Enchong Dee says about Lila co-star Janine Gutierrez: "Ang ganda ng working attitude niya."

by Glen Sibonga
Apr 12, 2016
ABS-CBN actor Enchong Dee had the chance to work with GMA-7 actress Janine Gutierrez for the Sinag Maynila entry Lila, which will be screened from April 21-26, 2016. 


Ipinagmamalaki ni Enchong Dee ang kanyang kauna-unahang indie movie, ang Lila, sa ilalim ng direksyon ni Gino M. Santos at isa sa mga entry sa 2nd Sinag Maynila Independent Film Festival 2016.

Kaagad daw niyang tinanggap ang proyektong ito nang malaman pa lang niya na makakatrabaho niya si Direk Gino gayundin ang Cannes-winning director na si Brillante Mendoza, na tumatayong festival director ng Sinag Maynila.

“Nung in-offer sa akin ito ang alam ko lang magiging parte si Gino at si Direk Brillante Mendoza, so I said yes. Well, pag ni-namedrop na kasi si Direk Brillante Mendoza parang okay, game, whatever the story is, whatever the movie is, di ba? So, nung ginagawa ko na siya I didn’t expect na horror pala siya. So, sabi ko sa sarili ko nung una, ‘Naku, duguan ito,’ ganyan-ganyan. And then I realized na ang ganda ng kuwento, so okay naman,” sabi ni Enchong.

Sa horror film na Lila, ang mga karakter ni Enchong at Janine ay mag-pinsan na parehong may matutuklasan tungkol sa bahay na tinutuluyan nila.

Continue reading below ↓

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Enchong sa presscon ng Sinag Maynila Independent Film Festival 2016 na ginanap noong April 5 sa Skypark Garden ng SM Aura Premier sa Bonifacio Global City, Taguig City.

WORKING WITH KAPUSO STARS. Natutuwa rin si Enchong dahil bilang Kapamilya actor ay nakatrabaho niya sa pelikula ang ilang mga Kapuso stars gaya nina Janine Gutierrez at Miggs Cuaderno.

“Sobrang saya. Like si Janine, sobra akong natutuwa sa kanya dahil this is her first movie. And bilang napapanood ko siya sa kabila [GMA-7], I didn’t realize na this is just her first. Parang ang galing niya for her first.”

Ano ang na-discover niya sa pakikipagtrabaho kay Janine?

“Ang gaan, ang ganda ng discipline, ang ganda ng working attitude niya.”

Parang “breath of fresh air” ba ang Lila para sa kanya kumpara sa mainstream movies na nagawa na niya dati?

Continue reading below ↓

“Definitely, malayo siya sa mga mainstream movies na nagawa ko na before. Pero niloloko-loko ko nga yung production na, ‘Please naman tuparin niyo yung pangarap ko na maka-attend ng international film fest.’ Sana, di ba?”

Kumusta ang naging experience niya sa paggawa ng indie film?

“Mas wide yung kailangan mong pag-aralan, mas wide yung kailangan mong matutunan, at saka mas wide yung dapat kaya mong i-offer, kasi ang laki nung ginagalawan mong istorya.”

Bukod sa pelikula ni Enchong na Lila, kabilang din sa entries ng Sinag Maynila 2016 ang Mrs. ni Direk Adolf Alix Jr. at kinatatampukan nina Elizabeth Oropesa, Lotlot de Leon, Rosanna Roces, Anita Linda, at Mark Herras.

Kabilang sa cast ng Expressway ni Direk Ato Bautista sina Alvin Anson, Aljur Abrenica, RK Bagatsing, at Kiko Matos.

Ang Dyamper ni  Direk Mes de Guzman ay pinagbibidahan nina Carlo Aquino, Alchris Galura, Kristoffer King, at Liza Diño-Seguerra.

Tampok sina Mara Lopez, Oliver Aquino, at Micko Laurente sa T.P.O. (Temporary Protection Order) ni Direk Jay Altarejos.

Sa ilalim ng pamumuno ng CEO at Founder na si Wilson Tieng, ang entries ng 2nd Sinag Maynila Film Festival ay mapapanood mula April 21-26, 2016 sa select SM Cinemas.

Continue reading below ↓



Read Next
Read More Stories About
Enchong Dee, Sinag Maynila
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ABS-CBN actor Enchong Dee had the chance to work with GMA-7 actress Janine Gutierrez for the Sinag Maynila entry Lila, which will be screened from April 21-26, 2016. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results