Can't Help Falling in Love grosses P300 million, according to Star Cinema

IMAGE From Instagram account of Star Cinema

Kathryn Bernardo reveals her wish for Daniel Padilla when he starts shooting for his movie with Vice Ganda and Pia Wurtzbach.




Inannounce sa victory party ng Can’t Help Falling In Love na umabot na sa P300 million ang kinita ng pelikula worldwide.

Ito ang announcement ng Star Cinema tungkol sa latest movie ng Kathniel tandem nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Kathryn at Daniel sa victory party na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN, agad na nagpasalamat ang magkapareha sa lahat ng mga nanood at tumangkilik sa pinagbidahang pelikula nila sa Star Cinema.

Ani Kathryn, “Siyempre nag-uumapaw ang kasiyahan ng buong team ngayon. Lahat nagse-celebrate dahil kumita yung movie and, of course, marami tayong napasaya. Yun ang importante so masaya ang umaga natin.”

Dagdag ni Daniel, “Siyempre nagpapasalamat tayo sa lahat ng bumubuo ng Can’t Help Falling In Love. Sa effort, sa tiwala, sa lahat ng mga nanood gusto kong magpasalamat, sa lahat ng sumuporta, sa lahat ng nag-promote, maraming salamat po sa inyo.”

Lahat halos ng mga pelikulang pinagtambalan ng Kathniel ay pawing naging blockbusters o box office hit. Agad naming tinanong ang dalawa kung inexpect ba nila na ganito magiging kalaki ang tagumpay ng Can’t Help Falling In Love.

Paliwanag ni Daniel, “Pag gumagawa naman kami ng pelikula ni Kathryn iniisip namin di yung kikitain, ang iniisip namin is yung istorya ng pelikula, kung maganda ba. Mas focus kami sa kung ano ang maibibigay namin sa mga taong manonood kung magagandahan ba sila.”

Dagdag ni Kathryn, “Siyempre nandiyan na parati na pinagdarasal natin na maging successful yung movie. Mahirap kasi ang daming iko-consider ngayon like yung weather, yung piracy so happy kami sa lahat ng mga taong nakisama for this movie. Di ito mangyayari lahat kung wala ang mga fans namin. Naka-ilang block screening sila so parte sila ng ilang milyon na ito and syine-share namin itong lahat sa kanila.”

Kagagaling lang din sa Hong Kong para sa premiere ng Can’t Help Falling In Love. Masaya din ang dalawa sa mainit ng pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin doon.

“Masaya. Pumunta nga kami dun, mayroon kaming prinimiere na pelikula," kuwento ni Daniel. "Mineet nga namin ang mga fans namin dun, nakanood din sila ng pelikula. Sobrang saya, parang 1 and 40 minutes, na-feel nila na nasa Pilipinas lang sila, nanonood sila ng pelikula rin. Masaya, masaya rin sila, very excited sila, masayang-masaya.”

Kuwento rin ni Kathryn, “First time naming nagpunta dun kasi dati sa Vietnam. Di namin alam na madami pala talagang Pinoy diyan so thank you sa mga Kapamilya natin. Feeling namin dinala namin ang Pinas sa kanila, nag-enjoy sila ng ilang oras, narinig namin ang tawanan nila habang nanonood. Na-meet namin ang iba sa kanila, thank you sa lahat, sa lahat ng mga TFC [The Filipino Channel subscribers] sa ibang bansa.”


ON LA LUNA SANGRE. Sa ngayon ay haharapin naman nina Daniel at Kathryn ang teleseryeng La Luna Sangre na siyang sequel ng fantasy series na Imortal na unang pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Kathryn: “Bukas naka-schedule na kami for trainng, training ulit kami. Nagi-start na rin silang mag-roll, yung pilot, so soon magi-start na rin kami ng taping.

Sabi naman ni Daniel tungkol sa kanilang schedule: “Bukas nga magi-start na yung training. Excited, excited kasi nagte-taping na rin sila Direk, kami lang ang hindi pa pero baka next week magsimula na rin kaming mag-taping.”

Sa interview kay Angel ay nabanggit nito na excited siyang makatrabaho sila Kathryn at Daniel at sa bonding na mabubuo sa kanila. Ito ay pinagpapasalamat ng magkapareha.

Kathryn: “Oo naman and yung nag-yes sila para sila ang mag-pilot sobrang laking bagay para sa amin yun. Grabe ang pasasalamat namin kay Ate Angel, kay Mr. John Lloyd Cruz kasi sila talaga ang may karapatan sa project na ito kasi sa kanila ito eh. Thank you dahil shinare nila sa amin.”

Daniel: “Gusto ko ring magpasalamat kay Ms. Angel, kay Mr. John Lloyd na tinaggap nila ang proyekto. Hayun maraming, maraming salamat na binigyan nila ng oras ang La Luna Sangre para sa amin, para kay Direk Cathy na rin at sa buong team ng La Luna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



ON MOVIE WITH VICE GANDA. Kinumpirma ni Vica Ganda sa thanksgiving niya sa press na may planong i-submit ang upcoming niya bilang entry sa 2017 Metro Manila Film Festival kunsaan makakasama niya sina Daniel at Pia Wurtzbach.

Nilu-look forward ni Daniel ang nasabing proyekto at buo naman ang suporta ni Kathryn dito.

Sabi ni Daniel tungkol sa magiging pelikula niya with Vice Ganda at ang 2015 Miss Universe, “Ah kaming tatlo? Wala pa namang nababanggit pero oo naman, why not? MMFF, oo exciting yun. Comedy.”

May hiling naman si Kathryn para sa rumored boyfriend na si Daniel: “Kung anuman yung sa kanila, ilang beses ng di natuloy yung project nila ni Vice. I’m sure excited lahat sila lalo na MMFF. Sana makayanan niya yung taping saka shooting.”


ON RICHARD REYNOSO. Nag-perform recently si Daniel para sa Binibining Pilipinas 2017 pageant. 

Dahil dito, nagbigay ng negatibong komento ang veteran singer na si Richard Reynoso sa naging performance ng Kapamilya star.

Nang hingan namin ng reaksyon tungkol dito si Daniel ay umiwas na itong magbigay ng komento.

Ani Daniel, "Wag na, wag na rin. Okay na. Okay lang, peace man!”




Stories We Are Tracking

Richard Reynoso criticizes Daniel's Bb Pilipinas performance
Richard Reynoso criticizes Daniel's Bb Pilipinas performance


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN