Krista Miller reveals suicide attempt in the past; prepares for daring scene by drinking whiskey

by Nonie Nicasio
Jun 7, 2015
Krista Miller feels a deeper sense of pride as an actress in her latest indie movie, Piring: “Oo, mas na-feel ko rito na artista ako, sobra. Nandoon kasi iyong mga eksena na… parang masasabi ko na, ‘Kaya ko ba iyon?’"

Kakaibang experience para kay Krista Miller ang pelikulang Piring (Blindfold), na isa sa entry sa 2015 World Premieres Film Festival Philippines/Filipino New Cinema section.

Ayon kay Krista, mas naramdaman daw niya sa pelikulang ito ang pagiging aktres niya.

“Oo, mas na-feel ko rito na artista ako, sobra.

“Nandoon kasi iyong mga eksena na… parang masasabi ko na, ‘Kaya ko ba iyon?’

“Parang ano e, talagang tiwala na lang talaga sa nasa Itaas.

“At saka yon nga, may pinaghuhugutan kasi e,” saad ni Krista sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng naturang filmfest na ginanap sa Torre Venezia, Timog Ave., Quezon City last June 4.

Ang Piring ay ang directorial debut ng aktor na si Carlos Morales at bukod kay Krista, tinatampukan din ito nina Yussef Esteves, Bembol Roco, Tessie Tomas at iba pa.

Saad pa ng aktres, “Parang ano kasi, maraming mga scene dun na first time ko lang ginawa.

Continue reading below ↓

“Mayroon pang talagang pang mga beteranong artista, na parang inano sa akin ni Direk, ‘May tiwala ako sa iyo, magagawa mo ‘yan.’

“Hindi ko alam kung paano ko siya nagawa, pero sabi ni Direk ay nagawa ko raw.

“Ang pinakaano dun, habang ginagawa ko yung scene na yun, sumisigaw lang ako, ‘I love my job!’

“Kasi that time ano, e, parang medyo fresh pa.

“Hindi naman medyo fresh, pero parang ang dami pa ring mga issue sa akin.

“Na parang sabi ko, hindi ako gi-give up.

“Parang… mahirap sa akin ‘to, pero yun nga, yung pinaka-dream ko na someday ay magkaroon ako ng award.

“Hindi man ngayon, sana sa pagdating ng araw, parang ganoon…

“'Tapos yun nga, parang nag-aano ako, ‘I love my job! I love my job!’

“'Tapos umiiyak ako, na parang after ng scene, hindi ko na alam kung paano ko siya nagawa. Pero basta buhos ako lahat.”

Continue reading below ↓



BAR GIRL IN FILM. Ayon sa production, si Krista ay gaganap bilang single mother with one kid. Nagtatrabaho ang karakter niya sa isang bar at gagawin niya ang lahat upang malagpasan ang kahirapan.

(Watch video: Krista Miller says her next movie is "sobrang sexy")

Ano ang role niya sa pelikulang Piring (Blindfold)?

“Magkapatid kami ni Yussef, ako yung isa sa nag-strike. Kung tutuusin, sa akin yung maraming nangyari.

“Pero ang pinaka-ano lang ng story, kahit anong mangyari sa life mo, minsan kasi may times na nagagalit tayo kay God, ‘di ba?

“Sa mga nangyayari sa atin, parang 'di naman natin deserve, pero sa huli ay malalaman din natin na may reason kung bakit nangyayari lahat, na sa huli ay kakapit at kakapit ka pa rin sa Kanya talaga.”

Ang World Premieres Film Festival Philippines ay hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), mula sa pakikipagtulungan ng SM Cinema. Gaganapin ito sa June 24 hanggang sa July 7, 2015 sa SM Cinemas.

Continue reading below ↓

Walo ang entry sa Filipino New Cinema section na bukod sa Piring ay kinabibilangan ng Sino Nga Ba Si Pangkoy Ong?; An Kubo sa Kawayanan; Maskara; I Love You, Thank You; Kuwento Nating Dalawa; Filemon Mamon; at Of Sinners and Saints.

�

�

DARING SCENE. Nabanggit pa ni Krista na sa isang maselang eksena sa pelikulang ito ay nag-request pa siya ng Jack Daniel's para madagdagan siya ng lakas ng loob.

“Mayroong scene na, yun nga, nag-request pa ako ng Jack Daniel’s [whiskey] para magawa ko siya.

“Kasi sobrang sabi ko, ‘Oh my God, parang hindi ko ‘to kaya!’ Pero bahala na!’ E, nasobrahan ako, ‘di ko alam nangyari.”

Gaano siya ka-daring o ka-sexy dito?

Sagot ng aktres, “Sobrang sexy, mas daring ako dito kaysa sa ginawa ko sa Hukluban with Kiko [Matos].

“Pero maganda ang pagkakagawa naman ni Direk at nandoon naman siyempre yung tiwala ko sa kanya.

“Basta masasabi ko lang, natutuwa ako na ipalalabas na ang film, kasi inspiring talaga ang film na ito. Kapag napanood mo pa iyong twist ng story, sa ending, mata-touch ka, e.”

Continue reading below ↓



RELATES TO HER ROLE. Idinagdag pa ni Krista na naka-relate siya sa role niya sa Piring.

“Katulad noong sa nangyayari sa akin na mga ganyan, ako naman ‘di ba may mga past issue ako?

“Pero ngayon wala na akong pakialam doon. Parang ano e, 'di ko na iisipin kung ano ang sasabihin sa akin ng mga ibang tao.

“'Di ba, parang dati ayaw ko ng walang kaibigan, ayaw ko ng nasisira ako sa ibang tao?

“Parang gusto ko, palagi akong mabango sa tao. Pero kakaganun ko, alam mo yun, hindi na ako yung naging ako, e.

“Parang ano, may mga scene kasi dun na hindi ganun kadali gawin e, pero alam mo yun, talagang humugot ako…

“Unti-unti habang dumadami yung experience ko sa life, nalalaman ko yung pinaka-importante sa akin which is yung family ko.

“Na parang, mawala na kayong lahat wala na akong pakialam, basta ‘wag lang yung family ko,” seryosong saad niya.

Continue reading below ↓

Pahabol pa ng aktres, “So yung time na yun, parang puro mabibigat kasi yung mga eksena, e, sa isang araw puro iyakan talaga.

“Na parang 'di mo na alam kung saan mo kukunin yung iyak mo. Pero kapag binalikan ko yung nangyari sa akin at sa family ko, doon ka makakakuha ng emosyon, e.”

�

�

SUICIDE ATTEMPT. Sinabi rin niyang mas matapang na siya ngayon sa mga intriga.

“Oo, I mean ang dami nang dumating sa akin. Ang dami nang nangyari sa buhay ko na nagpatatag sa akin.

“Sabi ko nga dati, noong time na yun nagagalit ako kay Lord, tulad nga sa story, nagalit talaga ako kay Lord noon.

“Parang, ‘Anong nangyayari, bakit sunud-sunod naman yung parusa?’

“Bata pa ako noon, mga 16 or 17, wala naman akong ginagawang masama para mangyari sa akin yun.

“Parang ilang beses akong sumuko, as in nag-give up talaga ako, pero ewan ko hinahatak talaga ako ni Lord, e.

Continue reading below ↓

“As in nag-commit na ako ng suicide, as in na parang sabi ko, ayaw ko na dito, ayaw ko na talaga.

“Pero wala e, talagang may reason si Lord kung bakit hindi niya ako hinayaan mawala.

“Sobrang hirap ng nangyari sa akin talaga na dumating sa point na nawalan ako ng freedom.

“Parang nakakulong na lang ako sa apat na sulok ng kuwarto na naisip ko mag-suicide.

“Naisip ko lalayo na lang, mag-asawa na lang, tumira sa ibang bansa. Kasi 'di ba, dito ang daming intriga?

“So 'eto, parang nalaman ko na ang galing talaga ni Lord, kasi ang aga niya akong sinabak, e.

“Kasi alam Niya na yung mga problemang dadating sa akin ngayon, hindi enough yung strength ko.

“Kasi yung mga nangyayari sa akin ngayon, yung mga ibinabato sa akin ng mga tao, malamang baliw-baiw na ako, nasa mental hospital na ako, 'di ba?

“Pero hindi, as in, kayang-kaya ko silang harapin. Wala na akong pakialam kung ano man ang sasabihin nila. Na yun nga, kahit mawala na lahat, ‘wag lang family ko.

Continue reading below ↓

“Lumalaban ako kasi may gusto akong patunayan pero hindi sa kanila, hindi sa mga kaibigan ko, hindi sa sarili ko, pero para sa magulang ko.”



Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Krista Miller feels a deeper sense of pride as an actress in her latest indie movie, Piring: “Oo, mas na-feel ko rito na artista ako, sobra. Nandoon kasi iyong mga eksena na… parang masasabi ko na, ‘Kaya ko ba iyon?’"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results