Is Vic Sotto joining the Metro Manila Film Festival this 2016?

"With the September deadline, parang malabo [kami]," says Vic Sotto about the new rule implemented by the Metro Manila Film Festival this 2016.



“Parang di rin kumpleto ang buhay ko kung wala akong entry.”

Ito ang unang sagot ni Vic Sotto nang tanungin kung magiging bahagi pa rin siya ng Metro Manila Film Festival ngayong 2016.

Ayon sa kilalang comedy actor, bagamat gustung-gusto niyang maging bahagi ng taunang festival, hinihintay pa rin daw niya at ng kanyang grupo ang magiging huling desisyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA)—ang kagawaran ng gobyerno na namamahala sa MMFF.

“I've been doing this for 15 years na. I don't know, we're still weighing kung ano ang mangyayari sa mga susunod na kabanata,” sabi ni Vic sa reporters na dumalo sa press conference ng bago niyang weekly sitcom na Hay Buhay kanina, June 13.

Bukas ako this year. Surely, we will be back,” ani Vic.

Tapusin lang natin ang gulo na 'to. Medyo nagulo ang usapan dahil doon sa gulo last year sa mga jurors.”


VIC ON NEW MMFF RULES. Kasunod nito, nagpahayag ang Eat Bulaga! host ng kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiyang naganap noong nakaraang MMFF, na naging sanhi ng malaking pagbabago sa festival ngayong 2016.

Kabilang na rito ang rule kung saan ang mga pipiliing pelikula ay base na sa mga natapos na pelikulang nais maging kalahok sa MMFF. Hindi tulad noon na sa script ibabase kung aling mga pelikula ang magiging official entries sa MMFF.


(Read: MMFF 2016 emphasizes 'artistic excellence'; removes awards for 2nd, 3rd Best Picture & Best Child Performer)

 
Ani Vic, “Naiintindihan ko naman ang point. Ako'y nakikiisa sa nais nila.

Kaya lang, sana ang inayos nila ay 'yong judging—nandoon ang problema, nandoon ang complaints. Hindi naman doon sa pagpili ng mga entries, wala doon, e.

Hindi naman natin siguro pwedeng maliitin ang mga entries sa festival natin. Kumpleto naman siya, kumpleto ang mga genre.”

Matatandaan na noong nakaraang taon ay nagkaroon ng reklamo sa pagkaka-disqualify ng Honor Thy Father ni Direk Erik Matti para sa kategoryang Best Picture isang araw bago ang awards night. Ito ay dahil sa naipalabas na abroad ang naturang pelikula bago ang MMFF, na isa sa ipinagbabawal para sa official entries.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Vic, “Ako, I respect 'yong mga tipo nila Erik Matti na umaangal.

Sa totoo lang, ang mali nila, nasa rules naman talaga na kung naipalabas na, hindi na pwede rito.

Pero nagkaroon ng exception, naipalabas sila.

At dahil dun, dinisqualify sila sa awards, na sa tingin ko ay mali naman kasi tinanggap na, bakit pa idi-disqualify sa awards.

Bakit na-disqualify? Baka may pinapaboran.

'Yon ang dapat imbestigahan, 'yon ang dapat inayos nila.

Ang nangyari, inimbestigahan nila, pero binago nila 'yong kabuuan ng festival.

Ang mangyayari, kawawa naman 'yong mga wala masyadong budget na sumusugal na mapalaki ang budget para maipalabas nang Pasko at kahit papaano ay babalik ang puhunan.”


DIFFERENT FILM FEST. Kaugnay ng kanyang huling pahayag, idiniin din ng actor-producer na pagdating sa MMFF, “Dapat isaalang-alang natin parati kung para saan ba 'yong festival.

Ang alam ko rito, ang mandato ng gobyerno diyan is fund-raising.

Kailangang kumita nang malaki, kailangan kumita ang box-offiice returns.

Bakit? Kasi, diyan nanggagaling ang pera ng Mowelfund para sa mga artista at mga tao sa industriya; diyan din nanggagaling ang budget ng Film Academy, Cinema Evaluation Board, Presidential Social Fund.

So, ang kailangan, ang priority ay kumita.”

Kung ang nais daw ay makagawa ng mga pelikulang maaaring ilaban sa intenational film festival, sabi ni Vic, “Kung gusto natin ng pang-Cannes Film Festival, dapat ang ginawa nila ay mag-set aside ng pang-tipong ganun, mga pwedeng pang-Berlin Film Festival.

Pero iba rito, ito ay para magbigay ng kasiyahan.

Paminsan-minsan lang 'yan, once a year lang ang Christmas. Parang kasama na sa kultura ng mga kababayan natin, 'Uy, Pasko, nood tayo ng festival.'”


SEPTEMBER DEADLINE. Sa bagong MMFF rule, kinakailangang mai-submit na ang kabuuan ng pelikula sa September.

Kung matutuloy ito, ayon kay Vic, tila hindi kakayanin na makasali siya ngayong taon.

Ani Vic, “Dapat nagsu-shooting na kami. 'Yon nga ang isa sa pinoproblema namin, paano kami aabot sa September?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman kami gagawa ng pito-pito.

Medyo mahirap ang kalagayan namin ngayon.

I don't know kung ie-extend nila to maybe one more month, to be more realistic.

Kasi September, ano na ngayon, magju-July na. Hindi naman ganun kadali ang gumawa ng pelikula.”

Kung sakali, ang mga independent film producers daw ang maaaring makagawa ng pelikula sa ganoong kaiksing panahon.

Maraming makikinabang, kung tutuusin, 'yong ating mga kaibigan sa indie kasi mabibilis gumawa 'yan, e.

Kaya nilang mag-produce sa loob ng isang buwan.

Pero 'yong tipo ng ginagawa namin, hindi ko kayang tapusin ng isang buwan.

We need at least four to five months.

With the September deadline, parang malabo [kami].”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN