Newbie actress Jerene Tan names 3 dream leading men

IMAGE Aina Elinon

Jerene Tan recalls how she was able to join the movie Across The Crescent Moon.



Through Facebook nalaman ni Jerene Tan ang auditions para sa Across The Crescent Moon kaya napasama ito sa pelikula.

Kuwento ng newbie actress nang mag guest sa Dzbb 594 Walang Siyesta, "Sa Facebook po, yung isa sa producers ng Crescent Moon nag-post sa Facebook.

"Naghahanap siya ng kikay girls, di ko na maalala yung iba pang detalye about the auditions, parang nakalagay lang na looking for kikay girls, talent fee negotiable.

"Sabi ko sa sarili ko kailangan grab the opportunity. Tapos nag-message ako sa kanya sa kung anong kailangan gawin.

"Tapos sinagot ako na kailangan daw mag-acting.

"Una, hesitant ako kasi wala naman akong kaalam-alam sa acting.

"Tapos nag-okay na lang ako pero di ko naman alam kung totoo kasi hindi naman kami close.

"Kaya nung audition na, nakalimutan yata akong tawagan kaya late na ako pinapunta.

"Actually, dapat nga hindi na ako pupunta kasi nga late na nang malaman ko pero sabi nila, 'We'll wait for you.'

"Ako na yata yung last na nag-audition."

Ano ang role niya sa Across The Crescent Moon?

"Ako po dito si Chrissy, anak nina Dina Bonnevie at Gabby Concepcion.

"Para po sa akin isang malaking karangalan na makatrabaho ang mga veteran stars.

"Medyo na-presure ako kasi ang mga kasama ko mga veteran actors.

"Kasama namin dito si Christopher de Leon, Alex Godinez at ang bida talaga ay si Matteo Guidicelli.

"Kasama rin sina Jericho Estregan, Dianne Medina, Garie Concepcion, Joem Bascon, at iba pa."

How was it like working with Matteo?

"Dito sa movie na ito, literal na si Matteo yung hero ko kasi sasagipin niya ako."

Ang character ni Jerene na si Chrissy ay younger sister ni Emma (played by Alex Godinez).

Paliwanag ni Jerene, "Kasi po hindi po kasi tanggap yung relasyon nila ng ate ko ng pamilya namin dahil Muslim sila.

"Tungkol kasi ito sa interfaith marriage. Ang kinaganda kasi nito ang role po dito ni Matteo ay isang PNP officer.

"Bale magkakaroon po ng isang pangyayari na makikidnap ako na magbubuklod sa family and eventually masi-save ako ni Matteo."

Ano ang lesson na gustong iparating ng the Across The Crescent Moon?

"Parang hindi importante yung religion as long as pure yung love niyo sa isa't isa.

"Ang mahalaga lang acceptance kasi lahat naman tayo may iisang Diyos.

"Very timely din po yung movie dahil tinatalakay din dito ang tungkol sa drugs and human trafficking."

Binanggit rin ni Jerene na may character din sa pelikula na tumutukoy kay Philippine National Police Chief Ronald "Bato" dela Rosa at President Rodrigo Duterte.

How was it like working with veteran actors?

"It's a wonderful experience na makatrabaho sila at marami akong natutunan sa kanila.

"Hindi mo akalain na ganun na sila kasikat at malayo na ang nilakbay nila sa showbiz pero ganun pa rin sila ka humble at mabait.

"Gina-guide ka nila, hindi sila isnanero't isnabera.

Hiningan naman si Jerene ng pangalan ng three actors na gusto niyang maging leading men in the future.

Ani Jerene, "Siguro si Matteo ulit kasi kilala ko na siya, mahusay katrabaho at mabait.

"Si Xian Lim, kasi kokonti lang sa industry yung Chinese looking, tapos yung pagka-Chinese looking niya macho yung dating, and magaling din siyang umarte.

"Lastly, si Alden Richards, if puwede, kaso baka patayin ako ng mga Maine Mendoza fans. Hahaha!

"Actually may nagtanong niyan sa akin, if okay daw na maka-love triangle ako nina Maine at Alden.

"Sabi ko nung una okay lang kasi malaking karangalan ang makatrabaho sila, kaya lang baka patayin ako ng mga fans nila. Hahaha!

"Takot kasi ako ma-bash pero sabi nga sa akin deadma na lang wag na lang patulan para di na lumaki.

"Siguro wag lang yung imbento o below the belt, siguro deadmahin ko na lang or di ko na lang babasahin para less hurt."

Sino naman ang favorite actresses niya?

"Si Tita Dina ang galing niya! Actually na flatter nga ako sa kanya nung pinuri niya ako sa mga eksena na magkasama kami.

"Kasi para sa akin, for a Dina Bonnevie na mapuri ka, malaking achievement na yun, at kinilig talaga ako."

Ano ang mga projects niya sa ngayon?

"Nakasama din ako sa Trops. Ako dun si Janet, pero right now di pa bumabalik yung character ko sa show pero sabi naman nila babalik pa.

"As of now yun pa lang. Hopefully may mga projects pang dumating this 2017."

 


 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN