Polo Ravales: “I think nata-typecast na nga akong kontrabida."

by Ruben Marasigan
Jun 6, 2015
Polo Ravales believes in the saying patience has its virtue in reference to his long career in showbusiness and his five-year relationship with his non-showbiz girlfriend. He hopes for acting award for his baddest role yet in the sexy drama movie Of Sinners and Saints.


Maraming beses nang gumanap bilang kontrabida si Polo Ravales.

Pero sa pelikulang Of Sinners and Saints na isa sa mga pelikulang lalaban sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival, talagang sukdulan ang kasamaan ng role niya.

Ginagampanan niya ang karakter ng isang siga na asawa ng indie actress na si Channel Latorre.

Bida rin dito bilang isang Italian missionary na na-assign sa Pilipinas ang Filipino-Italian actor na si Ruben Maria Soriquez na siyang direktor din ng pelikula.

Kasama rin sa cast sina Raymond Bagatsing, Althea Vega, at Richard Quan. Mapapanood ito at ang pito pang entries sa SM Cinemas sa buong panahong itatakbo ng festival mula June 24 to July 2.

“Basta ang maganda, mapanood n’yo muna ‘yong pelikula.

“Actually ano siya, very overwhelming para sa akin na gawin ‘yong pelikula,” sabi ni Polo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 4 sa 8th floor ng Torre Venezia sa Timog Avenue, Quezon City.

Continue reading below ↓

“Kasi sobrang ganda no’ng script. No holds barred ito, e.

“’Yong mga kontrabida roles na nagampanan ko dati sa mga TV shows, controlled ‘yon kasi pambata, e.

“Ito, first time kong villain na no holds barred. So anything na puwede kong gawin, ginawa ko.”

Sobrang barumbado at bayolente ang role. May eksena nga raw na talagang natakot sa kanya si Channel na inakalang talagang totohanan nang masasaktan niya ito.

“Oo nga, e. Well sinabihan ko naman siya, ‘We’ll do this scene, I’ll try to control it as much as I can.

“‘But if… nasaktan ka, I hope you’ll understand.’

“And I think naramdaman niya ‘yong eksena namin, e.”

Ano ba ang naging motivation niya para mailabas ‘yong gano’n kasamang character?

“Parang tumatak sa akin ‘yong character ni Joker sa Batman.

“And papunta pa lang ako sa shooting namin, ramdam ko na ang character ko.

“Siguro lahat naman tayo, meron tayong side … alam mo ‘yon, animal side.

Continue reading below ↓

“You just have to… parang discover it. And kailangan mong ilabas para magamit mo sa pelikula.”

HOPEFUL FOR AWARDS. Is he aiming to win an acting award?

“Of course. Of course, I would be the happiest man if ever na makuha ko ‘yong best supporting actor award.

“But I don’t expect it. I’m just hoping and wishing na manalo.

“Marami na akong naging acting nominations, pero hindi pa ako nananalo ng acting award.”

Inamin ni Polo na dati ay nag-expect siyang manalo ng acting award nang makakuha siya ng nominasyon sa pelikulang Walang Kawala na dinirehe ni Joel Lamangan.

Gumanap silang dalawa rito ni Joseph Bitangcol bilang gay lovers.

“No’ng time na ‘yon, eighty percent nag-expect ako, and I learned my lesson.

“You should not expect, nasaktan ako no’ng hindi ako nanalo that time. Oo!

“First time ko ‘yon na gay movie, first time ko na naghubad nang todo.

“First time ko na ibinuhos ko lahat, e. Siyempre noon, bata-bata pa ako.

Continue reading below ↓

“Ngayon alam ko na sa sarili ko na kailangan hindi ako mag-expect ng kahit na ano.”

Okay lang ba kung puro kontrabida roles pa rin ang maging offer sa kanya?

“I think nata-typecast na nga akong kontrabida, e.

“Pero ‘yong mga makakapanood nitong Of Sinners and Saints, I think somehow I’ll gain respect that I am a good actor.”

IN GOD’S TIME. Sa panahong nag-lie low siya sa kanyang acting career, ano ba ang mga pinagkaabalahan niya?

“We’ll, I’ve been travelling, sa Japan at saka sa Italy, nag-show ako doon.

“Freelance na ako ngayon. We had a meeting nga with ABS-CBN.

“Sabi nila July daw, baka may gagawin ako so I hope matuloy.”

Hindi siya nadidismaya sa kasalukuyang takbo ng kanyang career?

“Hindi naman, siguro naiinip. But sabi nga nila, patience is a virtue.

“So you need to really be patient… in God’s will, In God’s time.

“Kapag ibibigay naman Niya sa ‘yo, ibibigay Niya sa ‘yo, e.

Continue reading below ↓

“That’s life.”

SETTLING DOWN WITH HIS GIRLFRIEND? Five years na ang itinatagal ng relasyon nila ng kanyang non-showbiz girlfriend, wala pa silang balak na magpakasal?

“Siguro hindi pa time. ‘Yong mga kasabayan ko dati sa GMA, halos lahat sila may mga baby na.”

Posible bang mangyari na mauna ang baby bago ang kanilang pagpapakasal?

“Ay, hindi. Kasal muna dapat.”

Paano niya nasisigurong hindi mauuna ang pagkakaroon nila ng baby bago ang kasal?

“We talk about it. And siya mismo, siyempre gusto niya, kasal muna.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Polo Ravales believes in the saying patience has its virtue in reference to his long career in showbusiness and his five-year relationship with his non-showbiz girlfriend. He hopes for acting award for his baddest role yet in the sexy drama movie Of Sinners and Saints.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results