How did Derek get Jean Garcia in the right mood for pool love scene in The Escort?

Derek Ramsay on working with Jean Garcia for a critical love scene in The Escort: "I was shocked kasi… at first medyo panic ako like, 'What?!' Ito yung experienced actress, such a big name, and she's saying it's her first time so parang extra caution ako."


Masasabing mapalad si Derek Ramsay dahil siya ang kapareha ni Jean para sa daring love scene ni Jean Garcia para sa pelikulang The Escort.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derek sa 38 Events Place sa QC sa presscon ng The Escort na pagbibidahan nila nina Lovi Poe at Christopher de Leon.

Produced ng Regal Entertainment, Inc. sa direksyon ni Enzo Williams, ang naturang pelikula ay ipapalabas sa November 2.

Kuwento niya, “I was shocked kasi… at first medyo panic ako like, ‘What?!’

Ito yung experienced actress, such a big name, and she’s saying it’s her first time so parang extra caution ako.

And I really made her feel comfortable coz I can see she’s nervous, she was uncomfortable because sa swimming pool yun, e.

But the minute Direk said ‘Action!’ pasok na siya at inalagaan ko talaga siya and I made her feel comfortable.”

Hindi naman daw nahirapan si Derek na alagaan si Jean sa naturang eksena.

Talagang extra effort lang talaga na… I was nervous.”

Sa pelikula ay escort din dati si Jean.

Detalye niyang kuwento, “Pero yung mayor, binili yung kontrata niya.

Kaya mahirap sa kanya, siya pa yung aggressive.

Kasi di ba, ako ayoko nang maging escort, pero siya yung lagi, e.

So di ba, parang ang ano ko dun is like mahal ko na rin siguro siya, kasi siya yung bumuhay sa akin and at the same time, ayoko nang gawin.

Kasi alam ko rin may asawa siya at kapag lumabas yung asawa niya sa kulungan yari ako.”

Isang bonggang love scene ang pagsasaluhan nila ni Jean sa The Escort.

LOVE SCENE WITH LOVI. Samantala, hindi naman itinuloy ang dapat sana ay dog-style na love scene nina Derek at Lovi Poe sa pelikula.

Rason niya, “Very rough na posisyon, dito pa yung kamera, nakaharap pa sa mukha ni Lovi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

And then, sabi ko, 'No, I don’t think this will be good for you.'

Ako na bahala kumausap sa kanya.’”

At kinausap ni Derek si Direk Enzo kaya hindi na itinuloy ang naturang maselang eksena.

Willing sana si Lovi na gawin ang eksena.

Ani Derek, “Alam mo kung hindi ako nagsalita, gagawin niya.

Kaya nga sabi ko, sobrang palaban!”

Bakit hindi pa nila ginawa?

Patuloy niya, “Kasi I don’t think it would be good for her, so I told her and I spoke to Direk.

Sabi ko, ‘Direk, parang hindi yata fit yung eksenang ito.'

'At the end of the day, it’s your decision, pero I strongly suggest that ibahin natin, I have a couple of suggestions if you’re willing to hear it.'

And he’s like, ‘Yeah, let me know.’

And he listened to my suggestions and that’s what we did. And it came out sexier and more appropriate.

Lovi didn’t look like someone who was being abused.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN