Jessy Mendiola on Darna rumors: "I am really happy and flattered that people want the role for me."



Marami ang nagtatanong kung sino ang papalit kay Angel Locsin bilang si Darna, matapos i-announce na mayroon siyang disc bulge sa spine.

Marami tuloy ang nagtatanong kung sino ang papalit sa kanyang bilang Darna sa gagawing movie ni Direk Erik Matti para sa Star Cinema at Reality Entertainment.

Naglalabasan ang mga iba’t-ibang pangalan na kapamilya stars, at isa rito ay ang pangalan ni Jessy Mendiola na sinasabing susunod daw na Darna.

Recently, naglabas si Direk Erik ng photo ng isang babaeng nakahood na puti at marami ang nag-speculate na siya ang susunod na Darna.

Matatandaang naging usap-usapan rin ang photo ni Jessy na nakahood sa kanyang Instagram account. Natanong si Jessy tungkol dito nang bumisita ang PEP at ilang miyembro ng press sa set ng You're My Home.   

Very controversial yung photo na naka hood ka, matapos naglabas din ng  photo ni Direk Erik Matti na nakahood na babae  at yun daw si  Darna, anong comment mo about that?

Jessy: "Sinagot ko nga yun, e, naiinis nga ako, e. Nagkataon lang naka-hood lang ako nun."

Pero lumalabas yung name mo na isa ka daw sa kino-consider na papalit kay Angel Locsin bilang si  Darna?  Anong masasabi mo dun?

Jessy: "I am very flattered! And I have to be honest about it! It has been one of my dream role ever since. But when you post something online, kahit pa siguro nakatalikod ako, or nakahiga ako somewhere or kumakain ako, yun pa rin yung comment na Darna nga daw.

"I am really happy and flattered that people want the role for me. I do want the role also, pero kung kanino man mapupunta yun, I’m sure naman na napag desisyunan at napag-isipan naman ng kataas-taasan yun kung sino ang karapat-dapat."

Sinabi ni Direk Erik Matti na mag papa-audition daw sila kung sino ang susunod na Darna. Are you willing na mag-audition para sa role ni Darna?

Jessy: Oo! bakit naman hindi? Kasi yun naman kasi yung dapat, e, di ba?"

Dahil katabi ni Jessy si JC habang tinanatanong sya ng press  tungkol sa karakter  Darna, natanong na rin ng PEP.ph  si JC kung gusto nya bang maging Darna si Jessy?

JC de Vera: "Pag sya ang naging Darna, siguradong magiging fan niya ako.”

Sinabi ni Direk Erik Matti na mahirap palitan ang isang Angel Locsin bilang si Darna kasi na imbibe na daw ni Angel ang character nig superhero. Ikaw kung sakali, paano mo paghahandaan yung audition mo para sa character ni Darna?

Jessy: "I think, may proper training naman yung character, saka proper workshop and guidance.

"I mean, ako kasi bilang isang heroine, ang tingin ko sa isang heroine, hindi lang physical or hindi lang yung look ang pagiging hero, kailangan yung personality niya, yung pinagdaanan niya, yung aura niya, kung gaano siya kalakas, kung gaano niya tine-take yung mga mahihirap na bagay sa buhay niya. Yun ang superhero para sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN