Nadine on having same playdate as John Lloyd-Jennylyn movie: "We're not competing with anyone naman po."

James Reid describes shooting kissing scenes with girlfriend Nadine Lustre as "a lot better." Their movie titled This Time will open on May 4, the same day as the movie of John Lloyd Cruz and Jennylyn Mercado.


Ang isa sa ipinagmamalaki ng pelikulang This Time nina James Reid at Nadine Lustre ay ang limang araw na shooting nila sa Japan.

Lalung-lalo na si Nadine na first time palang nakapunta sa nasabing bansa na talaga namang sobrang namangha't humanga sa kanilang mga napuntahan.

Aniya, "Sobrang enjoy ako kasi first time ko sa Japan.

"And first time ko pang nakakita ng cheery blossoms.

"At kahit one day ko lang siyang nakita, sobrang ganda po talaga."

Masaya rin nga raw si James para sa kanyang girlfriend dahil nakita raw niya ang sobrang excitement nito.

Pahayag ni James, "Yeah, I'm happy for her kasi first time nga niyang makakita ng cherry blossoms.

"And she's been dreaming about it since she was seven years old.

"I'm very happy for her."

Dahil nga sa kanilang shooting na yun, na-feature ang movie shoot nila sa Japanese TV show na SagaTV.

Ano ang reaksiyon nila rito?

Ani James, "Yes, we were featured in a Japanese...alam din yun ni direk [Nuel Naval].

"Yeah, it was surprising, we saw ourselves on a TV in our chillax time.

"And we're in the Philippines and I said, 'This is it. It's great!'"

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina James at Nadine sa presscon ng upcoming movie nila, ang This Time na papalabas na sa May 4 handog ng Viva Films.

Ang presscon ay ginanap sa Le Reve Events, sa Quezon City kahapon, April 30.

Samantala, naitanong sa dalawa, kung kumusta na sila bilang magkasintahan, lalo sa pagshoot ng kanilang kissing scenes.

Mas makahulugan ba ito ngayon o katulad pa rin ng dati?

Sabi ulit ni James, "We're much happier.

"It comes out in the movie.

"Now that we are a couple, ang sarap magtrabaho.

"Kissing makes a lot better...yeah."

Reaksiyon naman ni Nadine, "Sa kissing scene, wala...wala naman pong naiba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Same pa rin po dun sa OTWOL [On The Wings of Love]."

Pero, pareho silang aminado na mas may glow sa kanilang mga mata ngayon kaysa dati habang tinatapos nila ang pelikula.

Nangingiting sabi ni Viva actress, "I guess, wala namang pinagkaiba.

"Pero, yes, nagka-glow na talaga...ngayon po."

Ano na nga ba ang nabago sa kanilang relasyon ngayon?

Sabi ulit ni Nadine, "Wala naman pong gaano, kasi magtu-two months pa lang naman po.

"Pero, yung nga po, kung sa relationship, two months pa lang po kasi.

"Pero, as friends, marami-rami na rin kaming na-experience together.

"So, yun po,"

Ayon naman kay James na tipong umiwas sa tanong, "Hayun, napunta kami sa Paris, sa London.

"Yun din."

Nasa getting-to-know-each-other stage pa rin ba sila?

Lahad ni Nadine, "Wala na po kami sa ganung stage dahil matagal na po kaming magkakilala.

"Pero, yun nga sa relationship, two months pa nga lang kami."

Ang isa sa mahalagang tanong sa kanila ay tungkol sa reaksiyon nila na ang movie nila ay tinapatan ng pelikula nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado ng Star Cinema.

Ayon kay James, "It's my first time to experience anything like this, so I don't know how to react.

"But, I always believe in healthy competition.

"Of course, we're surprised but... I don't know how to react."

Sabi naman ni Nadine, "Same, nagulat din po ako.

"I don't know how to react, kasi first time.

"First time ko din pong na-experience na dalawang [Tagalog] movie na same ang playdate nila.

"We're happy naman po kasi si Kuya Lloydie naman po…we're not competing with anyone naman po.

"We're just really excited and happy for This Time."



Direk Nuel Naval with This Time lead actors Nadine Lustre and James Reid. ?? @rosegarciafab

A photo posted by PEPalerts (@pepalerts) on







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN