Aljur Abrenica out; Vin Abrenica takes over lead in Moonlight Over Baler

Vin Abrenica says his brother Aljur Abrencia supports him in making the movie Moonlight Over Baler: "Matagal na daw niyang alam yung script, matagal na daw nilang pinag-uusapan. Gusto niya na gawin ko yung best ko kasi matagal niya nang naiisip gawin yun, e."



Excited na ang bagong ABS-CBN star na si Vin Abrenica para sa kanyang bagong proyekto dahil siya ang kinuhang lead actor ni Direk Gil Portes para sa upcoming movie nito na Moonlight Over Baler.

Balak ilahok ang pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2016 ngayon Disyembre.

Saad ni Vin, "Ako sobrang saya ko talaga kasi si Direk Gil, isa siya sa talagang naniniwala talaga. Hindi lang sa akin kundi din sa utol [Aljur Abrenica] ko. Nakatrabaho ko siya nun ‘tapos wala akong ibang narinig sa kanya kundi puri sa dati kong trabaho."

Dalawang karakter ang gagampanan ni Vin, isang sundalo na nagngangalang Nestor at isang banyagang nagngangalan namang Kenjie. 

Sabi ng Kapamilya star, "Si Nestor is isang sundalo na yung [makakapareha] kay Fidela. Dapat ikakasal na kami pero dahil magkakaroon ng giyera ang mga Hapon at mga Amerikano kasama ang mga Pilipino noon, sumama ako sa giyera at hindi na ako nakabalik. Yun si Nestor."

Dagdag pa nito, "Si Kenjie naman, isa siyang photojournalist at surfer siya kaya siya nasa Baler. Maganda kasi sa Baler di ba? Ano ako, e, banyaga ako pero lumaki ako sa Hawaii.

"Akala ko Japanese speaking pero hindi rin ako marunong mag-Tagalog dito. More on English ako dahil lumaki ako sa Hawaii and tuturuan naman ako ni Fidela. So yun naman ang background ni Kenjie."

Hindi naman daw agad-agad nitong nakuha ang role dahil kainailangan din niyang mag-audition para dito. 

Kwento ni Vin, "Ito yung sinasabi niya [Direk Gil] sa akin na pelikula na mag-audition lang daw ako. At sinubukan ko talaga, ginawa ko yung best ko at nakuha ko yung role."

Ito ang ikalawang pelikula ni Vin at ang unang beses na magbibida siya. Ang unang pelikulang kinabilangan nito ay Ang Hapis at Himagsik ni Hermano Puli na pinagbibidahan naman ng kapatid nitong si Aljur Abrenica at kasama ang bunso nilang kapatid na si Allen Abrenica. Sa darating na September naman balak ipalabas ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagpapasalamat naman si Vin sa tiwalang ibinibigay sa kanyan ni Direk Gil. Pahayag nito, "Alam ko naman, naniniwala kasi siya sa akin so siya ang dahilan. Napaka-espesyal niya sa puso ko kasi ang una naming pelikula, ang first-ever film na kasama ako na isa sa mga main cast is yung Hermano Pule.

"Kasama ko dun yung kuya ko [Aljur] at yung bunso [Allen Abrenica] kong kapatid na alam kong magla-last yung movie forever. Ipapakita daw sa mga schools. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran sa kanya yun, sobrang grateful talaga ako sa kanya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Vin sa storycon ng pelikula nitong Huwebes, May 26, sa Limbaga 77 restaurant sa Quezon City. 


MOONLIGHT OVER BALER. Makakasama ni Vin ang Sinag Maynila Film Festival 2016 Best Actress na si Elizabeth Oropesa bilang ang bida sa pelikula na si Fidela. Kabilang sa cast Ellen Adarna, Daria Ramirez, Menggie Cobarrubias, at ang dati nitong katambal na si Sophie Albert.

Ikinatuwa ni Vin na marami siyang bagong makakatrabaho sa pelikulang ito at inaasahan nitong marami siyang matututunan lalo na sa mga beteranong aktor at aktress na kasama niya dito.

Aniya, "Sobrang masaya ako sa mga makakasama ko ngayon. Si Ellen, first time ko makakatrabaho ‘tapos ang ating mga seniors sobrang marami akong matututunan. Kanina sinasabihan na nila ako na, ‘Maghanda ka na.’ Sasabihan ako ng para sa akin, I consider it wisdom e, kung ano man yung sasabihin sa akin.

"They’re the best e, she’s [Elizabeth Oropesa] a best actress [winner] so wala akong masasabi, open ears lang ako."

Ito ang unang beses na gaganap si Vin ng alawang karakter sa iisang proyekto kaya naman pinag-aaralan na nitong mabuti ang kanyang mga gagampanan.

Sabi ni Vin, "First time, first ever na dual role tong gaganapin ko and pinapractice ko na siya. Kailangan ko lang i-internalize. Dalawang tao yung nasa isip ko e, first is my Lolo. Yung lolo ko talaga is lumaban sa mga Hapon that time. Naalala ko kung paano siya gumalaw at magsalita. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bilang si Kenjie naman, siguro I can act that out kasi I haven’t been to Baler. Hindi pa ako galling dun and photo-journalist at nagiging blogger naman ako sometimes so puwede ko ma-apply yung sa role ko."

Sa darating na June 14 ang tentative date ng simula ng kanilang shooting ngunit balak ni Vin na pumunta sa lugar ng mas maaga upang mag-immersion. Bukod dito, mag-aaral na rin si Vin na mag-surfing na kakailanganin nito sa isa niyang karakter sa pelikula.

Pahayag ng dating TV5 actor, "I’m gonna be there June 10 pa lang to do immersions. Mag-i-immersion ako and dahil surfer ako dito, meron daw sa Alabang na hindi ko pa napupuntahan. Wakeboarding kasi ako, e, yung hinihila ka, so yun. Nag-skate boarding din ako. Surfing, I haven’t tried so yun ang gagawin ko sa Alabang.

"Kasi iba daw yung current sa Baler kaya bawal daw mag-ano dun, bawal mag-scuba [diving] so mas delikado."


ALJUR'S ROLE. Inamin naman ni Vin na ang mga karakter na kanyang gagampanan sana ng nakakatandang kapatid nito na si Aljur. Ngunit hindi daw nito magagawa ang proyekto dahil gagawin nito ang afternoon drama series na Once Again sa GMA-7.

Kuwento ni Vin, "Nag-look test na sila after Pule. Hapon to e, may pagka-Hapon di ba? So si kuya nakita niyo naman yung mata niya, medyo may pagkakonting ganun [singkit] di ba? So siya talaga yung fit. Naglook-test, minake-upan siya na Hapon, minake-upan siya na sundalo and pasado na.

"Pero may dumating daw sa kanya, yung trabaho niya ngayon, yung Once Again. Di kakayanin, so they talked, si Direk at si Kuya, ‘O ano, anong gagawin mo? Binigay ko na sa kapatid mo yung role?’

"Sabi ni Kuya, ‘Gusto ko pa rin gawin yung role direk!’ Sabi ni Direk, ‘Aljur, you have Hermano Pule, give it to your brother.’ Si Kuya sinasabihan niya ako every time na nagkikita kami, ‘Kamusta yung trabaho?’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matagal na raw gusto gawin ni Aljur ang pelikula ngunit buo pa rin ang suportang ibinibigay nito sa kapatid na siyang gagawa ng pelikula. Sabi ni Vin, "Kasi alam ko nauna pa niyang nagustuhan ‘tong script na ito versus yung Hermano Pule. Matagal na daw niyang alam yung script, matagal na daw nilang pinag-uusapan.

"Gusto niya na gawin ko yung best ko kasi matagal niya nang naiisip gawin yun, e."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN