Kathryn-Daniel movie Barcelona earns P23 million on opening day, according to Star Cinema

Kathryn Bernardo and Daniel Padilla were overwhelmed by the strong reactions of Kathniel fans to the ending of Barcelona: A Love Untold.



Star-studded ang premiere night ng Barcelona: A Love Untold noong September 13 na ginanap sa SM Megamall Cinema 7. Pinangunahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang cast members na dumalo sa red-carpet screening.

Sa opening day nito ngayong araw, umabot ng P23 million ang kinita ng Barcelona: A Love Untold sa box-office.

Ito ang announcement ng Star Cinema Ad Prom head na si Mico del Rosario sa kanyang Instagram account kagabi, September 14, around 11 pm.

Ang Kathniel movie na ito, na nasa ilalim ng direksiyon ni Olivia Lamasan, ay graded B ng Cinema Evaluation Board.

Ipinakita sa kanilang pelikula ang ganda ng Barcelona, Spain kunsaan halos 90% ng mgaeksena ay doon kinunan. Sa romance drama na ito, ginampanan nila ang mga OFW na sina Mia at Ely na parehong kailangan ayusin sa kanilang mga buhay.

Naging intense ang mga eksena nina Kathryn at Daniel, lalo na ang mga huling sequences nila bago matapos ang pelikula. Tuwang tuwa ang mga nanood ng premiere night lalo na ang mga KathNiel fans, na hindi magkamayaw sa kasisigaw at pagtalon sa kanilang mga upuan habang pinapanood ang highlight ng pelikula.

May mga sumigaw pa na “Finally! Finally!” Halos dumagundong ang Cinema 7 ng SM Megamall sa mga tilian ng kanilang fans.

Matapos ang premiere night ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Kathryn at Daniel upang kunin ang kanilang reaksyon sa mainit na pagtanggap ng kanilang mga fans sa kanilang pelikula.

Kathryn: “Alam niyo po, sobrang special nang gabing ito para sa 'min, kasi nagpunta lahat ng mga importanteng tao sa buhay namin, lahat sila ay nagpunta para mapanuod yung movie namin. Sobrang saya namin nung makita namin yung reaksyon nila after watching it, so, worth it, worth it lahat ng pagod. Sobrang nao-overwhelmed lang ako ngayon.”


Daniel: “Nakakatuwa kasi sobrang priceless yung reaksyon ng mga Kathniel fans, mga bisita, kaibigan at kamag-anak namin. Nakakatuwa, kasi binigay mo kasi lahat, e, tapos eto ang kapalit. Ang sarap sa feeling.”

Sa ending ng pelikula, kitang kita niyo na nagkagulo ang mga Kathniel fans dahil sa tuwa, yung iba walang tigil sa pagsigaw at pagtalon habang pinapanood ang ending. Ano ang feeling niyo that time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Kathryn: “Ako rin, e, yung dibdib ko, sobrang lakas ng kaba.”


Kinabahan ba kayo doon sa huling eksena niyo sa pelikula?


Daniel: “Oo naman! Sobrang kaba namin nun, siyempre kasi first time, e!” Ngumiti na lang si Daniel at hindi na nagdetalya pa tungkol sa tinutukoy niyang first time.

(To view pics during the premiere, click here: Kathryn and Daniel hug at Barcelona premiere; fans go wild over crucial scene)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN