Tom Rodriguez earns Best Actor nomination in Madrid International Film Fest

Tom Rodriguez nominated for Best Lead Actor in a Foreign Language Feature Film in the 6th Madrid International Film Festival. The actor was cited for his indie filmĀ Magtanggol.


Nominated ang GMA-7 actor na si Tom Rodriguez sa Madrid International Film Festival 2017 (Madrid IFF).

Nominee siya as Best Lead Actor in a Foreign Language Feature Film para sa indie film na Magtanggol.

Binalita ito via Instagram ng ilovetomden noong June 22.

Nakakuha rin ng nominasyon ang direktor ng Magtanggol na si Sigfreid Barros Sanchez at ang co-star ni Tom na si Yam Concepcion.

Heto ang na-post sa IG:

Sa Magtanggol, gumanap si Tom bilang 40-year-old senator named Juancho Magtanggol na committed supporter ng Overseas Filipino Workers.

Kasama rin sa pelikula sina Dina Bonnevie at Kim Domingo.

Si Tom ay bida ng upcoming GMA-7 primetime teleserye na I Heart Davao.

Ang 6th annual Madrid IIF ay gaganapin mula July 8 to 15 sa Madrid, Spain.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN