Eugene Domingo confirms Ang Babae sa Septic Tank sequel

Eugene Domingo happily reports that the much-awaited sequel for her critically-acclaimed indie film Ang Babae sa Septic Tank will start filming this year: "May greenlight na sa project naming ito. Same director and writer pa rin na sina Direk Marlon Rivera and Chris Martinez. Kasama pa rin sina Kean Cipriano, JM de Guzman and Cai Cortez."

 


Ngayong taon ay magbabalik na sa paggawa ng pelikula si Eugene Domingo, at ito ay para sa sequel ng kanyang critically-acclaimed film na Ang Babae sa Septic Tank.

Na-update na raw ang Facebook page nito at confirmed na ngang gagawin na nila ang pelikula.

Kinumpirma ito mismo ni Uge noong nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Dear Uge sa Masambong, Quezon City.

Detalye niyang kuwento, “May greenlight na sa project naming ito.

“Same director and writer pa rin na sina Direk Marlon Rivera and Chris Martinez.

“Kasama pa rin sina Kean Cipriano, JM de Guzman and Cai Cortez.

“Mag-uusap pa kami sa magiging takbo ng kuwento.

“Kasi nga yung ending ng Ang Babae sa Septic Tank nahulog ako sa septic tank, di ba?

“Kaya we might pick it up from there.

“Basta this year na ‘yan mangyayari, kaya abangan na lang nila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN