Coco Martin described by Carlo J. Caparas as "heir apparent" of Fernando Poe Jr.

IMAGE From Instagram account of CocoMartin_PH

Carlo J. Caparas on the ABS-CBN actor: "Nakita ko kay Coco [Martin] na determined siyang sundan ang yapak ni FPJ [Fernando Poe Jr.]."



Bumilib si Direk Carlo J. Caparas kay Coco Martin nang magharap at pinag-usapan ang muling pagsasapelikula ng Ang Panday na gagawin ng ABS-CBN actor. 

Napabalita nang isasapelikula ni Coco ang Panday na siya rin ang magdirek.

Inilahad ni Direk Carlo sa programang Showbiz Talk Ganern ng DZRH
kung paano sila nagkausap at nagkasundong gagawin itong Panday
na pinagbidahan noon ni Fernando Poe Jr. (FPJ).

Saad ng director/producer: “Prior to the announcement, nagkausap kami ni Boss Vic [del Rosario] ng Viva. Sinabi nga niya na lumapit daw sa kanya si Coco na gusto raw niya gawin ang Panday after Ang Probinsyano dahil siya nga ang parang heir apparent ngayon ni FPJ, 'no?

“Sabi niya, being the Teleserye King, bagay nga naman sa pelikula ng
Movie King. Nagkataon namang binansagan akong Komiks King. Kaya sabi nga ang pagsasama-sama ng tatlong hari, n'o? Siguro ‘yan ang nasa isip ng Viva.”

Marami raw silang napag-usapan ni Coco at bumilib daw siya sa mga
naisip ng aktor na gagawing pagbabago sa sariling version ng Panday.

“Mahusay ang idea ni Coco, nakikita ko yung gusto niyang i-inject.
Malaking tulong 'to i-refresh ang Panday na istorya,” ani Direk Carlo. 

Bukas naman daw siya sa mga pagbabago na naaayon sa kasalukuyang panahon.

“Dati naman kami ni Ronnie [FPJ], nung ginagawa niya ang Panday na
siya ang actor, direktor, producer, pirmeng nag-uusap kami sa
pag-explore ng bagong karakter, paglalagay ng bagong idea.

“Kasi, alam mo naman lumilipas ang panahon, baka yung ibang karakter kailangan nang i-dispose na o may…tumatakbo ang panahon, kailangan may bagong ideya, bagong eksena, modern times kaya kailangan moderno rin ang treatment ng mga karakter.

“Open ako sa lahat na iyun dahil ako yung taong hindi nagsasara sa
pagbabago. Kaya hanggang ngayon, nandito tayo dahil gusto ko siyempre pirmeng sariwa ang mga ideya,” sabi pa nito.

Nakikita raw niya kay Coco na gusto nitong sundan ang mga yapak ng
namayapang King of Philippine Movies na si Fernando Poe. Jr.

“Si Coco ay nag-aspire yata na maging producer, actor, director like FPJ. 

“Hindi masama, dahil nami-miss na ng local industry ang isa pang FPJ,
na producer, director, actor.

“Yun kasi ang tipong makapag-produce ng quality movie yung nasa nasa kalibre ni Ron,” tugon pa ni Direk Carlo.

Pinanood daw niya ang Ang Probinsyano at nagtatanong daw sa mga taong nakakasalamuha niya, nakitaan daw niya ang lakas na taglay ni Coco kagaya ng kay FPJ.

“Ang pinakaimportante sa akin na nakita ko kay Coco na determined
siyang sundan ang yapak ni FPJ, at bihira sa artista na makita ko na
marami siyang pinangalingan…na nag-transform sa isang tipo ni FPJ.

"Bihira sa isang artista na makagawa nun na tatatanggapin ng mga tao.

“After Probinsyano, nakita ko na tanggap na tanggap ng mga tao si Coco. 

“Sa nakita kong pagdadala ng tao kay Coco…hanggang dito sa Cebu, sa Visayas nakikita ko na sabi nila sa akin...'Direk pag ginawa mo yung
ano uli, ganito, ganito, si Coco ang ano. 

“Nakikita ko ang reaksyon ng mga tao.

“So, nung pinanood ko yung Probinsyano, nakikita ko yung hard work na ginawa ni Coco, at parang kumbaga sa baril, siya yung 50 caliber sa ngayon,” napapangiting pahayag ni Direk Carlo J. Caparas. 




Stories We Are Tracking

<em>Panday</em> movie of Coco Martin to be submitted to MMFF 2017
Panday movie of Coco Martin to be submitted to MMFF 2017




ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN