Maja Salvador thankful for "intrigue-proof" friendship with John Lloyd Cruz

IMAGE Darwin Maglalang

Maja Salvador speaks highly of her deep friendship with John Lloyd Cruz: "Kami naman yung tipo ng magkaibigan na hindi nagpapapaekto sa kung anumang malisya ang ibigay ng ibang tao, ng news o anuman."



Nabalita noon na may proyektong hinahanda ang ABS-CBN at Star Cinema para kina Maja Salvador at John Lloyd Cruz.

Kahit inamin ng aktres na matagal na niyang pangarap na makatambal si John Lloyd, tila mukhang malabo pala itong mangyari sa ngayon.

“Pelikula with John Lloyd, pinapangarap ko 'yan.

“Siguro nag-start lang yung mga ganung balita nung may na-post ako sa IG [Instagram] ko.

“Teleserye kasi dapat, pero sa ngayon John Lloyd is busy with his new film with Sarah Geronimo and ako mayroon naman akong teleserye, Wildflower.

“Di man kami ngayon magtagpo, darating yun, makakatrabaho ko rin siya,” deklara ni Maja nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa presscon ng Wildflower noong February 8 sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

MUSIC VIDEO. Hindi man ito natupad, nagkasama naman sila John Lloyd at Maja sa appearance sa music video na may titulong Lloydy.

Ito ay kinanta ni Paulo Avelino para maging bahagi ng soundtrack ng pelikulang I’m Drunk, I Love You.

Labis naman ang pasasalamat ni Maja sa aktor.

Pagpapasalamat ni Maja, “Di naman sa nakiusap, iba lang talaga yung closeness namin na sobrang na-appreciate ko dahil bilang John Lloyd Cruz, nagbigay siya ng one day para gawin yung music video na yun.

“Siyempre si John Lloyd, ang dami niyang ginagawa, ang dami niyang projects, and then para pagbigyan kami, love niya talaga ako para gawin yun.

“It’s his first music video.”

FRIENDSHIP BEYOND INTRIGUES. Nang kumustahin namin ang pagkakaibigan nila ni John Lloyd, masaya din si Maja na di naapektuhan ng mga intriga ang friendship nila ng aktor.

“Kami naman yung tipo ng magkaibigan na hindi nagpapapaekto sa kung anumang malisya ang ibigay ng ibang tao, ng news o anuman.

“Parte yun, e. Nandito kami sa mundong ito, sa industriyang ito, malalagyan at malalagyan talaga ng malisya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bida si Maja sa seryeng Wildflower na magsisimula na ngayong February 13.

CHALLENGING ROLE. Aminadong mabigat ang karakter na ginagampanan niya sa pinagbibidahang teleserye, pero thankful pa rin si Maja na ipinagkatiwala sa kanya ang nasabing proyekto.

Aniya, “Tulad ng sinabi ko, laging thankful, grateful, blessed, kasi it’s been what... parang magpi-15 years na ako sa industriya, sa ABS-CBN and hindi pa rin nila ako pinababayaan.

“Pag may magandang project nasasali ako or binibigay nila sa akin, so sobrang salamat talaga dahil di nila ako nakakalimutan.”

“Sabi ko nga, minsan pag may segue the following day kasi M-W-F ang taping namin, so kunyari Tuesday, Thursday may gagawin, parang laging lunchtime yung call time para makatulog.

“Sabi ko, grabe no? Ganun pala yun, kahit di ka umiiyak or humahagulgol, pero once ang character mo full of pain and anger, pagod ka rin.

“Exciting, nakaka-challenge yung role ko bilang Ivy and excited ako sa twists ng kuwento niya dahil hanggang puro anger lang ba?

“Hanggang puro pain lang ba ipapakita niya, revenge lang ba ang kaya niyang ipakita?

“Paano ma-in love ang isang taong punung-puno ng galit at punung-puno ng pain?”

“Di kasi ako ma-negative na tao, e.

“More than sa pag-iisip na parang grabe naman, sa akin binigay ito, laging positive lang talaga.

“Laging nagte-thank you sa Diyos na magiging maganda ang resulta nitong teleserye namin dahil walang tapon na artista—lahat dekalidad, dekalibre, so laging nasa positive lang.

“Kahit sa set, mararamdaman mo na lahat, willing pagandahin yung teleserye namin.

“Ako yung mukha na pinapakita ng Wildflower but yung mukhang yun, marami ang bumubuo sa mukhang yun.”

NO COMPETITION. Kasabay ng playdate ng I'm Drunk, I Love You sa February 15 ang pelikulang My Ex and Whys na pinagbibidahan naman nila Enrique Gil at Liza Soberano.

Nakakaramdam ba siya ng ng kumpetisyon na sabay ang playdate nila ng nasabing pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi natin maiiwasan na sabihing may competition, pero mas kami sa I'm Drunk, I Love You, nakakatuwa na ang daming pelikulang Pilipino na nagbibigay istorya, nagbibigay pelikula ngayon na magbibigay saya sa mga tao.

“Mas magandang magsuportahan kaysa mag-compete sa isa’t isa, di ba?

“Hayun nga, pag positive ka, positive lahat ng darating, so excited ako sa lahat ng pelikula.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN