Johan Santos excited about first big breakthrough advocacy movie about Down Syndrome

Johan Santos (shown with his Ku'Te co-star Marielle Therese) hopes that his advocacy movie will inspire and educate more people about Down Syndrome: "Sa pamamagitan ng istorya ng magkapatid na Emong at Lenlen ay makikita nila na ang bata o taong may Down Syndrome ay nangangailangan ng espesyal na pagmamahal, pang-unawa, at pag-aalaga."

 



Aminado ang ABS-CBN actor na si Johan Santos na may panahon ding nakakaramdam siya ng frustration sa kanyang career. Mahirap daw talaga pag hindi regular ang dating ng mga proyekto.

“Mahirap din naman kasi.

“Akala kasi nila porke’t artista ka, e, madali na lang ang pera.

“Kasi nga, una, hindi stable ang taping mo o show mo. Flordeliza pa ang last regular teleserye ko.

“Iyon ang ibinigay sa akin ni Direk Wenn [Deramas]. Mayroon naman minsang guesting like sa MMK [Maalaala Mo Kaya] o kaya sa Ipaglaban Mo.

“Bumabawi lang talaga kami pag out-of-town shows, ganyan.

“Lalo na noong may kampanya pa bago ang eleksyon.

“Noong may kampanya, kumikita-kita naman tayo kahit papaano. Awa ng Diyos ay umaahon pa,” sabi ni Johan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Johan sa intimate interview para sa pinagbibidahan niyang advocacy movie, ang Ku’Te, na ginanap sa Music Bank sa Timog Ave., Quezon City noong June 14.


EARLY YEARS IN SHOWBIZ. Nagkaroon ng unang chance sa kanyang showbiz career si Johan noong 2005 nang mapabilang siya sa Final 14 ng third season ng GMA-7 artista search na StarStruck, kung saan naging ka-batch niya sina Marky Cielo, Jackie Rice, Iwa Moto, at Arci Munoz. Nakagawa rin siya ng ilang projects sa Kapuso Network.

Dumating naman ang second chance sa career ni Johan noong 2009 nang maging official housemate siya sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother: Double Up, kung saan siya ang itinanghal na 4th Big Placer at ang Big Winner naman ay si Melai Cantiveros.

Marami ring nagawang proyekto si Johan sa ABS-CBN, pero hindi siya nagkaroon ng bida role.


BIGGEST BREAK. Kaya naman itinuturing ni Johan na third chance at biggest break sa kanyang career ang kauna-unahan niyang title role sa pelikula.

Ito ay para sa isang advocacy movie na tumatalakay sa taong may Down Syndrome, ang Ku’Te, sa ilalim ng direksyon ni Ronaldo “Roni” Bertubin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginagampanan ni Johan ang role ni Emong, na ang kapatid na si Lenlen ay may Down Syndrome.

Kuwento niya, “I’m so overwhelmed na napunta sa akin ang title role dito sa Ku’Te.

“Siyempre kasama si Marielle Therese, na kapatid ko sa movie.

“Ibinibigay ko yung credit kay Direk Roni talaga. Tinanong ko sa kanya, ‘Direk, kaya ko ba ‘to?’

“Sinabi niya sa akin, ‘Kaya nga ibinigay ko sa iyo kasi alam kong kaya mo.’

“Nagulat ako sa ganun kasi first time ko itong magiging bida. Pero with the help and guidance of Direk Roni natapos namin nang maayos ang pelikula.

“And naging espesyal pa ang first time kong maging bida dahil ang Ku’Te ay isang advocacy film.

“Sa pamamagitan ng istorya ng magkapatid na Emong at Lenlen ay makikita nila na ang bata o taong may Down Syndrome ay nangangailangan ng espesyal na pagmamahal, pang-unawa, at pag-aalaga.

“Kung may kapamilya o kamag-anak man tayong mayroong Down Syndrome, hindi natin sila dapat ikahiya. I-discover natin yung mga kaya nilang gawin.”

Ang Ku'Te, na mula sa produksyon ng PRO.PRO, ay isa sa mga pelikulang Pilipinong kasali sa World Premieres Film Festival-Philippines, na inorganisa ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Gaganapin ang festival mula June 29 hanggang July 10, 2016.

Ang mga activities para sa World Premieres Film Festival-Philippines ay magaganap sa Cinematheque Center Manila na matatagpuan sa 855 TM Kalaw St., Ermita, Manila.

Ipapalabas din ang Ku’Te sa mga SM Cinemas - July 1 Gala Premiere (6 pm) SM North EDSA; July 3 (7 pm) SM North EDSA; July 4 (7 pm) SM North EDSA; July 7 (5 pm) SM Megamall; July 8 (5 pm) SM Megamall; at July 10 (7 pm) SM Megamall.


WORKING WITH AN ACTRESS WITH DOWN SYNDROME. Puring-puri naman ni Johan ang isa pang bida sa Ku’Te na si Marielle Therese, na sa totong buhay ay may Down Syndrome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magandang karanasan daw para sa kanya na makatrabaho ang isang taong may Down Syndrome.

Pagmamalaki niya, “Naku, tiyak na marami ang matutuwa at mapapaluha ni Lenlen.

“Si Marielle Therese, kahit may Down Syndrome, madaling makatrabaho, mabait, malambing at talagang naiintindihan niya ang mga pinagagawa sa kanya.

“Nung una, may nerbiyos ako kasi nga first time ko maka-work ang isang taong may Down Syndrome.

“Pero as the shoot progressed and finished, napakagandang experience sa akin to work with her at tiyak akong maraming mga tao ang matutuwa at maraming aral na mapupulot sa Ku'Te.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN