Therese "Teri" Malvar to be honored at 15th New York Asian Film Festival

GMA teen star Therese "Teri" Malvar will be given the Screen International Rising Star Asia Award in New York. She was recognised for her remarkable portrayal of "daring roles that have expanded the range of contemporary Philippines' cinema."



Napili ng New York Asian Film Festival (NYAFF) ang Pinay teen actress na si Therese "Teri" Malvar bilang isa sa recipients ng Screen International Rising Star Asia Awards.

Kinilala ang 15-year-old actress para sa pelikulang Hamog (Haze) mula sa direksyon ni Ralston Jover.

Gumaganap si Teri bilang isang “violent street kid who infiltrates a twisted household as it’s maid.”

Bibigyan siya ng parangal ng NYAFF sa film fest na magaganap mula June 22 hanggang July 9.

Ayon sa GMA Artist Center, personal na tatanggapin ni Teri ang kanyang award sa naturang New York festival.

"I would like to thank the New York Asian Film Festival for believing in me. This recognition will continue to fire-up my passion in acting and be a game-changer in this industry. Mabuhay ang talentong Pilipino," ani Teri.

Napili rin ng NYFF ang dalawa pang Asian actresses para sa Screen International Rising Star Asia award.

Ito ay sina Go Ayano ng bansang Japan at Jelly Lin ng bansang China.

Kinilala si Go Ayano para sa kanyang mga pelikulang A Bride for Rip Van Winkle kunsaan gumanap siya bilang isang Machiavellian fixer; bilang most corrupt cop in Twisted Justice; at isa sa three suspects ng isang heinous crime sa Rage.

Si Jelly Lin naman ay isang kilalang comedienne at paparangalan siya para sa mga pelikulang niyang The Mermaid, L.O.R.D. at Journey To The West: Conquering The Demons.

Ito ang ikatlong taon na ng Screen International Rising Star Asia award sa NYAFF.

Ang award na ito ay naglalayon na bigyan ng international attention ang mga new talents mula sa Asia.

Ang mga nakatanggap na nito ay ang mga Asian stars na sina Nikaido Fumi in 2014 and Sometani Shota in 2015.

Ang NYAFF, co-presented by Subway Cinema and the Film Society of Lincoln Center, ay gaganapin from July 6-9, 2016.

Unang nakilala si Teri noong 13 years old pa lang ito dahil sa indie film na Ang Huling Cha-Cha Ni Anita na nagpanalo sa kanya ng Best Actress award sa kauna-unahan CineFilipino Film Festival in 2013.

Nanalo rin siya ng Best Actress award sa Cinema One Originals Digital Film Festival noong 2015 para sa indie film na Hamog.

Lumabas na rin si sa mga GMA-7 teleserye na Let The Love Begin at That’s My Amboy. May ginawa rin siyang isang episode para sa Karelasyon.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN