James Reid and Nadine Lustre to star in summer kilig movie This Time

Light romance ang theme ng This Time, ang upcoming movie nina James Reid at Nadine Lustre. Nakatakda itong ipalabas sa April, sa direksiyon ni Nuel Naval. Ito ang next project ng JaDine pagkatapos nilang gawin ang teleserye na On The Wings of Love.



May bagong aabangan ang mga JaDine fans nina James Reid at Nadine Lustre. Ito ay ang kanilang light romance summer kilig movie na This Time.

Pagkatapos ng teleserye nilang On The Wings Of Love (OTWOL) noong Biyernes, February 26, sumabak kaagad ang dalawa sa shooting ng pelikula noong Sabado, February 27.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ma-interview ang dalawa sa pangalawang araw ng kanilang shooting. Ang location nila ay sa Palma Hall, University of the Philippines, Diliman, Quezon City, noong Linggo ng hapon, February 28.

Bungad ng PEP sa dalawa, hindi ba sila napapagod na wala silang pahinga sa trabaho?

Nakangiting sagot ni Nadine, “Sino ba naman ang hindi mapagod but if you want to work, and you have the passion, may ganito ka pa [sabay kalabit kay James], it really inspires you to work, e. Masarap magtrabaho.”

Sinang-ayunan naman ni James, boyfriend ni Nadine sa totoong buhay, ang sinabi ng kasintahan.

Tungkol naman sa matagumpay na pagtatapos ng OTWOL, malaki ang pasasalamat ng dalawa na marami silang napaligayang mga fans.

Kuwento ni James, “We never had expected such a very successful finale. We could have never expected to touch so many people.”

Dagdag naman ni Nadine, “Were just happy na it’s really successful kasi OTWOL has a really beautiful story.

“So, masaya kami na marami kaming na-touch, na maraming kinilig na mga tao sa amin.

“Maraming siyempre na hurt din sa mga pangyayari but then supper happy sa nangyari.”


THIS TIME. Ang bago nilang ginagawang pelikula ay hango sa sikat na awitin ng bandang Freestyle.

Kuwento ni Nadine tungkol sa kanyang character, “Ako po dito si Ava. Fine Arts student po ako, ito kasing love story ni Coby [James] at Ava nagkikita lang po sila tuwing summer.”

Sabi naman ni James, “They see each other during the summer. And they have this short romance...and then I leave again.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“My grandfather is an ambassador, I don’t have my parents anymore.

“On the first part, they are trying to figure out who they are or what they are to each other.”

Sabi pa ni Nadine, “Kasi medyo bata pa sila actually, kaya parang they could say na magkababata silang dalawa. Yun nga, as the years go by, talagang tuwing summer lang sila nagkikita.

“Ito talaga ay kilig, summer lang kasi they’re releasing nga on summer.”

Ano naman ang kaibahan nito sa pinagsamahan nilang movie na Diary ng Panget at Talkback and You’re Dead (2014)?

Sagot ni Nadine, “This movie kasi is very light, it’s a summer movie, mas more on the kilig siya. Siyempre meron din namang mga heartaches lalo na sa character ko.”

Sa ngayon, araw-araw na magkakaroon ng shooting ang dalawa hanggang March 15 dahil nakatakda silang umalis ng March 16 para sa kanilang JaDine In Love world tour.

Nakatakdang ipabalas ang This Time sa April sa direksiyon ni Nuel Naval.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN