Piolo Pascual and Yen Santos to shoot Once in a Lifetime in New Zealand

IMAGE Rose Garcia

Piolo Pascual is cast as a playboy in Once in a Lifetime, which will be shot in New Zealand. He is paired with Yen Santos in this movie that is co-produced by Regal Films, Star Cinema and Spring Films.




Ginanap ang story conference ng bagong pelikulang Once In A Lifetime na isu-shoot sa bansang New Zealand. Ang particular setting ay gagawin sa Queenstown, New Zealand kunsaan ay nag-i-snow sa panahong ito.

Sa Valencia Events Place ginanap kahapon, July 31, ang story conference kunsaan dumating ang cast ng pelikula sa pangunguna na nina Piolo Pascual at Yen Santos na magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon.

Nandoon din ang director ng pelikula na si Dondon Santos na siyang nagpaliwanag ng magiging takbo ng kuwento at karakter ng bawat isa. Ang Once In a Lifetime ay co-produced ng Regal Films, Star Cinema at Spring Films.

Hindi naman maitago ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ang kasiyahan at kakiligan sa pagbabalik muli ni Piolo sa Regal Films. Ang huling pelikula pa raw na ginawa ni Piolo sa Regal ay may labing-apat na taon na ang nakararaan.

Ayon kay Mother Lily, “You know, I’ve been praying for many, many years already na I can still get Piolo Pascual. Talagang dream ko ‘yan and thank you for coming back to me, welcome po.”

Ang kuwento ng pelikulang Once In A Lifetime ay pinagbibidahan nina Piolo at Yen Santos sa kanilang unang pagtatambal kasama ang child actor na si Raikko Matteo.

Si Piolo ay si Charlie Sr., isang Filipino na nagtatrabaho at nakatira sa Alaska. Gwapo, mabait, responsible, maasahan, perfect boyfriend na sana, kaso playboy. Kasama sa move niya ang pagdadala sa babae sa bundok para makita ang Northern Lights.

Si Yen naman si Angel na first time sa Alaska, maganda at sexy pero may pagka-boyish. Mauuna silang magkakilala ni Charlie Jr. bago niya makilala ang tatay nito na si Charlie Sr. May mga mga emotional baggage rin na dala-dala.

Ang batang si Raikko naman ang gumaganap na si Charlie Jr. Four years old pa lang siya nang iwan ng kanyang second father, pero alam niya na hindi ito ang biological father niya hanggang sa magsama na nga sila ng tunay niyang ama sa Alaska.

Ang iba pang cast of characters ay sina Jerald Napoles bilang si James at matalik na kaibigan ni Charlie Sr. Maricar de Mesa bilang si Joyce, ang Nanay ni Charlie Jr., Sandy Andolong at Tirso Cruz III ang mga magulang ni Charlie Sr. bilang sina Juliet at Ricardo. Kasama rin si Joel Torre bilang si Kado, ang tatay ni Angel at tumayong single parent.

Sina Piolo, Yen, Jerald at Raikko ang ilan sa cast na magsu-shooting sa New Zealand ngayong Agosto.

Ang Once In A Lifetime ay isang love story pero bukod dito, kuwento rin ng pamilya, higit sa lahat ng mag-ama kung kaya’t malapit agad sa puso ni Piolo ang gagawing pelikula.

Katulad ng Regal producer, masaya rin si Piolo sa kanyang pagbabalik. Ayon sa heartthrob actor, “Masayang-masaya rin po ako dahil matagal din namin itong plinano.

“Si Direk Dondon po ang nag-pitch, and he said na si Mother ang ka-partner niya rito and me being with ABS-CBN and Spring po, it came together.

“Masaya po ako kasi, I’ve always wanted to work with Mother. After I Think I’m In Love which is fourteen years ago, sabi ko po talaga, babalik ako sa Regal.

“And now we’re here, parang nakaka-overwhelm, nakaka-surreal. Dito naman po sa business, iikot at iikot lang tayo.”












ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN