Irma Adlawan: "I think somebody has to make a study of Filipino filmgoers."

IMAGE Noel Orsal



Mahusay na aktres sa indie at mainstream movies si Irma Adlawan, at natutuwa siya sa tagumpay na natatamo ng mga indie movies sa mga international film festivals.

“Oh, I am very, very happy, of course,” ang bulalas ni Irma.

“Nabibigyan tayo ng pansin kahit sa labas, kahit hindi masyado dito sa Pilipinas,” at natawa si Irma. “At least when we’re known internationally, I mean that makes you proud as a Filipino.”

Nahiya namang isa-isahin ni Irma nang tanungin namin kung ilan na lahat ang mga parangal na tinanggap niya bilang aktres.

“Konti lang po,” at tumawa ang mahusay na aktres.

Dito pa lang sa Pilipinas nakatanggap ng acting awards si Irma.

“Meron po akong international pero sa theatre, hindi film.”

Nakausap namin si Irma sa Racks restaurant sa presscon ng Trops na bagong show ng TAPE, Inc. tampok ang all-male group na BAES na binubuo nina Kenneth Medrano, Joel Palencia, Miggy Tolentino, Tommy Peñaflor, Kim Last at Jon Timmons.

Kasama rin sa cast ng Trops (directed by Linnet Zurbano) sina Benjie Paras, Taki, Kate Lapuz, Toni Aquino at Ina Raymundo.

Ipapalabas ito sa Lunes, October 24, bago ang Eat Bulaga! sa GMA.

Hindi na maalala ni Irma kung ano ang huling indie film na nagawa niya.
Bakit nga ba matagal na siyang hindi gumagawa ng indie?

“E, kasi marami na kami ngayon na nasa independent filmmaking na actors, e.

“Which is nice! Kasi dati talagang hindi pa naman masyadong ano so most of the time kami yung nakukuha.

“Pero ngayon dahil nagbu-boom na ang independent filmmaking marami na talaga, marami ng actors na lumalabas and more interested in doing experimental films.”

At si Irma ay mas nalilinya na sa mainstream movies?

“Hindi naman, most of the time, TV."

Ano ang malaking pagkakaiba ng paglabas sa indie films at mainstream films/TV shows?

“Well kasi naman sa independent film, it’s more experimental really, than the mainstream. Ang mainstream talaga is formula, e. No matter what we say, ang main objective ng mainstream is to earn.

“Yung balik ng funds na inilabas, iyon ang talagang most of the time, iyon ang goal ng mainstream. That sometimes, ang nangyayari nawawala yung experimentation and yung becoming different.

“Kasi alam nila na iyon ang kumikita, iyon ang kinakagat so most of the time, ganun ang formula na gagamitin.

“Ang mainstream naman is really commercial so naka-box talaga.

“I mean, sa independent filmmaking, it’s always out-of-the-box, something that you’d least expect the story to go through, iyon yung makikita mo which is why it’s interesting, kasi alam mong…

“Kaya lang kawawa lang ang mga producers ng independent film because most of the time, hindi nababalik sa kanila.

“But the prestige for us actors, yung nabibigyan kami ng other venues to resort to you know, finding things on how to do things, imbes na ito lang.

“Ito lang tayo, ito lang tayo. Mas malawak yung aming mundo na ginagalawan pag independent film kasi ang dami mong puwedeng magawa.”

Pareho rin ng iba ang nararamdamang kalungkutan ni Irma na hindi gaanong tinatangkilik dito sa ating bansa, lalo na box-office-wise, ang mga indie films.

“Oh, yes! Of course, oh yes, of course! Iyon ang masakit sa lahat, ano?  Hindi natin alam bakit.

“I think somebody has to make a study of Filipino filmgoers.

“Kasi why is it that… iba ba ang taste talaga ng Pinoy? Iba ba talaga ang taste nila sa taste ng ibang bansa? Na bakit hindi tayo makapasok sa Filipino community?

“These films that are being awarded abroad! So ako, actually kahit ako nagtataka ako. Gusto lang ba nilang makakita ng artista? Gusto lang ba nilang… ganun ba ang ating filmography as a Filipino?

“Films have to have stars that they know?

“So parang ganun yata, e,” at natawa si Irma.

“Na kailangan pag manonood sila ng sine, kilala nila, nakikita na nila somewhere. But if you’re totally unknown hindi masyadong binibigyan ng pansin, hindi sila kumakapit sa kung paano ginawa at ano’ng istorya ba ang sinasabi at ano ba ang nakuha mo dun sa film.

“Which is actually disheartening.”

Na tila mas importante pa rin ang star factor para panoorin ng mga tao ang isang pelikula?

“I think so. No matter what we say iyon talaga, e. Pero siguro siyempre may other ano din na…”

May pag-asa pa raw naman na mabago ang ganitong trend.

“Of course, there should always be hope, otherwise what are we here for,” at tumawa si Irma. “There has to be hope.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN