Judy Ann Santos reveals how she fell in love with script for Cinemalaya entry Kusina

Judy Ann Santos reveals how the script for the Cinemalaya 2016 entry Kusina grabbed her instantly: "Parang in a way naka-relate ako dun kay Juanita na gustung-gusto niyang nagluluto para sa mga mahal niya sa buhay, dahil ganun ako."



Muling haharap sa kamera at aarte si Judy Ann Santos matapos ang halos dalawang taon.

Ito ay para sa indie movie na Kusina na entry para sa Cinemalaya Film Festival 2016 ngayong Agosto.

Ang huling pelikula ni Judy Ann ay ang remake ng T’yanak na ipinalabas noong October 2014.

Ano ang pakiramdam sa muli niyang pag-arte sa isang pelikula?

“Ito kasi, very different kasi with T’yanak nung ginawa ko siya.

“May hosting akong ginagawa, so parang sanay ako sa kamera.

“Yung ngayon kasi ang tagal kong nakapahinga – as in totally. Kumbaga, inabandona ko yung kamera for the longest time.

“So ngayong humarap ako uli sa kamera, nanganay ako, nanganay ako nang sobra.

“Nahirapan ako in the sense na hindi ako confident sa trabahong ginagawa ko, hindi ako confident kung paano yung ibabato kong emosyon, kasi nga, first time ko uling…

“Ngayon lang uli ako makakatrabaho ng indie film with Cinemalaya and yung story, yung script na ginagawa namin, gustung-gusto ko talaga.

“So parang gusto mong ibigay lahat pero hindi ka sure kung talagang nahi-hit mo yung marker mo, yung ganun.

“Kaya natatakot ako. Natatakot ako, kinakabahan ako. Yung dasal ko ibang klase talaga,” at tumawa ang aktres.


OVERCOMING COMPLACENCY. Nararanasan pa pala niyang kabahan sa harap ng kamera kahit na isa siyang mahusay na aktres?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Oo naman, oo naman.

“Parang pag hindi mo na yata nararanasang matakot or kabahan sa kahit na anong project, parang dapat kang kabahan.

“Parang ibig sabihin siguro masyado ka nang nagiging confident sa ginagawa mo.

“Which I think is hindi healthy.

“Kapagka hindi ka na natatakot, parang hindi na siya healthy for you and for your career. Kasi parang naging masyado ka ng naging confident.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa shooting ng Kusina (na produced ng Cinemalaya Foundation /Cinematografica Films) noong June 11 sa Marcos Highway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa pelikula sina Luis Alandy, Ms. Gloria Sevilla at Joem Bascon.

Ito ay sa direksyon nina Cenon Palomares at David Corpuz.

Noong nabuntis si Judy Ann kay Lucho ay halos anim na buwan na siyang buntis nang siya ay nagpahinga.

Sabi niya, “Pero yung kay Lucho kasi, nag-movie pa akong buntis ako at tsaka nagte-teleserye pa kami nina Direk Wenn [Deramas] at tsaka nina Gladys [Reyes], sabay kaming buntis ni Gladys nun, e.

“So parang nagbakasyon lang ako, five months na akong buntis.

“Kay Luna two months pa lang ako, wala na akong ginagawang project.

“Meron man book signing [for her cookbook Judy Ann’s Kitchen], ganyan, pictorials.

“Pero wala na talagang yung on-cam na trabaho.”


IN LOVE WITH THE SCRIPT. Paano siya napapayag na tanggapin ang Kusina movie?

Bulalas niya, “Gusto ko talaga siyang gawin!

“Parang there’s really no doubt na gagawin ko siya.

“Nung binasa ko siya, I called up Noel [Ferrer, Ryan Agoncillo’s manager at isa sa mga tao sa likod ng pelikula], at sinabi ko sa kanya na, ‘Kapatid, gusto kong gawin ito. Bigay mo na sa akin, akin na lang itong istoryang ito.’

“Palanca awardee siya, nung tinext ako ni Noel na, ‘Kapatid, may ipababasa akong script sa iyo, tingnan mo kung gusto mo.’

“Sinabi na nga niya sa akin na Palanca awardee siya ten years ago, ganyan-ganyan.

“Tapos nung binasa ko siya, na-hook na ako agad sa story niya.

“Ako kasi pag nagbabasa ako ng script, binabase ko siya sa kung paano ko siya tatanggapin.

“Kung nakakatakot siya dapat matakot ako ng totoo ha, tapos dapat… gusto kong nakikita ko na yung nangyayari. Nabi-visualize ko na siya.”

Ano ang damdamin at emosyon niya ng basahin niya ang script ng Kusina?

Patuloy niyang kuwento, “Na-hook ako sa kanya, naintriga ako sa kung paano siya maitatawid kasi isang location lang, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung Kusina lang, parang doon lang nag-evolve yung story ni Juanita [her character in the movie] yung buhay niya.

“So parang in a way naka-relate ako dun kay Juanita na gustung-gusto niyang nagluluto para sa mga mahal niya sa buhay, dahil ganun ako.

“Pero hindi naman ako dumating sa point na luto ako nang luto, hindi ko na naaasikaso ang sarili ko.

“At tsaka parang feeling ko lang na nung time na nag-commit ako sa kanila, and in all fairness to the whole staff, the directors of Kusina, hinintay talaga nila ako.

“Talagang, parang ni-rewrite nila yung script para talagang makasali ako.

“Kasi I was willing to, you know, para mag-cameo na lang ako kung hindi talaga kakayanin kasi they had to shoot already.

“Parang they needed to shoot ng April, hindi pa lang ako puwede masyado nun kasi nga na-CS [caesarean operation] ako kay Luna.

“So I can’t force myself to work, at least for me, iba-iba naman kasi ang cases ng mga nasi-CS, e.

“Ako lang since first time ko, ayoko lang na i-challenge yung sarili ko na gumawa ng isang bagay na after kong napahinga, na-CS ako, biglang magdya-jump ako dun sa isang trabaho, di ba?

“So nagpahinga muna ako and hinintay talaga nila ako up to the last minute na puwede na akong i-push na hanggang kailan, ‘June ba puwede na tayo?’

“June pumayag na ako kasi five months na si Luna, medyo nakakagalaw na ako, kumbaga normal na yung kilos ko, hindi na ako masyadong takot.

“So kaya… ayoko namang masayang yung paghihintay ng buong team sa akin.”


COOKING BY MOOD. Dahil may elemento ng pagluluto ang pelikula, tinanong namin si Judy Ann; kailan siya mas masarap magluto, kapag masaya o kapag galit o malungkot?

Aniya, “Iba-iba! Ako dumidepende ako sa ingredients na nakikita ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pag fresh, fresh yung maluluto mo. Kung dried ingredients, dried din, di ba?

“Pero most of the time, meron akong mood, e. Na mag-imbento ng pagkain.”

Ano kadalasan ang mood na iyon?

“Wala lang. Wala.

“O yung pag may napanaginipan akong ulam, kailangang gawin ko siya.

“May ganun ako.

“Halimbawa, nakapanaginip ako ng mechado, tapos may napanood ako na parang mechado yung luto, iku-combine ko yun.

“Tapos, habang nagluluto ako, nagdadagdag ako nang nagdadagdag.

“I play by heart, by taste, by ear, by smell, by sight. Alam mo yun?

“Ang hirap bumuo ng isang magandang putahe kasi ang tagal ko siyang niluluto,” pahabol pa niya.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN