Kiray on kissing scene with Derek Ramsay: "Kinakain niya po ang labi ko!"

Kiray is asked to choose who is the better kisser: Derek Ramsay or Kean Cipriano?



Trailer pa lang, nakakatawa na ang pang-opening salvo na pelikula ng Regal Films, ang Love is Blind na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Solenn Heusaff, Kean Cipriano, at Kiray Celis.
 
Sa ginanap na presscon ng pelikula sa Valencia Events Place, mas lalong katatawanan ang nangyari sa presscon nang matanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa naging karanasan niya sa kissing scene nila ni Derek.
 
Nabanggit kasi nito na meron talaga silang "kissing scenes."
 
"Kasi ang first kissing scene ko po sa buong buhay ko, sa MMK [Maalaala Mo Kaya] na kami ni Arjo [Atayde], hindi gumagalaw. As in, naka-ganun lang po. Kaya sabi ko, 'ah okay 'to.'
 
“Noong na-try ko si Kuya [Derek], ano po pala, gumagalaw ang mouth niya. Akala ko po, smack lang. Dyusko! Kinakain niya po ang labi ko,” lahad ni Kiray.
 
Natatawang sinabi pa ng actress sa co-star na si Derek, "Uy, 'wag kang mahiya, ginagawa mo yun!”
 
Tawanan talaga ang entertainment press, maging ang cast ng movie at director na si John Paul Laxamana sa mga rebelasyon at hirit ni Kiray.
 
Tinanong tuloy namin si Kiray kung pakiramdam niya ba, nag-take advantage sa kanya si Derek sa kissing scene nila.
 
“Inisip ko na lang talaga na parang ganito pala makipag-kissing scene. Pero noong kami naman ni Kuya Kean [Cipriano], hindi naman siya gumaganun.
 
“Kaya kita niyo, kapag tinanong niyo si Kuya Derek, kumusta ang kissing scene niyo ni Kiray? Malambot ang labi niya. So, alam niyo na, connected ang kuwento namin.
 
“So, hindi ako naggagawa ng kuwento.”
 
Dugtong pa ni Kiray, “Kasi nga, hinahatak niya po ang labi ko.
 
“Ganun siya.”

Ayon kay Kiray, first real kissing scene niya ang nangyari sa kanila ni Derek.
 
Hindi naman ito first ever real kiss niya, 'di ba?
 
“Ano po, first kiss ko po talaga yung gumagalaw-galaw.  Akala ko po talaga kapag smack, didikit lang.  Dyusko, may paghahatak pala ng labi!  Tapos, sabi niya sa akin, tuod daw ako.
 
“Sabi ko, alangan namang kainin ko rin yung labi mo!”
 
May nagbiro naman kay Kiray kung hindi ba siya nagpakain?
 
“Hindi po, hindi ako nagpakain,” sagot naman ng 20-year-old actress.

Patuloy pa rin kuwento ni Kiray, ang akala raw talaga niya sa smack, dampi lang talaga ang mga labi at hindi gumagalaw.
 
Aniya, “Dati kasi, nakakarinig ako sa ibang artista, sabi ng director, magkikiss, mag-smack, tapos yung ibang lalaki, ang gagawin nila, gagalaw. Sabi ko, ano, bastos. Kasi, sinabi smack lang, e.
 
“Tapos, noong na-try ko kay Derek, sabi ko, ah ganun, siguro ganun talaga.  Ewan ko, siguro sobrang sanay lang talaga si Kuya sa mga ganung eksena.”
 
Paliwanag naman ni Derek, ganun daw talaga ang smack, gumagalaw. "Bangkay" daw ba?
 
Natatawang sabi naman ni Kiray kay Derek, "Grabe ka, alam mo iba ka. Nakakahiya 'to.”
 
Sabi pa rin ni Kiray, "Hindi talaga ko gumagalaw kasi, yun ang alam kong smack. Kapag torrid, gumagalaw.  Hindi naman ako na-inform na ang smack pala, e, palitan ng labi, kainan, ganern!
 
“Hindi naman ako na-inform na gutom ka pala,” natawang kuwento nito.
 
Tinanong na tuloy ng karamihang entertainment press si Kiray kung ayaw raw ba nito ang nangyari.
 
“Akala ko nga, nakainom na siya ng wine.  Pero yung pangalawa namin, ganun pa rin siya. Kaya baka ganun talaga."


DEREK OR KEAN? Pinapili si Kiray sa dalawang leading men niya sa Love is Blind na sina Derek at Kean: sino ang mas ma-appeal sa kanya o mas masarap humalik?
 
“Grabe, sige, tatanungin ko kayo, ano po ba ang talagang klase ng smack, gumagalaw po ba o hindi?
 
"Hindi gumalagaw, si Kean ang magaling. Pero kung gumagalaw, si Kuya [Derek] ang magaling. Magkaiba kasi sila, promise."

Nang kulitin si Kiray na mamili lamang ng isa, sinagot niya, "O sige, dahil kasal na si Kuya Kean [kay Chynna Ortaleza], kay Kuya Derek na lang ako.
 
“At least, okay na yung reason ko na yun."
 
Dugtong din niya, “Wala po akong tipong lalaki.  Wala po akong kailangang macho, kailangan guwapo, wala po akong ganun.”
 
Biro pa niya, "Bulsa po talaga ang hinahanap ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN