Direk Louie Ignacio hopes Area will help uplift the image of prostitutes

IMAGE Noel Orsal

Director Louie Ignacio feels good about uplifting the image of prostitutes in his latest indie film, Area, which stars Ai-Ai delas Alas: "Honestly, after doing the film, feeling ko part ako. Nilinis ko kahit paano yung image nila."


Noong unang marinig ni Direk Louie Ignacio ang kuwento tungkol sa Area, ang kilalang prostitution joint sa may Angeles, Pampanga, sinabi niya kay Ferdinand Lapuz na gusto niyang itong gawing pelikula.

Ang Area, kunsaan bida si Ai-Ai delas Alas bilang Hillary, ay tungkol sa mga matatandang prostitutes na patuloy pa rin sa pagbibigay ng panandaliang aliw sa mga lalaki of all ages, sa murang halaga.

Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Direk Louie sa grand presscon ng Area, sinabi ng filmmaker na maganda ang naging research nila sa kuwento ng pelikula.

May mga kinausap silang mga babae sa Area na naglahad ng kuwento nila, na siyang naging basehan ng mga karakter na ginampanan ni Ai-Ai at ng ibang artista sa pelikula.

Lahad niya, “Yung ibang babae na nandoon, doon na rin sila tumanda.

“Ganun na sila katagal sa Area. Sa movie, may karakter na lola na.

“May nakilala kami doon na lola.”

RESEARCH. Noong una niyang narinig ang mga kuwento tungkol sa sikat na prositution den, naniniwala ba agad si Direk Louie dito?

Sabi niya, “I immediately became interested in it.

“So pinuntahan namin ang lugar.

“Medyo natakot pa ako nung pumunta kami kasi ang dilim nung lugar.

“Ang lungkot.

“Tapos, ang sabi, nire-raid daw yun. Pero bakit up to now andoon pa rin?

“Pero hindi na namin tinalakay ang angle na yun sa movie.”

UPLIFTING THEIR IMAGE AND DIGNITY. Naging magaan ang loob ni Direk Louie sa mga taong nakilala niya sa Area.

Mababait daw ang mga ito at pakiramdam niya, pagbalik niya doon ay parang barkada na niya ang mga ito.

“Parang pag bumalik ako roon, may mga friends na ako roon na poprotektahan ako.

“Kasi pumapasok pa lang ako may tumatawag sa akin na Direk Louie.

“Hala, baka akala nila customer ako,” sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tawanan sila. StarStruck days pa lang daw nanonood na sila.

“Ilang taon na ang StarStruck. Kilala ako ng mga matatandang prostitute,” pagmamalaki niya.

Ano naman ang pakiramdam niya para sa mga taga-Area noong natapos na niya ang pelikula?

“Honestly, after doing the film, feeling ko part ako.

“Nilinis ko kahit paano yung image nila. Yung ibang image nila.

“Kasi ang akala ng lahat, prostitute tapos ganoon katalamak, pero hindi nila alam bakit sila ganoon.

“Yun ang naikwento namin, so natulungan namin sila,” pahayag niya.

THANKFUL FOR ACCOLADES. Marami ang pumupuri sa Area.

Masasabi ba ni Direk Louie na ito ang best work niya?

Umaasa ba siyang manalo ng award dahil dito?

Pag-amin niya. “Natatakot ako.

“Nakakatakot ako kasi maraming filmmakers, and indie ang turf nila.

“E, ako baguhan lang sa indie field. Iilan pa lang naman ang nagawa ko.

“Pero natutuwa na ako sa magagandang sinasabi nila about the movie.

“Ang babaw ko nga, kasi naka-Grade A kami Sigaw na ako nang sigaw sa tuwa.

“Lagi kong ipinagdarasal ang movie namin.

“If you promote Area at sinabi mong Grade A, yung mga taong suplado, baka ma-entice manood kasi Grade A siya.

“Malaking bagay, e.

“Kung sa awards, sana manalo.

“Wag lang ma-lock ang isip ng mga tao o ang jury sa iisang klase ng movie, kasi ang daming films natin na nanalo.

“Ang hirap kasi, kaya kung minsan mas maganda rin lumaban sa isang international film festival kasi wala kang kilala.

“Pag nanalo ka, sariling effort kumbaga.”

“Totoo ang sinasabi ni Ai-Ai na favorite siya.

“Pero napanood niya kasi ang mga entries kaya sabi niya pag international competition, suwertihan saka totoo iyon.

“And saka, lima lang ang major awards, 13 kami na naglaban. Tapos, second highest award kami.

“Best Film ang highest, tapos kami na Special Jury Prize.

“So parang doon pa lang, huwag ka magreklamo kasi second highest award ang nakuha mo sa isang malaking festival.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ESTONIA FILMFEST. Paalis si Direk Louie on November 22 patungong Estonia para mag-attend ng Tallin Black Night Film Festival kunsaan ang Area ay isu-showcase sa Panorama section.

Showing na ang Area sa mga sinehan on Wednesday, November 9.

Tampok din sa pelikula sina Allen Dizon, Sue Prado, and Sancho Vito delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN