Ryza Cenon broke down in tears before shooting love scene: "Bakit ko 'to gagawin?"

IMAGE Noel Orsal

GMA-7 actress Ryza Cenon bags her very first lead role for the QCinema 2016 entry, Ang Manananggal sa Unit 23B, where she was required to do a masturbation scene and two love scenes.



Hindi napiligan ni Ryza Cenon na maluha nang magsalita tungkol sa kanyang kauna-unahang lead role sa pelikula, Ang Manananggal sa Unit 23B.

Ito ay isa sa official entries sa 2016 QCinema International Film Festival na gaganapin mula October 13-22 sa Trinoma, Gateway, Robinsons Movieworld Galleria, and UP Town Center.

“Sobrang pinaghirapan namin ‘to. Tagal kong hinintay kasi. Pinagdasal ko talaga na makuha ko siya,” simula ng GMA-7 actress sa press conference ng pelikula sa Full Belly Craft Kitchen sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City nitong October 8.

Ginagampanan ni Ryza ang role ng isang manananggal sa pelikula na “romantic-gore” ang genre.

Ito rin ang first mature role ni Ryza dahil nagkaroon siya ng maseselang eksena.

“Marami pong first time sa film na ‘to na ginawa ko. Sobrang proud ako na natapos ko siya nang maayos na di sila namrublema sa akin.”




SENSITIVE SCENES.
Sa nasabing pelikula, makakatambal ni Ryza si Martin del Rosario.

Mayroon ring bed scene sina Ryza at Cholo Barretto at sa isa pang male talent.

Dagdag pa rito, mayroon ding masturbation scene si Ryza.

Kwento ng aktres, mas nahirapan siya sa love scene nila ni Cholo kesa sa masturbation scene niya.

Paliwanag niya, “Sa masturbation kasi sabi ko nga kay Direk, yung masturbation madali lang, kasi ako lang mag-isa, so kaya ko kontrolin yung eksena. Ako lang kasi ang gagawa.

“Pero yung sex scene, may ka-eksena, so hindi mo control kung ano yung nararamdaman niya. So yun ang mahirap.

“Kinausap ko din naman si Cholo about it. Talagang naging honest ako sa kanya na medyo natatakot ako kasi first time ko siyang gagawin.”

Naging gentleman naman daw sa kanya si Cholo.

“In fairness naman sa kanya, talagang sinuportahan naman niya ako. Saka sa eksena, sobrang napaka-gentleman, e. Talagang after scene, takip agad.”

Kwento pa ni Ryza, nagpa-late siya nang araw na kailangang i-shoot ang love scene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sa bahay umiiyak ako saka lakad ako nang lakad. Pabalik-balik, sinasabi ko sa sarili ko, ‘Bakit ko 'to gagawin?’”

Pero naisip raw niya ang paghihirap ng kanyang mga katrabaho. “Inilabas ko lang siya. Pagdating ko naman sa set, ready na ako makipag sex. Hahaha!”

Kwento naman ng direktor ng pelikula na si Prime Cruz, naging madali para sa kanya na idirek si Ryza sa pelikula.

“Kasi kapag pumupunta si Ryza sa set, ready na siya. Di na kami nagri-rehearse kasi pagpunta niya do’n parang in character na siya.

“Siguro nakatulong din before kami mag-shoot, nakailang meet-ups kami, tapos kwentuhan lang, tapos nood-nood ng movie.

“I guess naging helpful na napag-usapan naming mabuti yung character before we entered production.”

Nagustuhan din daw niya kay Ryza ang pagbibigay niya ng effort sa karakter nito.

“Hindi lang dahil kung ano yung nakasulat sa script.

“I think siguro what I appreciate about what she did I think she gave a part of herself to the film na she gave it a certain truth, kasi nagbigay siya ng maliit na parte ng sarili niya do’n sa character.”

Ang Manananggal sa Unit 23B ay isinulat ni Jen Chuaunsu at produced ng The IdeaFirst Company na pinangungunahan nina Jun Robles Lana at Perci Intalan.


(To learn more about the QCinema entries, read: Nora Aunor, Jaclyn Jose among stars featured in 2016 QCinema Film Festival)




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN