Tom Rodriguez appeals to US-based Pinoys to support Magtanggol in NY filmfest

IMAGE Noel Orsal

Tom Rodriguez appeals to US-based Pinoys to support his indie film Magtanggol, slated for its international premiere at the International Film Festival of Manhattan in New York: "I implore all of you to ask your relatives and friends in the States to come and watch it. Thanks! You can also help make our film win the Audience Choice Award by watching and liking this link! :) https://youtu.be/my10PNUj8KA #magtanggolthemovie #IFFMNYC2016."



Masayang-masaya ang bida ng GMA-7 primetime teleserye na Someone To Watch Over Me na si Tom Rodriguez dahil ang kanyang pinagbidahan na indie film na Magtanggol ay may international premiere ngayong October 22 sa International Film Festival of Manhattan in New York.

Binalita ito ng aktor sa kanyang Instagram post noong October 21.

“Yay!! Happy to announce that our tribute film to our beloved OFW's, MAGTANGGOL will have an international premiere on October 22, 9pm, as it competes at the International Film Festival of Manhattan at the Producer's Club in New York.

“I implore all of you to ask your relatives and friends in the States to come and watch it. Thanks! You can also help make our film win the Audience Choice Award by watching and liking this link! :) https://youtu.be/my10PNUj8KA #magtanggolthemovie #IFFMNYC2016.”

POLITICAL FILM. Mula sa direksyon ni Siegfried Barros Sanchez ang Magtanggol, kunsaan gumanap si Tom bilang si Juancho Magtanggol Jr. na lumaki sa isang political family na tinuturing ng masa bilang “revolutionary,” “heroes,” “nationalistic,” at “fighter of rights.”

Kasama rin sa cast sina Dina Bonnevie, Ricky Davao, Epy Quizon, Giselle Sanchez, Lui Manansala, Cholo Barretto, Joonee Gamboa, Yam Concepcion, Ejay Falcon, at marami pang iba.

PLEA TO U.S.-BASED PINOYS. Nagkaroon ng theatrical release noong June ang Magtanggol, pero first day-last day ito dahil pinull-out ito agad sa mga SM Cinemas dahil walang nanonood.

Inamin ng direktor na nagkulang sila sa marketing at publicity ng pelikula.

Kaya nanawagan at inanyayahan ni Tom na panoorin ng mga Pinoy na nasa U.S. ang kanilang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN