Angel Locsin is still Darna, confirms Star Cinema head

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2016
Star Cinema Managing Director Malou Santos recently confirmed that Angel Locsin (in photo) will still be playing Darna.


Si Angel Locsin pa rin ang gaganap na Darna na nakatakdang gawing pelikula.

Ito ang sinabi umano ni Star Cinema Managing Director Malou Santos, ayon sa kwento ni Aster Amoyo, veteran entertainment columnist at talent manager.

Sa isang artikulo na lumabas sa Pilipino Star Ngayon nitong Huwebes, September 1, kinumpirma ni Tita Aster na si Angel pa rin ang gaganap bilang Darna.

Unang ginampanan ni Angel ang iconic Filipina super-hero sa teleserye noong 2005.

Tinawagan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Tita Aster upang malaman kung paano sinabi sa kanya ni Ms. Malou na si Angel pa rin ang gaganap na Darna sa pelikula.

Matatandaang sinabi na ng Kapamilya aktres na hindi na siya ang gaganap ng super-hero dahil sa kanyang disc bulge at sumailalim pa sa dalawang operasyon.

Subalit kahit na lumutang ang pangalan ng mga aktres na posibleng gumanap bilang Darna, wala pa ring kumpirmasyong inilalabas ang Star Cinema kung sino ang bagong Darna.

Continue reading below ↓

Ang Star Cinema ang siyang magpo-produce ng pelikula.

“Very casual lang ang pagtanong ko, e, kaya I wrote about it,” kwento ni Tita Aster sa PEP sa telepono, Biyernes, September 2.

“The mere fact na hindi nag-a-announce ng ibang pangalan, why do they have to wait this long kung talagang hindi si Angel ang gaganap, di ba?”

Sabi raw ni Ms. Malou, “For now, walang iba, e.”

Dagdag pa ni Tita Aster, “At the same time, inaaway siya ng mga fans. Natatawa siya pero it’s indirectly saying si Angel talaga.”

Ang nasabing dinner ay pinangunahan ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak para sa mga miyembro at officers ng Professional Artists Managers, Inc. at dinaluhan din ng mga ABS-CBN executives at business unit heads.

Ginanap ito sa ABS-CBN executive boardroom.


(Popoy Caritatibo, Malou Santos, Ricky Gallardo, Carlo Katigbak, Aster Amoyo & Norma Japitana at the dinner get-together with PAMI Officers and members together with ABS-CBN top execs and business unit heads. Photo courtesy of Aster Amoyo)

Continue reading below ↓

ANGEL PREPARING?

Samantala, binanggit din ni Tita Aster na tila naghahanda na si Angel para sa pelikula lalo pa’t balik ito sa pagsasagawa ng physical activities.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Angel ang kanyang pag-akyat ng Mt. Pico De Loro at pag-scuba diving sa Anilao, Batangas.

Kamakailan ay sinabi rin ni Angel na willing pa rin siyang bigyang buhay ang Pinoy superheroine.

Ani Angel sa isang recent interview, "Depende pa rin naman sa ABS-CBN yun and kung babalik yung health ko.

"Priority ko talaga yung health ko kasi balang araw, gusto ko magkaroon ng baby."

(Read: Angel Locsin still willing to do Darna: 'Kung para sa akin, para sa akin.")

Posible rin daw na sa 2017 pa gagawin ang pelikula dahil ngayon ay may ginagawa pang pelikula si Angel.

(Read: Angel Locsin to reunite with Sam Milby and Zanjoe Marudo in The Third Party)


Okay? Okay... ???????? ???? @padoyfajermo #diving #anilao #philippines #underwater #adventure

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Mt. Pico De Loro Summit ? || (Traversed from Maragondon, Cavite to Nasugbu, Batangas) -00608160-

A photo posted by Angel Locsin (@therealangellocsin) on







Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Cinema Managing Director Malou Santos recently confirmed that Angel Locsin (in photo) will still be playing Darna.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results