Ai-Ai delas Alas on indie film: "Noon ko pa sinasabi na gusto kong maging prostitute."

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas does an out-of-the-box role by playing an aging prostitute in the indie film, Area, which has been earning praise in international film festivals. 



Umani ng magandang reaksyon ang mga nanonood ng premiere night ng indie film na Area, na pinagbibidahan ni Ai-Ai delas Alas at Allen Dizon at idinirek ni Direk Louie Ignacio.

Nakuha pa ng pelikula ang Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival at tinawag na “masterpiece” bilang official selection sa Tallinn Black Night Festival.

Sa Pilipinas, mapapanood ang pelikulang Area sa November 9.

Lahad ni Ai-Ai, isang dream-come-true ang papel na ginampanan niya sa pelikula.

“Yung isa sa pangarap ko na maging role, eto, na nabigay na sa akin. [Binigay] ko naman ang buong puso ko para dito,” ani Ai-Ai sa presscon ng pelikula na ginanap sa Max’s Restaurant sa Scout Tuazon, Quezon City, nitong Miyerkules, October 26.

Ginagampanan ni Ai-Ai ang role ni Hillary, isang nalalaos na prostitute sa tinatawag na Area, isang lugar ng prostitusyon sa Angeles City.

Noong 1960s - 1980s, umabot ng mahigit 700 brothels ang nago-operate sa Area. Sa pelikula na ito, kaunti na lamang ang mga "casa" at isa na rito ang lugar kunsaan nagtatrabaho si Ai-Ai.

“About ito do’n sa Area, which is the red district sa Angeles City, mas mababa pa do’n sa dating Fields Avenue.”

Ang Fields Avenue ay kilalang prostitution area sa Angeles City noon para sa mga sundalong Amerikano noong ‘90s.

Sambit pa ni Ai-Ai sa kanyang role, “Kaya ginawa ko ito, unang-una kasi, dream role ko nga.”

Nagkaroon din daw siya ng pagkakataon na pumunta sa isang international film festival sa ibang bansa na nagustuhan niya.

Inusisa rin si Ai-Ai sa panibagong role niya na malayong-malayo sa mga karaniwan niyang wholesome roles.

“Kasi siyempre nagma-mature na rin tayo. Tumatanda na rin tayo, syempre kailangan ibang roles yung gagampanan ko, para magkaroon ng ibang genre.”

Sabi nga niya nang ibigay sa kanya ni Direk Louie ang proyekto, “Nung binigay sa akin ni Direk Louie, natuwa naman ako kasi may iba naman akong gagawin sa showbiz, sa buhay ko.”

Sa hiwalay na panayam kay Ai-Ai sa premiere night ng Area noong October 22, inamin nito: "Noon ko pa sinasabi na gusto kong maging prostitute."

Dasal rin niya ay suportahan ng mga Pilipino ang kanilang indie film na rated R-18 without cuts ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

"Sana kung gaano nila ako na-appreciate sa [Kazakhstan], sana ma-appreciate nila ako dito," ani Ai-Ai.

(Read: Ai-Ai delas Alas indie film Area wins Special Jury Prize in 12th Eurasia International Film Fest)

Ang Area ay graded A ng Cinema Evaluation Board.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN