Tom Rodriguez hails Magtanggol as a timely salute to Pinoy OFWs

Tom Rodriguez says his involvement in the movie Magtanggol made him understand the plight of Pinoy OFWs: "Mas lalong tumibay pa yung pagkabilib ko sa kanila sa mga sakripisyo na ginagawa nila. I've been exposed to OFWs before, nakaka-relate ako sa pakiramdam na malayo ka sa pamilya mo."


Naniniwala si Tom Rodriguez na timing sa election period ang promo ng pelikula nilang Magtanggol.

Ayon sa aktor, napapanahon ang pelikula dahil ipinapakita rito ang dalawang klase ng mga pulitiko.

Ang isa ay nasa panig ng kabutihan na handang tumulong sa overseas Filipino workers (OFWs) na nakararanas ng pagmamalupit at pang-aabuso sa ibang bansa.

Ayon kay Tom, “Ang isang pulitiko naman ay nasa panig ng kasamaan na puro pagpapabida lang ang ginagawa at walang tulong na naibibigay sa ating mga kababayan.

Ginagampanan ni Tom sa Magtanggol ang role ni Senator Juancho Magtanggol Jr., na masigasig sa pagtulong sa mga OFWs na nagiging biktima ng pang-aabuso at pagmaltrato ng kanilang amo sa ibang bansa.

EYE-OPENER. Dahil nga raw sa kanilang pelikula ay nabuksan ang kanyang isip kung gaano kahalaga ang katungkulan ng mga pulitiko.

“It opened my eyes din kung gaano kalaki yung responsibilidad ng isang pulitiko, na hindi siya isang posisyon na kailangan mong maliitin.

“The essence of the word 'public servant' is serving the public.

“So, if you’re gonna go into public service, kailangan yung kapakanan ng publiko yung isipin mo, dahil may serbisyo kang kailangang ibigay sa kanila,” sabi ni Tom.

Kaya may panawagan si Tom sa mga Pinoy ngayong eleksyon na manindigan at pumili ng mga kandidatong tunay na makakatulong sa Pilipinas, gayundin sa ating mga kababayan sa loob at labas ng bansa.

SALUTE TO OFWs. Dahil din daw sa Magtanggol ay mas tumaas pa ang tingin ni Tom sa mga OFWs, na tinaguriang mga bagong bayani ng Pilipinas.

“Mas lalong tumibay pa yung pagkabilib ko sa kanila sa mga sakripisyo na ginagawa nila.

“I’ve been exposed to OFWs before, nakaka-relate ako sa pakiramdam na malayo ka sa pamilya mo.

“Kasi parang reverse OFW din ako in a way dahil nandito ako, malayo ako sa pamilya ko, ang buong pamilya ko nasa States.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam ko na mahirap yung nawawalay ka sa mga mahal mo sa buhay.

“Tapos, makikita mo na bukod pala roon ang dami pang napakahirap silang pinagdadaanan.

“Hindi lang pang-aabusong pisikal kundi pang-aabusong emosyonal.

“Grabe, hindi ko maisip pag nilalagay ko yung sarili ko sa mga pinagdadaanan nila,” ani Tom.

Kasama rin sa cast ng Magtanggol sina Joonee Gamboa, Ejay Falcon, Albie Casiño, Dina Bonnevie, Yam Concepcion, Denise Laurel, Ricky Davao, Kim Domingo, Giselle Sanchez, Epy Quizon, at Mavi Lozano.

Mula sa produksyon ng Felix and Bert Film Productions at sa direksyon ni Sigfreid Barros Sanchez, ang Magtanggol ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa May 18.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN