Kathryn Bernardo on possibility of playing Darna: "Di ko alam kung tama ba ang age ko for that."

IMAGE Noel Orsal


Lumalabas na ang pangalan ni Kathryn Bernardo bilang isa raw sa mga Kapamilya actresses na pinagpipiliang gumanap sa remake ng Darna.
 
Agad namang klinaro ito ni Kathryn at sinabing wala pa siyang offer na natatangap para sa superheroine role.

“Wala pa talagang offer, marami rin kasing iko-consider…

“Saka di ko alam kung tama ba ang age ko for that, marami pang puwedeng mangyari.

“Basta, kung sinuman ang magiging next Darna, sobrang magiging special siya.

“At dapat pangalagaan niya,” sagot ng 21-year-old star.

Pero kahit hindi pa sigurado kung kasama si Kathryn sa mga posibleng maging Darna, kabi-kabila na ang pamimintas ng ilang netizens sa aktres.
  
Tila naiba na rin naman ang attitude niya sa mga bashers.

Malumanay niyang lahad, “Okay lang naman na magbigay ng opinyon, lahat tayo puwede naman.

“Depende na lang sa atin kung paano mo siya iha-handle.

“‘Di lahat ng opinions makakatulong sa atin so dun tayo sa good criticisms.

“Criticisms na mapapa-improve ka, tumatanda ka ng kaunti, mas alam mo nang i-handle.

“Mas kilala mo na ang sarili mo, mas alam mo na kung ano ang bibigyan mo ng atensyon.

“Hayun, tumanda ng kaunti.”  

DREAM OF FLYING. Dream din naman daw ni Kathryn na gumanap bilang isang superhero at matutupad niya ito sa La Luna Sangre.
  
Sabi niya, “Gusto ko yung mga lumilipad, masaya ako dito sa La Luna kasi parang nangyari yun.”

“Yung action, dun na muna ako this year.”
 
Ito nga raw ang pinaghahandahan nila ni Daniel sa ngayon.

“Nagte-training kami for La Luna, soon magte-taping na rin kami.

“Kasi sila nag-taping na ng pilot, e, so anytime kami ni DJ, yun pa lang naman ang alam ko.”
  
Samantala, ayon sa Star Cinema, umabot ng P300 million ang kinita ng pelikula nila ni Daniel na Can’t Help Falling In Love.
  
Lubos-lubos ang pasasalamat ni Kathryn dito , “Thank you so much, masaya yung buong team.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BOX OFFICE ROYALTY. Tinanghal bilang Box Office King and Queen ang Kathniel tandem sa 48th Guillermo Mendoza Memorial Foundation Box Office Entertainment Awards para sa tagumpay ng pelikulang Barcelona: A Love Untold.
   
Bagay na ikinilig raw ni Kathryn, “Excited ako na i-receive yung award…. first time.

“Thank you so much sa Guillermo kasi isa yun sa mga pangarap namin ni DJ [Daniel's nickname].
   
“Kinilig talaga ako kaya sobrang saya, ‘di yan mangyayari kundi dahil sa project na Barcelona.

“Napakalaki ng utang na loob ko sa project na ‘yan kasi silang lahat ang rason nito.”



Stories We Are Tracking

Most Intriguing Revelations at Guillermo 2017 awards night
Most Intriguing Revelations at Guillermo 2017 awards night


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN