Phoebe Walker worried about inclusion of nude scene in Seklusyon Director's Cut version

IMAGE Jojo Gabinete

MMFF 2016 Best Supporting Actress Phoebe Walker (3rd from left) looks forward to more opportunities after renewing her contract with Viva Artists Agency and inking a ten-picture contract with Viva Films: "Wow! I'm happy, but at the same time, I'm not expecting anything; just kung may darating. I'm very grateful."


Ten-picture contract ang pinirmahan ni Phoebe Walker sa Viva Films at nag-renew din siya ng kontrata sa Viva Artists Agency (VAA) noong Huwebes, January 12, 2017.

Si Phoebe ang isa sa VAA talents na bibigyan ng launching movie ng Viva Films ngayong taon.

Inaasahan ding siya ang ipapalit kay Arci Munoz na hindi na nag-renew ng kontrata sa film outfit na nagpasikat ng maraming artista

ONE STEP FORWARD. Natuwa si Phoebe nang malaman nito ang magagandang plano ng Viva Films para sa kanya, pero ganunpaman, ayaw raw niyang umasa.

Pahayag niya, “Wow! I’m happy, but at the same time, I’m not expecting anything; just kung may darating.

“I’m very grateful.

“Kung wala po, then I’ll just keep on working, kasi mahirap kapag para kang fairytale mag-isip sa showbiz—yung happily ever after.

“Parang hindi ako naniniwala sa ganoon.

“At least ngayon, kahit papaano, may konting abante na ako sa starting line, kasi medyo matagal akong naronda doon.

“Mga one step forward tapos bumabalik na naman kaya ako nadismaya rin.

“Kasi sa Amazing Race Philippines, akala ko yun na ang break ko.

“Honestly speaking, akala ko yun na ang simula kaso hindi nangyari.”

Inamin ni Phoebe na naging biktima rin siya ng discrimination ng mga ilang mga artista noong ekstra pa lamang siya sa pelikula.

Isang suspense-thriller na inspired ng Hollywood movie na Gone Girl ang project na inihahanda ng Viva Films bilang launching movie ni Phoebe.

NUDE SCENE. Naging maugong ang pangalan ni Phoebe nang manalo siya bilang Best Supporting Actress sa Gabi ng Parangal ng 42nd Metro Manila Film Festival para sa performance niya sa Seklusyon ng Reality Entertainment.

Pinag-usapan ang frontal nudity scene ni Phoebe sa Seklusyon, pero mapapanood lamang ito sa international version ng pelikula.

Medyo napaisip si Phoebe nang makarating sa kanya ang balitang ilalabas ng Reality Entertainment ang director’s cut ang Seklusyon at siguradong kasama rito ang nude scene niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Wala pang info na naibabato sa akin.

“Hindi ko alam, e. Once lang ba ‘yan?

“I will probably watch if it’s a special screening, pero hindi pa kami nasasabihan.

“Saka na lang ako mag-prepare kapag sure na.

“Hindi ko ini-expect na ilalabas dito at kung special screening, meaning, one time lang and isang lugar lang.

“So, kahit papaano, limited pa rin.

“Sana lang, huwag ma-video,” ang nababahalang pahayag ni Phoebe, na naapektuhan noong kumalat ang still picture ng kanyang nude scene sa isang indie movie na ginawa niya noon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN