Karl Medina firmly refuses to work with Baron Geisler: "It's a matter of principle."

IMAGE Rommel Gonzales

Karl Medina, elder brother of Ping, remains firm in his decision not to work with Baron Geisler, following last year's controversial urination incident while filming the indie film Bubog.



Tinanong namin si Karl Medina tungkol sa naging issue na kinasangkutan ng kanyang nakababatang kapatid na si Ping Medina at ng kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler noong nakaraang taon.

Matatandaang naging malaking balita ang pag-ihi ni Baron sa katawan ni Ping habang sinu-shoot nila ang indie movie na Bubog, na directed by Arlyn dela Cruz.

Parehong wala na sa nabanggit na pelikula sina Ping at Baron.

Ang pumalit kay Ping ay ang kuya niyang si Karl, samantalang si Allan Paule ang pumalit kay Baron.

Ayon kay Karl, “I have my own take on my own personal feelings with regards to Baron.

“Tapos, natanong nga ako if I would like to work with Baron.

“Masasabi ko siguro hindi, hindi na.

“It’s a matter of principle.”

NOT WILLING TO WORK WITH BARON. Hindi na raw nais ni Karl na makasama sa anumang proyekto si Baron.

“After what happened, hindi na, 'no?

“Ayoko na lang, it’s a personal choice,” diin niya.

Ano ang gagawin niya kung sakaling mag-krus ang landas nila ni Baron?

Lahad niya, “Wala naman.

“Kasi yun nga, katulad ng sinasabi ko sa mga nagtatanong sa akin, hindi ko isyu yun.

“Isyu ni Baron yun saka ng kapatid ko.

“Hindi ako makikisawsaw dun.

“Pero I’d say, I’d rather not… na hindi ko siya makita.”

Halimbawang kinuha siya para sa isang malaking project, pang-award at malaki ang talent fee, pero makakasama niya si Baron?

Aniya, “Iyon yung thing with ano, e… well, I would say ano…”

Hindi nga ba't parte iyon ng pagiging artista, ang makatrabaho ang kahit na sinong kapwa artista?

“I’d probably give it much thought bago ko tanggapin yun,” diin niya.

FRACTURED HAND. Bakit pinalitan niya si Ping sa Bubog?

Since inalis na naman si Baron sa pelikula, puwede namang ipagpatuloy ni Ping ang partisipasyon nito sa naturang indie movie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag ni Karl, “I think kasi yung footage na shinoot with Ping, tapos kailangan niyang mag-recover.

“Na-fracture kasi yung kamay niya.”

Matapos kasi ang insidente ng ihian ay sinuntok ni Ping ang pader dahil sa matinding galit.

Kaninong desisyon na si Karl ang ipalit kay Ping?

Saad niya, “I think si Direk [Arlyn] yata.”

FAMILY'S CONSENT? Nag-usap daw sila ni Ping at ng ama nilang aktor rin na si Pen Medina bago niya tinanggap ang pelikula.

Pakli niya, “Kinausap ko ang brother ko and ang dad ko. Okay naman sila.”

Nagulat ba sila ni Ping na si Karl ang ipinalit sa pelikula?

Sabi pa ni Karl, “Ako personally, oo, nagulat ako.

“I can’t speak for my brother.

“Pero ako nagulat ako, and honestly, meron ako siyempreng hesitation before. kasi alam ko na yung nangyari.

“Pero after, yun nga, consulting with my dad, so parang okay naman, may go signal.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karl kahapon, May 13, sa presscon ng Bubog sa Max’s restaurant sa Sct. Tuazon sa Quezon City.

ARE PING AND BARON CLOSE? Dati raw, bago ang “ihian incident” ay nakakasama niya si Baron.

Kuwento niya, “Actually, Baron would show up from time to time kung saan-saan, lalo na dun sa... we have a bar, yung Tomato Kick, pumupunta siya dun.”

Pero hindi naman daw sila close friends ni Baron.

Dagdag niya, “Hindi ko masasabing friends, pero I can say that I know him outside of work.”

Iisa ba ang iniikutan nilang circle of friends?

“Not really, pero Baron tends to show up [dun sa bar],” pahabol niya.

Isa sa mga may-ari si Karl ng naturang bar.

Bago nangyari ang kontrobersiya, magkaibigan ba sina Ping at Baron?

“Before, alam ko friends naman sila nun, pero hindi ko alam kung anong degree ng friendship nila—kung close ba sila or acquaintance, so hindi ko masabi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagalit ba ang ama nila sa nangyaring ihian?

Paglinaw niya, “Actually, hindi namin pinapag-usapan.

“Enough na sa amin, kunwari sa amin ni Alex [isa pa nilang kapatid na artista], alam namin na napag-usapan na ni Ping saka ng tatay ko. ”

Malamang na nagalit ang tatay nila.

Pahayag niya, “I’m sure, kasi, di ba? I’m sure.”

MESSAGE FOR BARON. Kung makakaharap ni Karl si Baron, ano ang sasabihin niya dito?

Tumawa muna si Karl bago sumagot, “I sincerely hope that na ayusin na niya kung ano yung kailangan niyang ayusin—sa sarili niya and with work.”

Samantala, magkakaroon ng screening ang Bubog sa Fisher Mall sa May 26.

Tampok rin sa pelikula sina Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Janice Jurado, Jak Roberto, Jemina Sy, Kiko Matos, Kristofer King, Archie Adamos, Raffy Reyes, Belle Dominguez, at Jackielou Blanco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN