Vice Ganda on MMFF exclusion: "Sa tingin ko, malaking kawalan ito sa mga manonood."

IMAGE Mark Atienza

Vice Ganda on not being part of MMFF 2016: "Sobrang nakaka-overwhelm, naiyak ako. Iyak ako ng iyak..."



Inaasahan ng lahat na ang pelikula ni Vice Ganda at Coco Martin na The Super Parental Guardians ay makakasama sa 2016 Metro Manila Film Festival.

Ngunit, hindi ito napili ng MMFF Selection Committee bilang isa sa 8 official entries.

Dahil dito, ang Star Cinema film na The Super Parental Guardians ay ipapalabas na sa November 30, three weeks bago magsimula ang 42nd edition ng MMFF.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice sa kung ano talaga ang totoong naramdaman at naging reaksiyon niya ng malaman niya na hindi sila kasama sa mga napiling pelikula.
 
“Na-sad, na-sad kasi ang intention namin, sumali sa MMFF,” pag-amin ng TV host-comedian sa ginanap na press conference ng pelikula sa Resorts World Manila noong November 22.
 
“Pero ready kasi kami at saka ang Star Cinema, ready kami kung ano ang gagawin mo kung hindi masasama sa film fest.  Nakalatag kaming lahat, ready kami.
 
“Una, sad noong nasa Showtime ako. Pero, slight natawa kasi si Vhong [Navarro], ganun din.  So dalawa kami. Nag-usap kami na siguro kung ikaw lang ang nalaglag tapos ako hindi, ang sakit lalo sa ‘yo.  Tapos ako rin, kung ako lang ang nalaglag tapos sa ‘yo hindi, ang sakit din sa ‘yo. Pero dahil dalawa tayo, hindi masyadong masakit, sabi ko kay Vhong.”

Si Vhong ay bida sa pelikulang Mang Kepweng Returns na hindi rin pinalad na maging bahagi ng MMFF 2016.
 
Ayon kay Vice Ganda, pag-uwi daw niya ng mula sa It’s Showtime saka siya naiyak.
 
“Tiningnan ko ang tweets under dun sa hashtag na MMFF 2016, nakita ko yung tweets dun sa hashtag dun na puro tungkol sa pelikula natin ngayon na nagrereact ang mga tao at parang hinahanap nila ang pelikula namin ni Coco this year, na parang nalungkot sila na wala yung pelikula namin this year.
 
“Sobrang nakaka-overwhelm, naiyak ako. Iyak ako ng iyak dahil nagkaroon ako ng realization na may maganda na pala akong naiambag sa mga buhay ng mga tao tuwing Pasko ngayon dahil hinahanap nila ako ngayong Pasko. Na naging bahagi na pala kami ng Pasko nila at gusto nila, ngayong Pasko, bahagi ulit kami.  Na malaking bagay sa kanila na hindi kami magiging bahagi ng Pasko nila ngayong Paskong ito.
 
“Yung feeling that I was able to do something right, I was able to do my purpose, kasi yun ang purpose ko, e, magpasaya ng tao, magpatawa, magpahagikhik, magpagaan ng pakiramdam.
 
“At yun ang naramdaman nila sa mga huli naming pelikula.  Na-serve ko ang purpose ko, I was just so happy and itong pangyayaring ‘to na mas napaaga ang pagpapalabas ng pelikula, it’s a big blessing.”
 
Ayon pa kay Vice, naka-move-on nga raw silang lahat agad pagkatapos na malaman nilang hindi sila kasama.  Ang masasabing maganda rin sa nangyari, sa lahat, isa sila sa unang magbibigay ng Pamasko sa pamamagitan ng pagpapalabas ng The Super Parental Guardians ngayong November 30.
 
“Everyone is positive, walang nag-aaway-away.  Everyone is positive doing the promo and everyone is positive na masaya ‘tong pelikulang ‘to at positibo ang magiging reaksiyon ng mga tao.”


KIDS MISS OUT ON MMFF. Ayon kay Vice Ganda, nanghihinayang siya para sa mga manonood ngayong Kapaskuhan.
 
“Kung malaking kawalan, gusto ko ng ilabas ang Metro Manila Film Festival kasi, it’s very unfair.  Ang kawalan nito, sa mga manonood, hindi sa Metro Manila Film Fest.
 
“Kasi, with all due respect, sa lahat ng napiling pelikula, lahat ay magaganda. Pero, parang wala akong nakitang pang-bata talaga na pelikula.
 
“Sa tingin ko, malaking kawalan ito kasi, malaking bahagi ng mga manonood na pupunta sa sinehan tuwing araw ng Pasko ay mga bata. Kaya sabi ko, ano ang panonoorin ng mga bata, ‘di ba?
 
“Parang nanghinayang ako na yung mga bata, excited sa panahong ito para lumabas ng bahay, kasama ang buong pamilya nila, Nanay, Tatay, mga kapatid nila, mga kinakapatid nila, lahat sila dadagsa ng pelikula.
 
“Ano ang papanoorin ng mga bata na para sa kanila ay para sa kanila talaga.  Kaya dun ako nanghihinayang na wala talagang pambata.  E, naniniwala ako na itong pelikula namin ay talagang pambatang-pambata.
 
“And this movie is a family movie and movie made for kids.”
 
Bilang wala siyang entry ngayon sa MMFF, paano niya ise-celebrate ang Pasko ngayong taon?
 
“Usually kasi, December 25, ang unang activity namin ay pumunta kami sa sinehan para panoorin ang pelikula namin at pagkatapos, mag-aabang na kami ng gross.
 
“Buong araw, hindi na kami gumagalaw, nag-aabang lang kami kung paano tinatanggap ng mga tao ang pelikula namin. Baka ngayon, e, relax-relax lang kaming mag-anak.”

Ayon kay Vice Ganda, magbabakasyon sila ng pamilya niya sa Paris pagkatapos ng Christmas Day.




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Vice Ganda, nanghinayang para sa mga manonood, hiniwalay niya ang tungkol sa #MMFF2016.

A video posted by PEPalerts (@pepalerts) on





Stories We Are Tracking

Vice Ganda on MMFF prioritizing quality this 2016:
Vice Ganda on MMFF prioritizing quality this 2016: "All my movies were all quality."
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films
MMFF 2016 officials deny snubbing big franchise films






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN