Has Piolo Pascual ever had one-night stand?

Piolo Pascual (in photo) said that Billy Crawford would visit Coleen Garcia on the set of Love Me Tomorrow.



Kung pagbabasehan ang trailer ng bagong pelikula ni Piolo Pascual sa Star Cinema, ang Love Me Tomorrow, puwedeng sabihing may pagka-naughty ang karakter na ginagampanan niya rito.

May Coleen Garcia at may Dawn Zulueta siyang leading ladies.

“Can be, can be, oo, one of those,” saad naman ni Piolo nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Love Me Tomorrow sa La Reve, Sgt. Esguerra, Quezon City.

Ayon pa kay Piolo, “More than naughty, very ano…DJ kasi siya.  We don’t want to stereotype or typecast DJ as boring or you know, parang yun lang ang ginagawa nila. It’s a representation. Not necessarily generalizing the life of the DJ.  But yeah, it’s more on walang patutunguhan ang buhay niya.

“He’s torn between Coleen and Ms. Dawn’s character. But for me, it’s nice. I find it for real kasi, it really happen now, e. Yung society ng tao ngayon mas different, mas aggressive. So yun I guess ang naging adjustment namin.

“You know, it’s a story that’s been told many times but now, in a setting kung ano ang nangyayari sa Philippines, kung ano ang nangyayari sa millennials. Such as Coleeen, and our director who is also a millennial, that’s a new term but of course, yung relationship ng bawat isa, from different generation.”

Sabi namin kay Piolo, parang ang sarap ng posisyon niya ngayon.

May Coleen at may Dawn siya.

“Oo naman, you cannot ask for anything more,” nakangiti niyang sabi.

Dugtong pa niya, “And you know, at my age and stage of my career—siyempre, it’s like giving birth to a baby, it’s like conceiving a baby.  Siyempre, you’re at the mercy of your audience. Hindi mo rin naman alam.

“You’ll always say that you’re only good as your last project, parang tinataya namin lahat. Tinataya mo na para walang sisihan at the end. Whatever the outcome is, as long as you give your best, bahala na si Lord.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dalawang leading ladies niya ngayon sa Love Me Tomorrow, mas daring daw yung love scene niya kay Coleen.

May mga nagsasabing seloso raw yata ang boyfriend ni Coleen na si Billy Crawford. Nagpaalam ba si Piolo rito?

“No naman, Billy and I are good friends. He’s not really jealous. You know, he’d stay in the set and wala naman. Billy and I have always been good friends and no conflict between myself and Billy.

“You know, you can call a person seloso but he’s not dumb. He’s not stupid naman not to trust his girlfriend sa pelikula. Matalino naman si Billy at matalino rin naman si Coleen.”

Gaano ba sila ka-daring ni Coleen dito?

“I don’t wanna call it daring, but it’s what happen nowadays. You know, mga one-night stand. Kung ano-ano, unfortunately, society nowadays, medyo delikado.” 

Natawa si Piolo at sabay sabi nang, “Grabe naman yung pagka-direkta! Parang hindi ko siya madidirektang sagutin,” nang tanungin namin na siguradong siya rin, dumaan sa mga one-night stand.

“Ayokong magpaka-santo, pero parang ayoko na siyang sagutin,” natawa pa rin niyang sabi.

Normal na ba niyang nakikita ang one-night stands sa ngayon?

“I don’t wanna say it’s normal. I mean, if you love yourself, it’s not about—it’s not even about religion, it’s about preserving yourself for someone. Someone who deserves it. Hindi naman kailangan, e.

“If it’s the norm, you don’t have to follow the norm. Nasa sa iyo naman yun kung hanggang saan kaya mong irespeto ang sarili mo, kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. So kaniya-kaniya ‘yan.” 

May teenager na anak si Piolo, si Iñigo Pascual.

Paano niya pinapayuhan ang anak sa mga ganitong issue?

“Lalaki ang anak ko, e. Sa akin, as much as possible, I always tell him, you know, go out, meet people.  You have to go.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Diretsong tanong naman kay Piolo ay kung pinapayuhan niya ang anak na magdala ng condom.

“Hindi nga ako nagdala ng condom, bakit ko—well, I don’t think he’ll go that far, huwag tayong pumunta ro’n,” saad niya.

Mapupusok ba ang mga babae ngayon?

“Yun lang, yun lang ang kailangan nating ingatan. Pero there are things na bahala na sila. My son is almost 19, I don’t want to spoonfeed him. I don’t want to tell him what to do and not to do. I want him to be independent at saka, lalaki naman ‘yan. Mari-realize niya kung ano ang tama at hindi. You’re only there to guide him.”




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN