Why did Kim Chiu agree to do mistress role in Etiquette for Mistresses?

by Allan Sancon
Jun 29, 2015
Kris Aquino said she specifically asked for Kim Chiu (in photo) to portray the young mistress in Etiquette for Mistresses.

Isang mature Kim Chiu ang makikita sa upcoming Chito Rono film na Etiquette for Mistresses.

Si Kim ang gaganap na isa sa limang kabit na gagampanan naman nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado at Cheena.

Ginanap noong June 25 ang story conference ng pelikula na base sa best-selling book ni Jullie Yap-Daza titled Etiquette for Mistresses and What Wives Can Learn From Them.

Ani Kim, “My character here is far from my comfort zone role, sobra siyang iba, it’s really challenging. Kaya ako, go for the challenge.”

“First time kong gagampanan yung ganitong klaseng role, first time kong makasama sa movie silang lahat.”

Are you ready na mistress ang gagampanang mong role sa movie na ito?

Kim: “Yes! Ready na ako!”

Anong preparation ang gagawin mo para magampanan ang role mo bilang batang mistress?

“Maghahanap ako ng batang mistress, kakaibiganin ko siya, para tanungin yung karanasan niya.”

Pagkakaalam namin na may 28 rules sa book ng Etiquette for Mistresses. Ilanpo ba yung kinuha dun na makikita sa movie? At ano yung nakaagaw ng pansin niyo dun sa mga rules ng mistresses?

Continue reading below ↓

Kris: “Doon sa script namin, there are 8 rules na makikita sa movie. Yung sa akin ay yung ‘Know when to get out. ‘”

Kim: “Sa akin naman, ‘Life is about choice.’ Choice mo yun, e, kung gusto mong pasukin ito or pasukin 'yan, dapat mong panindigan.”

Natanong din ng press si Kris kung special request niya ba si Kim namapasama sa pelikulang ito.

Kris: “Nung nabasa ko yung script, nagte-taping kami ni Kim. Sinabi ko sa kanya na ‘Kim, ikaw ‘to.’ Sinabi niya sa akin, ‘Ate Kris, hindi ako sure.’ Sabi ko, ‘Kaya mo ‘to, ikaw ‘to.’ Kasi di ba 'pag binabasa mo yung script, mapipicture mo in your mind. Kitang kita mo talaga na si Kim yung bagay sa role at napakaklaro. Super! In a way, di ba, medyo written in us in mind or written in what we can deliver. ”

Ano ang reaction mo na ikaw pala ang first pick ni Ms. Kris para gumanap bilang batang mistress?

Continue reading below ↓

Kim:“Sabi ko, ‘Ate, hindi ko kaya!’ Tapos kinausap ako ni Tita Malou Santos [Star Cinema managing director], sinabi ko rin kay Tita Malou na hindi ko kaya! Pero as a challenge for me, sinabi ko rin sa sarili ko na…sige kakayanin ko ngayong medyo 25 na ako, I think pwede na. Saka sila yung kasama ko, choosy pa ba ako? And parang may advocacy naman yung story, tungkol sa women empowerment kaya tinanggap ko na rin. Saka hindi ko naman gagawin ‘to, kung hindi sya magiging magandang example sa mga manonood. Maganda rin kasi yung story, maganda yung kwento.”

Si Kris naman ang nagtanong sa kanyang co-star kung kaya ba niyang gumamit ng explicit language sa pelikula.

Kris: “Saka, the language in script, di ba tinext kita Kim na every other sentence sa script ay nagmumura ka, carry mo ba yun?”

Kim: “Kaya nga sabi ko, pwede naman sigurong bawasan.”

Continue reading below ↓

Claudine: “Sabi ko nga sa kanya, pag ninenerbyos si Kim the whole time of our storycon, basta sabi ko sa kanya na 25 years old na siya, aktres siya. Iniisip niya kanina na paano daw yung fans niya, dati daw ganito yung buhok niya, ngayon mababago dahil sa role, tapos iikli na yung mga suot niya, sabi ko sa kanya na mas gugustuhin ng fans mo na makita nilang mag-evolve ka bilang aktres.”

Kim: “Galing na sa kanilang lahat yung advice na tanggapin ko yung role, choosy pa ba ako?”


(To view photos taken during their story conference, CLICK HERE)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kris Aquino said she specifically asked for Kim Chiu (in photo) to portray the young mistress in Etiquette for Mistresses.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results