Piolo Pascual hopes movie with Judy Ann Santos pushes through: "Sana bago kami tumanda nang tuluyan."

IMAGE Noel Orsal

Piolo Pascual on Judy Ann Santos: "Juday is one person na pinagkauutangan ko ng loob, it will be a delight for me to work with her again. Sobrang taas ng respeto ko sa kanya bilang aktres at bilang tao."


Nagkausap na pala sina Piolo Pascual at Judy Ann Santos matapos banggitin ng aktres kamakailan na bukas siyang makasama uli sa isang pelikula ang dating ka-love team.

Kuwento ni Piolo, “Yeah, I spoke with her just like old times, and I’m happy Juday is active again.

“Sabi ko sa kanya, sana bago kami tumanda nang tuluyan e magkapelikula kami.
   
“Juday is one person na pinagkauutangan ko ng loob, it will be a delight for me to work with her again.

“Sobrang taas ng respeto ko sa kanya bilang aktres at bilang tao.

“Parang dati lang, sana, sana.”

QICK BACKTRACK. Mahigit isang dekada na rin mula nung ipinalabas ang huling pelikula nilang Don't Give Up On Us at ang seryeng Sa Piling Mo. 

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa dalawa nang sabihin ni Piolo sa isang presscon na sana raw ay hindi naapektuhan ng balik-tambalan nila ni Juday ang relasyon ng aktres sa noon ay boyfriend niyang si Ryan Agoncillo.

Sinagot ni Ryan ang komento ni Piolo sa pamamagitan ng email. Aniya, okay sila ng girlfriend at "ungentlemanly" ang pangingialam ni Piolo sa relasyon nila. Binanggit rin ni Ryan ang naging insidente sa defunct show na The Buzz, kung saan nakuhaan ng camera si Juday na sinabihang "echosero" si Piolo dahil umano sa "advances" nito habang ini-interview sila.

READ Piolo Pascual "dreams" about ending rift with Ryan Agoncillo

Sa isang banda, napag-usapan din si Shaina Magdayao, na nali-link ngayon sa aktor.

Kamakailan ay nag-post ang aktres sa Instagram tungkol sa problema niya sa kanyang immune system.

Ayon kay Piolo, “She’s okay, she’s taking meds naman. 

“To immerse yourself in a character and to go through to the journey of the character, mahirap. 

“Talagang babagsak ang immune system mo. 

“She’s okay, she’s been taking meds.”

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News ang aktor sa rehearsal para sa 25th anniversary ng Star Magic nung nakaraang Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PROUD DAD. Sa pagganap niya sa Hele Sa Hiwagang Hapis ay tumanggap si Piolo ng trophy bilang Pinakapasadong Aktor mula sa19th Gawad Pasado Awards.

May sakit daw siya noon kaya ang anak na si Iñigo Pascual ang tumanggap ng kanyang Pasado trophy.
  
Paliwanag niya, “Galing ako sa States, dry cough, it’s been two weeks.

“Nasa shoot kami. Iyakan, sigawan 'tapos exterior pa.

“I’m just really happy because it was my son who accepted the award.”

Proud dad nga raw si Piolo sa pagiging talented ng anak. 

Kinanta nga ni Piolo ang single ni Iñigo na “Dahil Sa Iyo” nang hinarana niya ang mga nanalo sa nakaraang Bb. Pilipinas sa ASAP nung nakaraang Linggo, May 6.

Ani Piolo, “Nakakatuwa ‘cause a lot of people got to sing it ‘tapos ako, kinanta ko pa.

“His song is doing so well. He composes his own songs, he does his own music.

“I’m so proud of him, talagang passion niya iyan e yung pagkanta. 

“Ang surreal lang ng pakiramdam na you got to sing your own son’s song.”
 
Nag-aaral si Iñigo ng kursong Entrepreneurship kung saan muntik na palang mapasali ito sa dean’s list.

“It’s a personal choice for him,” sabi ni Piolo, "and, of course, I will always encourage him. 

“Yung first day ng second semester niya, hinatid ko siya, in-enrol ko pa so nakakatuwa. 

“I really go an extra mile for him to have a better option, para may fallback. 

“Maganda because he gets to mingle.

“He grew up in the States, dito mas maganda na mas nakakahalubilo niya ang mga tao.”

BIG DEAL. Balik sa tinanggap niyang Pasado award, kahit ka-tie niya sina Allen Dizon at Enrique Gil ay malaking bagay daw ang pagkapanalo ni Piolo para sa passion project niyang Hele.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “To be given that kind of recognition, ite-treasure ko, iche-cherish ko yun.

“Yung hirap mo, nare-recognize but it’s not all about that.

“it’s just an overwhelming feeling being recognized by the academe, Tanglaw, sa Pasado,

“Nakakatuwa kasi yung mga ganung pagkakataon, nakaka-motivate.

“To always look forward to new projects, always give your best shot sa lahat ng ginagawa mo.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN