Vilma Santos defends Xian Lim from bashing: "It's very unfair na masabihan ng ganun si Xian."

Vilma Santos is a bitch in her new movie, the opposite of her real persona, but she warns, "Yung ako, minsan mabait, gracious, mahaba ang pisi, pero 'wag ding masyadong itulak, dahil lumalaban din ako."



Mapapanuod muli sa pelikula si Vilma Santos na ngayon ay tumatakbong kongresista sa lone district ng Lipa sa pagtatapos ng term niya as Batangas governor.

Ito ay sa pelikulang Everything About Her na opening salvo ng Star Cinema this 2016.

Ito rin ang unang pagkakataon na makakasama niya sa pelikula ang tinatayang future daughter-in-law niyang si Angel Locsin.

Bungad ni Ate Vi, "Iba yung pakiramdam kapag kasama mo si Angel sa pelikula.

"Iba rin si Gel [palayaw niya kay Angel] kapag kasama sa bahay.

"Sa bahay kasi, normal...normal na tao si Gel and, siyempre, kapag kasama si Lucky [Luis Manzano]

"Artista kami pareho, pero kapag nasa bahay, nanay ako ni Lucky.

"Pero pagdating sa pelikula? Suportahan kami sa pagiging artista, and yung respeto sa kaeksena mo.

"So kung ano yung suportang ibinibigay niya sa akin, ibinabalik ko rin sa kanya, iba talaga kapag sa pelikula."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Everything About Her kahapon, January 17, sa 9015 Restaurant, ELJ Building, sa ABS CBN.



PROUD OF XIAN. Bida rin sa pelikula si Xian Lim na dumaan sa maraming intriga noong nakaraang taon.

Marami ang nag-react at nag-question sa pagkakasama ng aktor sa family drama movie na directed ni Bb. Joyce Bernal.

Pahayag ng Star for All Seasons, "Si Xian naman, nung una kong makita, naninibago rin ako sa kanya in a way.

"Mahilig ako sa tabloids, nababasa ko ang write-ups niyo.

"Totoo yun, araw-araw, labindalawa ang tabloids ko at me dala pa akong telebisyon.

"So nasasaktan ako...may naririnig akong negatives kay Xian.

"That's why, nung first time ko siyang makita, dito pa lang sa story conference, I was trying to observe him.

"Kasi hindi ko rin alam kung ano'ng approach? Di ko rin alam kung ano ang magiging approach ko kay Xian.

"Pero unang-unang basa ko pa lang kay Xian, totoo ito ha, he's such an educated person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napaka-edukadong tao, I mean it.

"Sa shooting, binabantayan ko din si Xian kasi magkaeksena kami.

"May mga negative writeups na, 'Bakit si Xian, bakit ganun, bakit kasali siya sa movie,' may mga ganun.

"My God, kapag napanood niyo ito, ipinagmamalaki ko si Xian dito," sabi ni Ate Vi tungkol sa Everything About Her na ipapalabas sa January 27.

Para pa rin sa mga tao na nagtatanong kung bakit si Xian ang isinama sa movie na ito, sinabi pa ni Ate Vi, "It's very unfair na masabihan ng ganun si Xian.

"Lahat ng artista dumaan sa ganitong stage.

"Ang hinahangaan ko lang he is very willing to learn."


GUIDED. Naiiba raw ang movie na ito sa actress-politician dahil mataray ang role niya dito na hindi nalalayo sa role ni Meryl Streep sa Hollywood film na The Devil Wears Prada.

Malaki raw ang natulong ni Direk Joyce Bernal sa paghahanda ni Ate Vi para sa role na Vivian.

Ayon sa multi-awarded actress, "Guided rin ni direk.

"Isa si direk sa masasabi natin na isa sa mga kokonting direktor na magaling ag-motivate ng artista.

"One perfect example, the first scene I had with Gel... kasi, hindi kami dito masyadong magkasundo.

"May technique kasi si direk, e, kapag dumarating kami sa set.

"Ayaw niya yung nag-uusap para hindi kami maging kumportable sa isa't isa.

"Pagdating sa set, 'Dun ka muna, bawal magkita, bawal mag-usap.'

"Minsan nga nag-sorry [si Angel] na, 'Tita, pasensiya, 'di muna kita...'

"Ang sabi ko, 'Tumahimik ka, sige, dun ka muna.'

"Kasi nga, bawal, bawal kay direk, so, ganun siya mag-motivate.

"So when we see each other sa eksena, mukhang bago siya sa akin."

BITCHY. Pagsasalarawan ni Ate Vi sa role niya sa pelikula, "Impakta! Yun ang role dito ni Vivian.

Baliktad raw ito sa kanyang persona.

"Palagay ko kasi, si Vivian, mukhang impakta, akala nila may ugaling mukhang impakta, pero at the end of the day, may puso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung ako, minsan mabait, gracious, mahaba ang pisi, pero 'wag ding masyadong itulak, dahil lumalaban din ako.

"So baliktad, but yung role ni Vivian, kahit mukhang impakta, parang that's one way of proving na you can't judge a person.

"Kahit sabihin mang nagmumura siya, suplada, hindi, e.

"At the end of the day, kahit ano'ng sabihin ng tao, may puso pa rin 'yan.

"At palagay ko, makikita 'yan dito sa pelikula."

Bilang requirement sa eksena, may pagkakataon na nasasaktan ni Ate Vi ang kanyang co-stars.

Kinuwento ni Xian na may isang eksena kunsaan nagwawala si Vivian dahil sa sakit na nararamdaman niya. "Nakatanggap ako ng kalmot kay Tita," ayon kay Xian.




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN