dumating sa premiere night ng You're Still The One ang main cast ng pelikula na sina Dennis Trillo, Ellen Adarna, Maja Salvador, at Richard Yap. Ginanap ang premiere sa Cinema 7 ng SM Megamall.



Star-studded ang premiere ng pelikulang You’re Still The One ng Star Cinema at Regal Entertainment kagabi, May 26, sa Cinema 7 ng SM Megamall.

Bukod sa mga bida ng pelikula na sina Maja Salvador, Dennis Trillo, Richard Yap, at Ellen Adarna, dumating din ang iba pang cast members na sina Snooky Serna, Melai Cantiveros, Jason Francisco, at Joshua Garcia.

Pati ang co-stars ni Maja sa primetime series ng ABS-CBN na Bridges of Love na sina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Antoinette Taus ay naroroon din.

Dumating din ang aktres na si Janice de Belen, na nadadawit sa breakup ni Maja at ng ex-boyfriend nitong si Gerald Anderson.

Pero pakiusap ni Janice sa mga TV crew at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), huwag na siyang tanungin tungkol sa naging isyu sa kanilang tatlo nina Maja at Gerald.

Sabi ng aktres, “Ayoko nang pag-usapan ‘yon. I’m here to support Maja at ang buong cast ng pelikula.”


THE CAST. Magkakasabay na dumating sina Maja, Dennis, Richard, at Ellen.

Dumiretso sila sa dakong harapan ng sinehan para pasalamatan ang lahat ng pumunta sa premiere night ng kanilang pelikula.

Dahil kinakailangan nang simulan ang screening ng movie, mabilisan at maikli lang ang magkakasabay na panayam ng PEP kina Maja, Dennis, Richard, at Ellen.

Sabi ni Maja, “Sobrang salamat sa mainit na suporta n’yo pong lahat.

“Salamat sa pagtanggap sa aming pelikula na You’re Still The One.

“Sobrang nakakataba ng puso yung suporta na ibinibigay nila.”

Dagdag naman ni Dennis, “Napakarami pong tao.Nagulat kami sa napakainit na pagtanggap nila.

“Kaya thank you, sana magustuhan ng lahat ang pelikula namin.”

Si Richard naman ay excited na showing na ang You’re Still The One ngayong araw na ito, Miyekules, May 27.

Aniya, “I enjoyed doing this movie… oo naman.

“Please tell all your friends to watch. Sana magustuhan ninyo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natawa naman si Ellen nang matanong kung naku-concious pa ba siya kay Dennis kapag nakakaharap niya ito. O mas kinikilig siya kesa naku-concious?

“Bakit naman hindi ako kikiligin? Ang guwapo ni Dennis!” bulalas niya.

Si Maja, natutuwa raw na full support para sa kanya ang co-stars niya sa Bridges of Love.

“Thank you! Thank you!

“Sobrang masuwerte ako na may mga kaibigan talaga ako na tulad nila.

“Salamat sa pagpunta! Sinurprise nila ako.”

Ano naman ang masasabi niya sa pagpunta rin ni Janice?

Ayon kay Maja, “Na-surprise din nga ako. Tinext ko siya kanina, e.

“Sabi ko, ‘Mom!’ Tapos sabi niya, ‘Surprise!’

“Super excited akong makita siya.”

Bago umupo si Maja sa lugar para sa kanila ng iba pang cast ng pelikula, lumapit siya sa kinauupuan ni Janice.

Nag-beso sila at mahigpit na nagyakapan.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN