Cinemalaya 2017 loses one entry starring Rosanna Roces

Rosanna Roces was supposed to topbill the Cinemalaya 2017 entry Unang Patak Ng Ulan Sa Buwan Ng Mayo that withdrew from the film fest.


Kamakailan lang ay pormal nang nag-withdraw ang independent filmmaker na si Cenon Obispo Palomares ng kanyang pelikula sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2017

Hindi na tutuloy sa Cinemalaya 2017 ang entry niya titled Unang Patak Ng Ulan Sa Buwan Ng Mayo.

Back-to-back year sana ang pagkakapasok ni Direk Cenon sa pioneer indie film festival sa bansa, dahil isa siya sa co-directors ng Kusina ni Judy Ann Santos, na entry sa Cinemalaya 2016.

First quarter pa lang ng 2016 ay ini-inform na ng Cinemalaya organizers ang mga pasok na 10 official finalists para sa Batch 2017 na full length filmmakers.

Pormal na ipinakilala ang Cinemalaya 2017 ten (10) finalists noong Awards Night ng Batch 2016 (August last year) sa CCP Main Theater, sa Roxas Blvd., Pasay City.

Mula noon ay kanya-kanya nang pagtahak ng kanilang “journey” ang sampung napiling finalists para paghandaan ang kanilang pelikula – mula sa pagkakapili ng kanilang screenplay (out of more than 100 entries, yearly) hanggang sa casting, pre-production, principal photography (o shooting), at post-production.

Aware rin ang lahat ng mga lumalahok sa festival na ito (now on its 13th edition) sa halaga ng film grants na ipinagkakaloob sa finalists, at mayroon silang mahabang panahon upang makakuha ng co-funders to finance the filming of their entries.

Nitong June 7, 2017, nagpadala ng mensahe ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa Facebook Messenger ni Direk Cenon, at inamin nga nitong nag-email siya ng formal letter sa Cinemalaya organizing committee na hindi na niya itutuloy ang kanyang pelikula sa festival.

Tinanong namin si Direk Cenon kung ano ang dahilan ng crucial na decision niyang ito?

“Hi, Sir Mell. There were a few things in the prod [production] that we couldn't iron out. I sent na po letter sa Cinemalaya, but I'm still waiting for their official announcement.

“Salamat, Sir Mell, for the patience, support and understanding,” reply ni Direk Cenon.

Mula noong June 7 ay naghintay kami ng updates o tugon naman ng Cinemalaya organizers upang kunin ang kanilang side, since ang sagot nga ni Direk Cenon ay naghihintay siya ng “official announcement” mula sa organizers.

Kahapon, June 19, nag-follow up kami sa Cinemalaya organizers ng kanilang pahayag.

Nagpadala kami ng mensahe kay Direk Chris Millado, Cinemalaya Festival Director, sa pamamagitan pa rin ng Facebook.

“Mell, hinihintay pa po ang sunod na orgcom [organizing committee meeting], kung kakailanganin pa ang ‘official statement’,” reply ni Direk Chris.

Sumagot naman via text message si Direk Laurice Guillen, Cinemalaya Foundation President: “Please ask Direk Mel Chionglo. Thanks.”

Ilang sandali pa ay nakakuha na rin ang PEP ng text reply mula kay Direk Mel Chionglo, Cinemalaya Competition Director.

“Walang official announcement on finalists' pull out. Next intro with all of them ay sa presscon na,” text reply ni Direk Mel.

Pinaliwanag naman ni Laurice Guillen, Cinemalaya Foundation President, sa pamamagitan ng Facebook comment kung bakit hindi na mapapalitan ng ibang entry ang nag back out na film: "He [Cenon] withdrew too late, giving no time for #11 to prep, shoot and post[-production]."

Nasa cast supposedly ng Unang Patak Ng Ulan Sa Buwan Ng Mayo sina Laila Ulao (lead actress), Rosanna Roces, at ang child actor na si Micko Laurente.

Kung hindi nabago ang story concept ng pelikula, ang kuwento ay tungkol sa isang dose-anyos na bata (Micko) na mai-inlove sa isang sirena sa perya (Laila). Dito na iikot ang kuwento sa buong farming village at sa mga taong nakatira dito.

Sa Facebook pa rin, hiningan namin ng reaksiyon ang bidang si Laila sa pag-pull out ng kanilang pelikula ni Direk Cenon.

Si Laila ang nanalong Best Actress sa QCinema Film Festival 2016 para sa Women Of The Weeping River.

Pahayag ni Laila: “For me po, okay lang na ‘di natuloy, kasi naniniwala ako, there's always a right timing for everything. ‘Di naman din po ako nagmamadali sa mga bagay-bagay.”

Hindi ba siya nanghihinayang lalo na’t may comments sa social media na follow up movie niya sana ito after niya manalong QCinema 2016 Best Actress?

“Maybe it’s hard to believe, pero ‘di po ako nanghihinayang... Kasi nga, baka ‘di ko pa time, kaya okey lang po,” sagot ng baguhang aktres na tubong Mindanao .

Pero iba naman ang personal na damdamin ni Rosanna Roces nang tanungin namin siya tungkol sa pangyayaring ito.

“Nakakapanghinayang, kasi, nag-invest na ‘ko ng time from the first meeting hanggang (script) reading.

“Tapos, minemorize ko na lahat [ng dialogue]. Saka, sayang, kasi, ang daming gustong makapagpasa ng entry sa Cinemalaya.

“Nag-follow up pa ko nang husto [sa production]. Iwi-withdraw lang pala. Sayang, maganda ang materyal.

“Pero dahil di naman tayo yung direktor, e, wala akong magagawa kundi manghinayang,” sabi ni Osang.

Nawala man ang pelikula sa lineup this year sa Cinemalaya, pasok pa rin si Micko Laurente bilang isa sa major characters ng isa pang entry, ang Ang Guro Kong ‘Di Marunong Magbasa ni Alfred Vargas.

Kasama rin dito ni Micko ang kapwa niya award-winning child actors na sina Miggs Cuaderno at Marc Justine Alvarez, written and directed by Perry Escaño.

Ang Cinemalaya 2017 ay gaganapin sa August 4-13 sa CCP Theaters at sa piling Ayala Cinemas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN