Acclaimed indie actress Althea Vega wishes to be an action star: “Talagang dream ko yun.”

Althea Vega names Nora Aunor as her favorite actress.
by Rommel R. Llanes
Sep 27, 2015
Prolific indie actress Althea Vega confesses that she always dreamt of becoming an action star: “Nung nasa province ako, I used to study martial arts. So iyon yung isa sa mga dream role ko, ang magkaroon ng action movie.”


“Ako si Carina, I’m the wife of Edgar [Lance Raymundo], I’m the mother of Noel and Yvonne,” umpisang kuwento sa amin ng indie actress na si Althea Vega.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Althea sa presscon ng indie movie na Pipamyalungan (Playground) sa Max’s Restaurant.

Ang Pipamyalungan (na mula sa salitang Kapampangan na ang ibig sabihin ay palaruan) ay kuwento tungkol sa human trafficking na mula sa panulat at direksyon ni Ronald Rafer para sa Gloria Phipps Production Management.

Si Direk Ronald ay isa ring showbiz writer at miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC).

Kasama sa pelikula sina Buboy Villar at si Jaivy Phipps sa kanyang unang pelikula bilang si Noel. Kasama rin dito sina Kate Lapus, Angelica Lapus, Lea Sephora Bautista, Melfred Dones at Jolas Paguia.

Drama ang Pipamyalungan at walang sexy scene si Althea dito.


NOT JUST SEXY ROLES. Nakagawa na ng pelikula si Althea kunsaan may sexy scenes siya pero hindi naman raw sa lahat ng pelikula niya ay nagpapaseksi siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas pabor ba si Althea kapag hindi siya pinagagawa ng sexy o love scenes sa kanyang mga pelikula?

Paliwanag niya, “Ako naman kasi, actually, wala naman akong ano, e...

“Basta maganda yung story 'tapos may hinihingi, halimbawa may love scene...

“So ginagawa ko. Depende, kung maganda yung story, depende kung sino ang makakatrabaho, ganyan.

“Wala naman po akong kiyeme when it comes to ano... pero siyempre gusto kong masubukan lahat-lahat, halimbawa action. Actually, yun ang dream role ko.

“Action kasi nung nasa province ako, I used to study martial arts. So iyon yung isa sa mga dream role ko, ang magkaroon ng action movie, ganun.

“At halos lahat naman e, nakagawa na ako ng horror, drama, so halu-halo po.”


DREAMS OF BEING AN ACTION STAR. Tila walang babaeng action star sa local cinema ngayon.

Natatawa niyang sabi, “Wala nga, sana ako.

“Wish ko yun, sana.”

Dream raw niya na makilala bilang isang artistang babae na action star.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yeah, it would be nice, gusto ko yun na sana may ganun at iyon ang talagang dream ko yun,” dagdag niya.


ADMIRES ATE GUY. Paboritong artista naman ni Althea si Nora Aunor; gumanap na si Althea bilang young Nora Aunor sa Dementia.

Kuwento niya, “Before naman kasi, hindi ako talaga Noranian pa, pero nung naka-work ko siya sa Dementia, sobrang down-to-earth niya, talagang na-witness ko kung papaano siya umarte, kaya wow!

“Sobrang humanga ako kay Ate Guy.

“And yung magampanan ko yung young version niya, malaking ano po sa akin yun, malaking karangalan po sa akin.”

Sa mga male actors naman ay pangarap ni Althea na makasama sina Cesar Montano at Robin Padilla.

“Mga action stars,” at tumawa si Althea.

Mas maraming indie films nang nagawa si Althea kesa mainstream movies. Choice ba niya iyon?

Paglinaw niya, “Hindi naman mas gusto. Actually gusto ko ngang mag-mainstream, I mean gusto ko ngang gumawa ng teleserye, ganyan, pero wala pang offer, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapag-guest na raw siya sa ilang TV shows pero hindi pa siya nakagawa ng regular na drama series.


FREELANCE. Dati ay si Manny Valera ang manager niya.

“Gusto ko lang ma-try mag-freelance,” paliwanag ni Althea kung bakit hindi na si Direk Manny ang manager niya.

“Nagpaalam ako ng maayos, we’re good!”

Magkaibigan pa rin daw sila hanggang ngayon ni Direk Manny.


AWARD. Kailan lang ay pinarangalan si Althea ng Gawad Sulo Awards.

“Para sa natatanging artista sa latangan ng independent films, ganyan.

“So I’m so happy,” saad niya.

Proud ba siya na tinalo pa niya ang ilang mahuhusay ring aktres?

Paglinaw niya, “It’s not an acting award.

“So parang yung award na yun in-acknowledge lang nila ako sa mga contribution ko sa Philippine cinema, so yun lang po.

“Hindi naman ibig sabihin na ikaw ang the best, ganun-ganun.

“Hindi naman po kasi siya acting award, pero it’s ano lang, recognition and napansin lang nila yung contribution ko sa Philippine cinema, so it’s flattering.”


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WISHES TO GO MAINSTREAM AS WELL. Nagsimula sa showbiz si Althea noong 2008 at hindi pa raw siya pinapalad na magkaroon ng acting award.

Banggit din niya, “My first director was Joel Lamangan, dun sa Walang Kawala po.”

Humigit-kumulang sa dalawampu’t anim na pelikula na ang nagagawa ni Althea.

“Karamihan po independent film.

“Happy ako pero siyempre may desire pa rin ako to learn from different actors and directors, from mainstream naman sana. Iyon po ang wish ko, isa sa mga wish ko.

“Not just mainstream movies pero yung sa teleserye po,” pahayag niya.

Para kay Althea, ano ang pinaka-dahilan para tangkilikin ng publiko ang mga indie films?

“Yung kuwento po kasi kakaiba, e.

“May lalim. Compared to... well, yeah, ayoko namang mag-compare, pero for me po kasi, mas malalim yung mga kuwento ng sa independent films so, kaya iyon.

“Realistic talaga yung makikita mo, so dapat tangkilikin po,” pangwakas niyang pahayag.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prolific indie actress Althea Vega confesses that she always dreamt of becoming an action star: “Nung nasa province ako, I used to study martial arts. So iyon yung isa sa mga dream role ko, ang magkaroon ng action movie.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results