Bembol Roco says he's not angling for another acting award

IMAGE Noel Orsal

Bembol Roco has a sizeable collection of acting trophies to his name, is there pressure to keep adding more? "It's always exciting to be recognized for something that you've done. Hindi ako nag-e-expect for another award." 


Ayaw ng veteran actor na si Bembol Roco na magpadala sa pressure na manalo ulit ng award para sa pinagbibidahan niyang pelikulang What Home Feels Like.

Nominado rin sa Best Actor category si Bembol sa 40th Gawad Urian ngayong taon para sa Pauwi Na.

Pati ang director nilang si Paolo Villaluna ay nominado sa Best Director para sa Pauwi Na.

Gayundin ang co-stars ni Bembol na sina Cherry Pie Picache (Best Actress) at Meryll Soriano (Best Supporting Actress).

Kasama ang pelikula sa anim na finalists sa 2nd TOFARM Film Festival 2017.

Sa unang edisyon ng naturang agriculture at nature-themed film festival noong isang taon ay si Bembol ang itinanghal na Best Actor para sa pelikulang Pauwi Na.

Naka-tie niya sa award si Garry Cabalic para sa pelikulang Paglipay.

Ayon kay Bembol, “No, there’s no pressure at all. “Kasi gumagawa naman ako ng pelikula hindi para sa award, kundi kung paano pagandahin yung pelikula.

“So, hindi ako nag-e-expect for another award.

“Of course, I’ll be glad kung mabibigyan ulit, di ba?

“Pero kahit hindi, okay lang, basta alam kong ginawa ko ang aking magagawa to the best of my ability.

“Happy na ako doon.”

Marami ng acting awards na natanggap si Bembol, nae-excite pa ba siya sa tuwing makakatanggap ng parangal?

Tugon niya, “Oo naman, it’s always exciting to be recognized for something that you’ve done.”

Isa uling ama ang role ni Bembol sa What Home Feels Like. Gumaganap bilang asawa niya sa pelikula si Irma Adlawan.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bembol sa presscon ng TOFARM Film Festival 2017 na ginanap sa Novotel Cubao noong June 29.  

THANKFUL. Nagpapasalamat naman si Bembol na naitatag ang TOFARM Film Festival. Ito ay sa pamumuno ng festival director na si Maryo J. Delos Reyes at ni Dr. Milagros How, TOFARM chief advocate at executive vice-president ng Universal Harvester Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Salamat kina Dr. How at Direk Maryo because of their advocacy… sila lang ang mayroon ganitong klaseng festival.

“I’m thankful and grateful na mayroong katulad nila nagbibigay ng panahon at resources para magkaroon ng ganitong klaseng festival.

“Bukod sa maraming nakikinabang ay maraming magagandang pelikulang lumalabas para rin sa ikasisigla ng industriya.”

Baguhan ang direktor ng What Home Feels Like na si Joseph Abello.

Wala raw problems si Bembol dito, “He’s alright, for a first-timer he’s good.

“I can tell him what I feel and ask him what he wants from me.

"Madali naman akong katrabaho. I’m happy to work with him.”

Natutuwa rin si Bembol na ang TOFARM entry nila noong isang taon na Pauwi Na ay patuloy na tumatanggap ng parangal hanggang ngayon.

Kamakailan ay napanalunan nito ang Golden Goblet trophy for Best Feature Film sa 20th Shanghai International Film Festival.  

Bukod sa What Home Feels Like, kabilang din sa TOFARM Film Festival 2017 finalists ang Baklad ni Topel Lee, High Tide ni Tara Illenberger, Kamunggai ni Vic Acedillo Jr., Sinandomeng ni Byron Bryant, at Instalado ni Jason Paul Laxamana.

Mapapanood ang anim na entries sa TOFARM Film Festival 2017 sa selected cinemas mula July 12 to 18. Magaganap ang awards night sa July 16.



Stories We Are Tracking

Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
McCoy de Leon shoots topless scene for indie film
McCoy de Leon shoots topless scene for indie film
Pauwi Na wins grand prize in Shanghai Intl Film Fest
Pauwi Na wins grand prize in Shanghai Intl Film Fest




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN