Denise Laurel and Tom Rodriguez topbill political thriller Magtanggol

Tom Rodriguez and Denise Laurel topbill the indie action film Magtanggol, which will open in cinemas on June 8, 2016.



Ipinagmamalaki ni Denise Laurel ang bagong pelikulang kanyang kinabibilangan, ang indie action film na Magtanggol. 

Marami raw nadiskubre si Denise sa pagganap niya bilang si Atty. Susan Del Rosario, isang abugadong nagtatrabaho sa organisasyong Migrante at tumutulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagiging biktima ng pananamantala at pang-aabuso sa abroad.

“This movie is about mga kababayan nating OFWs, yung mga sufferings nila doon at kung sino yung mga tumutulong sa kanila. I think this movie will inspire people to think that our family members are working so hard, so imbes na isipin natin ang sarili natin na nami-miss natin sila, na iniwan nila tayo, isipin natin na naghihirap sila doon para sa atin dito. Talagang nakakagulat ang mga kuwento nila na nangyayari talaga sa totoong buhay,” sabi ni Denise.

Si Tom Rodriguez ang gaganap bilang Senator Juancho Magtanggol, ang bida ng political thriller na produced ng Felix and Bert Film Productions.

Kasama rin sa pelikula sina Ejay Falcon, Joonee Gamboa, Dina Bonnevie, Albie Casino, Yam Concepcion, Ricky Davao, Kim Domingo, Giselle Sanchez, Epy Quizon at Mavi Lozano. Sa direksyon ni Sigfreid Barros Sanchez, ang Magtanggol ay ipalalabas sa mga sinehan sa June 8.

Narito ang synopsis ng pelikula: "The film Magtanggol is about a fictional prominent Magtanggol family rocked by a scandal as one scion—a young senator who is a strong OFW rights protection advocate—was tagged as a principal suspect in a string of overseas murders of abusive OFW employers."

Bukod sa pelikula, ano pa ang iba niyang pinagkakaabalahan ni Denise ngayon?

“I’m recording my album. I have five songs in. I’m supposed to shoot my music video in Batanes, but we have to pause muna.

"I also have a lifestyle show for Lifestyle Network that’s coming out, Modern Girls, this month din. And then yung teleserye namin [sa ABS-CBN] naka-hold pa because we’re waiting for another teleserye to end.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW






Para sa mga OFW. para sa Bayan! ????? #SenatorJuancho #NbiNestorRamirez #Magtanggol

A photo posted by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN