Lotlot de Leon named Best Supporting Actress in 50th Houston Worldfest in Texas

IMAGE Rommel Gonzales

Lotlot de Leon won the Best Supporting Actress Award for the indie film 1st Sem in the 50th Houston Worldfest International Film Festival.


HOUSTON, TEXAS -- Dalawang Filipino indie films ang umani ng tagumpay sa 50th Houston Worldfest International Film Festival sa Texas.

Nanalo si Lotlot de Leon ng Best Supporting Actress Award para sa indie film niya na 1st Sem.

Ang naturang pelikula tungkol sa isang estudyante na nag-a-adjust sa college life ay nanalo rin ng Gold Remi Award sa Theatrical Feature Film/Coming of Age category.

Ang Ai-Ai delas Alas-starrer na Area ay nanalo naman ng Special Jury Remi Award.

Ang Area na tungkol sa mga prostitutes sa Pampanga ay directed by Louie Ignacio.

Noong Sabado, April 29, 7 pm ginanap sa Houston (8 am April 30, Linggo, sa Pilipinas) ang awards night ng 50th Houston Worldfest International Film Festival sa ballroom ng Marriott Hotel.

Personal na tinanggap ni Lotlot ang kanyang award sa Texas.

Dumalo rin ang GMA-7 actress sa U.S. screening ng naturang indie film sa The AMC Studio 30 noong April 26 sa Houston (8 am, Huwebes, April 27, sa Pilipinas).

Maraming mga kababayan nating mga Pilipino na dito na nakatira sa Texas ang dumalo sa screening para sumuporta kay Lotlot na bida sa naturang pelikula na idinerehe nina Allan IbaƱez at Dexter Hemedez.

May mga kababayan rin tayo na sa Austin, Texas pa nakatira na nagtiyagang magmaneho ng halos apat na oras para lamang suportahan ang kanilang kababayang aktres.

Ang iba naman sa dumalo ay mga tagahanga ng Superstar na si Nora Aunor, na tuwang-tuwa dahil nakaharap at nakasama nila si Lotlot sa panonood ng pelikula.

Nagkaroon ng question and answer pagkatapos ng pelikula na sinundan ng photo-op at autograph signging with Lotlot and Allan.

Hindi nakasama na pumunta dito sa Houston ang isa pang direktor ng pelikula na si Dexter Hemedez dahil inasikaso niya ang Philippine showing ng 1st Sem na nagkataong natapat rin ng April 26.

Naiwan rin sa Pilipinas ang mga male newcomers na gumanap na mga anak ni Lotlot sa pelikula na sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, at Sebastian Vargas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN