Nathalie Hart wins Best Actress award in New York for erotic drama

IMAGE From Instagram account of Nathalie Hart




Nanalo ang sexy actress na si Nathalie Hart ng kanyang kauna-unahang Best Actress award  sa International Film Festival Manhattan (IFFM) para sa pinagbidahan na pelikulang Siphayo.

Ang IFFM ay ginanap sa New York City mula October 17 at natapos siya on October 23.

Binalita ni Nathalie ang kanyang pagkapanalo noong nakaraang Thursday, October 20 sa kanyang social media accounts na Facebook at Instagram.

“It feels like Christmas because I won best actress at Manhattan festival. Woot woot for Filipinos and our movie Siphayo,” pag-post pa niya.

Ginampanan ni Nathalie (formerly Princess Snell) sa Siphayo ay ang role ng isang daring nubile nurse na sinira ang isang pamilya dahil sa pag-akit niya sa mag-aama played by Allan Paule, Luis Alandy at Joem Bascon.

Inamin ni Nathalie na hindi madali ang unang sabak niya sa paghuhubad.

“Nu’ng sinabi sa akin ni direk Joel na frontal nudity ang kailangan niya sa akin, kabadong-kabado po ako.

"Pero after reading the script, hindi na ako nagdalawang-isip.

“I was shocked but very excited with my role. It’s really a role of a lifetime.

"As Alice, I’m complex, manipulative, very sexy and unpredictable."

Ang erotic drama na ito ay mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

Ipapalabas ang Siphayo sa November 2 in selected cinemas nationwide.

Ang Siphayo ay nakakuha ng R-16 rating without cuts mula sa Movie and Television Review and Classification Board.

(To learn more about this film, click: Nathalie Hart says about double breast exposure: "I think men would like it.")


Ito ay isa sa six Filipino and three American feature films na featured sa IFFM ngayong taon.

Ang naturang film fest ay sine-celebrate ang diversity of independent cinema from all over the world.

Tampok sa IFFM ay ang mga pelikula ni Ato Bautista na Gemini; Seigfried Barros-Sanchez na Magtanggol; Will Fredo na Filemon Mamon at ang kay Paul Dy na Ignacio de Loyola.

Kinilala rin ang veteran writer na si Ricky Lee na tumanggap ng Lifetime Achievement Award in Screenwriting sa IFFM.

Ang Magtanggol, na pinagbibidahan ni Tom Rodriguez, ay nanalo bilang Most Popular Film sa New York film fest na ito.

Ang Filemon Mamon, na pinagbibidahan ni Giselle Sanchez, ay ang nakakuha ng Most Socially Relevant Film Award this year.

Ang pelikula ni Carlo Ortega Cuevas na Walang Take Two ay binigyan ng Best Ensemble Acting Award.

Samantala, ang Exist ni Kurt Fick ang napili bilang Best Music Video Award at ang The Equation ni Rhoda Joy Blazaq ang napili bilang Best Student Film.

 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN