Dina Bonnevie jokingly compares herself to Pauleen Luna while shooting indie film

Dina Bonnevie proudly talks about her latest indie film Magtanggol, Bagong Bayani, which she describes as a very timely wake-up call for Filipinos: "Matuto tayong gamitin ang boses natin at magreklamo ka kapag alam nating inaapi ka or binubusabos tayo."

 



Puspusan ang shooting ni Dina Bonnevie para sa bago niyang indie movie na Magtanggol, Bagong Bayani sa direksyon ni Sigfreid Barros-Sanchez.

Ito ang ikalawa niyang indie movie.

“I play Grace Magtanggol, so, I am the second wife of Joonee Gamboa who plays Juan Magtanggol.

“Stepsons ko sina Tom Rodriguez at si Ejay Falcon who are the children of Joonee from the first wife,” bungad ni Dina nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa location shooting ng Magtanggol, Bagong Bayani sa Malolos, Bulacan.

Ang Magtanggol, Bagong Bayani ay produced nina Roberto Juanito at Susan Dispo para sa Felix and Bert Film Productions.

Pagpapatuloy ni Dina, “Kumbaga, namatay yung first wife niya so, nagasawa siya ulit kaya mas bata.

“Niloko ko nga siya, ‘O, sige, ikaw si Vic [Sotto], ako si Pauleen [Luna].’ Hahaha!

“Niloloko ko siya kasi lagi siyang daddy ni Vic, di ba?

“Kaya noong unang shooting namin, sabi ko kay Joonee, 'Hi, sir Joonee! I’m Pauleen.’ Hahaha!”

Ano naman ang isinagot sa kanya ni Joonee?

“Wala,” sambit ni Dina.

“Tumawa lang siya, kasi lagi siyang daddy ni Vic.

“Ayon, tapos, parang ang role ko lang dito, I’m a good wife, ganyan-ganyan.

“Parang ako yung palaging nag-o-observe sa family. Parang tinitingnan ko yung kilos ng bawat isa, ganyan-ganyan.

“Tapos, dumating sa buhay namin yung OFW played by Yam [Concepcion], she plays Nengneng, parang isang OFW na inabuso.

“Parang ako yung pinaka-nanay-nanay niya. Parang kumupkop sa kanya.

“And in the end I am also partly... I narrate part of the story kung bakit naging at odds yung magkapatid, and then eventually, one of them has to die para eventually, maging iisa lang ang adhikain nila na matuto tayong makibaka, na matuto tayong makialam...

“Matuto tayong gamitin ang boses natin at magreklamo ka kapag alam nating inaapi ka or binubusabos tayo, parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, parang it’s a timely movie kasi it’s about OFWs na nagingibang-bansa para lang maapi in the end.

“It’s also about the Filipinos complacency, di ba? Tayo kasi complacent tayo, e. Kahit alam natin na ginagago na tayo, matiisin, e. Hindi magsaslaita yung Pinoy.

“Parang sabi ko, lalung-lao na malapit na ang eleksyon, dapat tingnan natin. Ano ba dapat ang i-korek natin, di ba?

“Marami ang naging issues—andiyan ang Mamasapano, andiyan yung MRT.

“Ang daming naging issues. Parang, ano ba, mauupo na lang ba tayo? O magsasalita ba tayo?

"Ano ba ang dapat nating gawin? Sino ang pipiliin nating presidente?

“Kung tayo ay matututong makibaka at makialam, at mahalin talaga ang bansa natin, we become more patriotic.

“Siguro, we will make better choices. And if make better choices for a leader, siguro we will have a better Philippines.”


TIMELY MESSAGE. Masasabi ba ni Dina na isa ito sa mga makabuluhang pelikula sa kanyang filmography?

“Oo naman,” diin ni Dina.

“Actually, you know, well, technically my second indie movie.

“Kasi meron akong indie movie na ginawa dati with the son of E.R. Ejercito, pero hindi pa siya napapalabas. That’s the story of Ben Tumbling.

“Pero 'eto, ang ganda ng mensahe ng pelikulang ‘to, e.

“It’s very timely. Uhm, hindi naman dahil tungkol lang sa OFW.

“Para bang, ‘Oh, hanggang OFW lang.’ Hindi, e.

“Like I said earlier, ang message ng movie na ‘to, dapat matuto tayong makibaka, matuto tayong mahalin ang bansa, magsalita tayo para baguhin.

“Pero di ba, kung mananatili tayong walang kibo, walang pakialam at pinapabayaan natin na abusuhin na lang tayo ng gobyerno, or kahit na hindi gobyerno, let’s say ibang bansa, kung may reklamo tayo about China, magsalita tayo.

“Kung may reklamo tayo about MRT, magsalita tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko nga, doing this movie, parang nabuhay ulit yung times during [Lino] Brocka. Pero when I was doing a lot of movies with Brocka like Sa Kabila Ng Lahat, Gumapang Ka Sa Lusak, ang dami kong death threat noon, e.

“Oo, kasi sunud-sunod ang movies ko noon, e. There was Orapronobis.That was about the vigilantes, di ba?

“And then, Kabila Ng Lahat, about political families.

“Tapos, gano'n din yung Gumapang Ka Sa Lusak. Parang may warning na sa akin na, 'Tumigil ka,' ganyan-ganyan. 'You keep on talking about the government.'”


DEATH THREATS. May idea ba siya kung sino ang nagpapadala sa kanya ng death threats noon?

Pagmamalaki niya, “Bakit ako matatakot? At least, I died in a good way.

“I was able to relay a message to my countrymen, di ba? Kasi, parang feeling ko, hindi naman tayo naging artista or hindi tayo nalagay sa industryang ‘to nang walang dahilan.

“Marahil binigyan din tayo ng Poong Maykapal ng talagang angkop na kakayahn sa pag-arte at pagganap sa ganun para magamit namin sa ibang tao or sa ating mga kababayan.

“Ang mga sensitobing isyu na hindi natin basta maisasalita pero kung maisasadula mo or mapapakita mo sa pelikula na mas madaling maga-grab, nakapagbigay ka na rin ng mensahe."


CHALLENGING ROLE. Bakit ngayon pa lang siya gumagawa ng indie films?

“Ngayon lang kasi si Elaine [Carriedo-Lozano, line producer] is my friend sabi niya, ‘Naku, you will love the role.’

“Tapos, noong nabasa ko yung script, ‘Mukhang maganda yung role. Sige, why not?’

“Oo, may mga offer na dati pa. Kaya lang kung mother-mother ka lang ni ano tapos wala namang, para bang kahit sinong ilagay diyan e, hindi naman magbabago yung kuwento.

“Pero yung role ko rito, important yung role niya, e.

“So, natutuwa ako, okay, why not? I will do this movie,” paliwanag pa ni Dina.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN