Polo Ravales speaks about pumping scene with Nathalie Hart in Balatkayo

Polo Ravales on sex scenes with Balatkayo co-star Nathalie Hart: "Daring siya—may mga breast exposure, butt exposure, pumping scene."



Kinumpirma ni Polo Ravales na todo sa pagka-daring ang love scenes nila ni Nathalie Hart sa indie film na Balatkayo.

Base sa trailer ng Balatkayo, isa sa kanilang love scenes ay kinunan sa isang kuwarto at mayroon din silang kissing scene sa disyerto.

Paglalarawan ng 34-year-old actor, “Daring siya—may mga breast exposure, butt exposure, pumping scene…

“But it was done artistically.

“Kailangan sa pelikula talaga, e. Saka mga mature roles yung mga kinukuha ko talaga. Kailangan sa istorya talaga yun.”

Gaganap sina Polo at Nathalie bilang overseas Filipino workers (OFWs) sa Dubai na nagkaroon ng illicit affair.

Si Aiko Melendez, na siyang legal na asawa ni Polo sa pelikula, ay isa namang OFW sa Singapore.

“This is about the life of an OFW. My role is husband ni Aiko.

“Pero dito, ipapakita kasi yung mga problema na kinahaharap ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

“Magkakaroon ng sex video yung anak namin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Polo sa presscon ng Balatkayo na ginanap sa Marco Polo Hotel sa Pasig City, noong Linggo, February 5.

Bukod sa paggawa ng indie film, masayang ibinahagi ni Polo na abala siya sa paggawa ng teleserye sa ABS-CBN.

Gumaganap siya bilang kontrabida sa Kapamilya afternoon soap na Doble Kara.

“Sobrang thankful ako na now I’m in Channel 2, and they gave me sobrang gandang role like yung sa Doble Kara. Sobrang kakaiba.

“And iba yung feeling kapag lumabas ka sa ABS. People recognize you. Nagkakamarka sa tao kapag lumalabas ka sa ABS. Iba yung impact.

“It was a good feeling na after two years na nagpahinga ako, sa ABS ako napunta,at nabigyan ako ng maganda role.”

Hindi man daw siya exclusive artist ng ABS-CBN, nararamdaman niya ang pag-aalaga sa kanya dito.

“Freelance, pero mayroon akong gagawin ulit sa kanila na serye. Gagawin pa lang siya, pang-primetime.

“Kontrabida role ulit. Wala na yatang nagkokontrabida ngayon, konti na lang, e. Saka mas gusto nila akong magkontrabida.”

Kasama din si Polo sa Wansapantaym Presents My Hair Lady kung saan gumaganap siya bilang ama ni Loisa Andalio.

“Two months yun. Ako yung tatay dito ni Loisa, so medyo busy sa Wansa. Ampon ko siya sa story.”

Tinanong din si Polo kung tatanggapin niya sakaling bigyan ulit siya ng proyekto na gaganap siya bilang ama.

Sagot ng Kapamilya actor, “I really don’t mind. For me, as long as maganda yung script, as long as mapapakita ko yung talent ko as an actor, I don’t mind.”



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN