PEP EXCLUSIVE: Who is the new Darna? Direk Erik Matti gives his comments

Erik Matti says about Darna lead star, "Kung sino man yung papalit kay Angel [Locsin, right] bilang si Darna, gusto namin na yung papalit sa kanya ay kailangang mag-audition."


Sa teaser ng Darna na pinalabas sa mga sinehan, makikita ang Pinay superheroine na dumating sa gitna ng catastrophe na volcanic eruption. Hindi kita ang mukha ng babae sa teaser na kapansin-pansin ang cinematography at ginamit na special effects.

Marami tuloy ang na-curious, na-excite at nagtatanong: sino nga ba si Darna?

Noong January 12, exclusive na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang director ng Darna na si Erik Matti sa opisina ng Reality Entertainment sa Quezon City.

Napagusapan ang tungkol sa ginawa nilang teaser para sa upcoming superhero movie mula sa Star Cinema at Reality Entertainment.


Erik Matti: "Natuwa naman kami at marami ang napaisip sa teaser. Una naming naisip na gumawa ng teaser related sa mangyayari this year. It's election year this year, sabi namin na gumawa tayo ng teaser na ang una nilang maiisip na kala nila ay opening ng 'Lupang Hinirang?' o kaya ay presidential campaign, na tatanungin nila sa sarili nila na? Sino ba ang presidente na ito? But in the end, it will reveal na it is a superhero movie.

"Strategic side, hindi lang siya yung may magandang twist, strategic siya kasi gusto naming ikabit si Darna sa pagiging Filipino talaga. Iconic na character sa Pilipinas and it's been 22 years since the last Darna film.

"We want to revive not just the people who knows Darna but also with the people who will know Darna for the first time. Marami na kasing bata ngayon na hindi na nila alam si Darna ngayon, e. We want to present a Darna na parang iconic talaga, not just for the young and the old but for everyone in general so that they become excited about the film."


Ano ang unang reaction niyo noong nalaman niyo na hindi na pwedeng mag Darna si Angel Locsin dahil sa disc bulge niya sa spine?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Erik Matti: "Ang tagal na naming nagmi-meeting ni Angel, tapos, all of the sudden, na may ganung news, siyempre nagulat ako. Akala ko nga nung nalaman ko na di na pwede si Angel ay hindi na matutuloy ang Darna, dahil lang dun, e, but of course we have to push forward and we don't want to frustrate the audience. That's why ABS-CBN, particularly Star Cinema, immediately decided to make the teaser, so that everyone will be assured na matuloy ang Darna, kahit na ganun ang nangyari kay Angel."


As the director of Darna, sino ang gusto ninyong pumalit kay Angel bilang si Darna? Sino ang napupusuan ninyo na maging si Darna?

Erik Matti: "Naku! Mahirap yan! Baka may makaaway ako diyan pag nagsabi ako ng pangalan."


Direk, may may mga nagsasabi na si Nadine Lustre ang magiging susunod na Darna? Ano pong masasabi niyo po doon?

Erik Matti: "Alam mo, sa Instagram ko, noong nag post ako ng photo ng isang babae na naka-hood, lahat na yata ng posibleng maging si Darna ay binanggit na nila doon sa comment nila. Nakita ko lahat ng fans na binanggit nila yung mga idolo nila na maging si Darna. May nag post na si Nadine Lustre raw, Julia Montes, mayroong Maja Salvador, mayroong Liza Soberano, Jessy Mendiola, lahat nandun na, mayroon ding Sarah Lahbati.

"Ako, personally, hindi ko talaga alam! Sino nga ba si Darna? Hindi ko pa rin alam!

"Pero, kung sino man yung papalit kay Angel bilang si Darna, gusto namin na yung papalit sa kanya ay kailangang mag-audition. Kasi from the beginning, ang nakatatak sa isip namin ay si Angel Locsin, e. Siyempre hindi ganun kadali na magchange gear."


Mahirap po ba palitan ang isang Angel Locsin bilang si Darna?

Erik Matti: "Mahirap kasi, alam na ni Angel ang nilalaman ng puso ni Darna, e. Now, by starting anew again, whoever she is, kung sino man ang mapili, we need to have the character imbibe sa tao na yun--the character of Darna and Narda, dalawa yun, e. And for such a big movie, ang bigat na burden yun."


Yung mga lumalabas po ba na pangalan na posibleng maging susunod na Darna ay pasado sa inyo bilang director?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Erik Matti: "I leave that up to ABS-CBN, this is a franchise that is very big and a big investment is gonna go into it. I want ABS-CBN, Star Cinema, sina Tita Malou [Santos], si Direk Olive [Lamasan], si Ma??am Charo [Santos Concio], I want them to be the one who make the decision kung sino ba talaga yung bagay na Darna. We will discuss it kung sino yung karapat-dapat na maging si Darna. But right now, wala pa kaming dini-discuss, e, kasi inaayos pa namin ang script."


Before the election ba ay mapapanaod na ang Darna?

Erik Matti: "Before the election? Sana! Sana makapag-grind na kami."




PEPsters, who do you think will be this generation's Darna?

(Read: Is this girl the new Darna in the 2016 movie remake?)



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN