Newbie actor Rex Lantano names 3 ABS-CBN actors whom he idolizes

IMAGE Noel Orsal

Newbie actor Rex Lantano appreciates the generosity of veteran actors Bembol Roco (wearing green) and Irma Adlawan, who are his co-stars in the indie film What Home Feels Like: "Minsan po, kahit na hindi sila kasali sa eksena, umaarte pa rin sila behind the camera to motivate us, para po maramdaman namin ang eksena. Ganoon po sila ka-generous sa amin."



Baguhan pa lang sa acting si Rex Lantano pero itinuturing niyang malaking karangalan na makasama ang mga award-winning actors na sina Bembol Roco at Irma Adlawan sa What Home Feels Like.

Ang pelikula na dinirek ni Joseph Liban ay isa sa anim na official entries sa 2nd TOFARM Film Festival na ipalalabas sa mga sinehan hanggang July 18.

Bit player lang dati si Rex, na nagsimula sa paglabas sa mga TV dramas tulad ng Maalaala Mo Kaya at mga teleserye tulad ng Princess and I.

Isa sa kinunsidera niyang malaking break ay ang pagkasali niya sa cast ng Ekstra, kung saan bida si Cong. Vilma Santos-Recto.

Sa ngayon ay mina-manage siya ni Shandii Bacolod, na producer ng What Home Feels Like.

WORKING WITH ACTING GREATS. Ginagampanan niya ang role na bunsong anak na lalaki nina Bembol at Irma. Ito raw ang kanyang biggest role so far.

“Sobrang generous po sila as actors,” wika ni Rex sa experience na makaeksena sina Bembol at Irma.

“Hindi po nila kami pinababayaan sa set.

“Binibigyan po nila kami ng acting tips.

“Minsan po, kahit na hindi sila kasali sa eksena, umaarte pa rin sila behind the camera to motivate us, para po maramdaman namin ang eksena.

“Ganoon po sila ka-generous sa amin,” pahayag ni Rex nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang press preview ng What Home Feels Like noong July 8.

Kuwento pa ni Rex, para raw silang nagkaroon ng instant workshop habang katrabaho ang dalawang batikang performers.

Kumusta kaeksena si Bembol?

"Siyempre po sa una, nakakakaba.

“Noong una po, nahihiya ako.

“Pero nung nasa set na po kami, kalog siya. Nagpapatawa lang.

“Ibang-iba siya sa nakilala ko nung pinapanood ko pa lang siya compared nung nakatrabaho ko na siya.

“Si Ms. Irma ganun din po.

“May eksena po sa movie na parang winorkshop niya kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First scene namin ni Bianca, yung kakambal ko, nahihiya pa ako.

“Sabi niya ganito ang karakter ninyo.

“Ipinaliwanag niya sa amin so mas naintindihan namin ang karakter namin,” kuwento pa ni Rex.

TRAINING. Pangarap ni Rex na mag-artista kaya nagsimula siya bilang talent sa mga teleserye.

Pero aminado naman siya na marami pa siyang dapat matutunan sa acting.

Bilang paghahanda ay madalas mag-join si Rex ng mga acting workshops.

Pag may nakuha naman siyang role, tulad nitong sa What Home Feels Like, prepared naman siyang dumarating sa set.

“Enjoy naman ako sa experience ko sa acting, lalo na rito sa What Home Feels Like.

“Mabait po ang director namin. Open po siya sa suggestions.

“Saka nagtatanong din po ako sa kanya kung paano po ba ang dapat kong maging atake sa role ko.

“Nagkaroon po kami ng freedom to explore our role kasi open po si Direk Joseph sa suggestion," lahad pa niya.

GOALS. Pangarap ni Rex na magkaroon ng bagong movie matapos maipalabas ang What Home Feels Like.

Sina John Lloyd Cruz, Coco Martin, at Jericho Rosales ang mga idolo niya sa acting.

Dream din niya na makatrabaho ang mga idolo niya, pati ang award-winning actress na si Ms. Gina Pareño.

Kumukuha si Rex ng kursong Mass Communications sa Far Eastern University where he is now on his senior year.

“Pangarap ko na makilala bilang versatile actor, puwede kahit sa anong role.

“Kahit na bata pa ako, gusto ko ipakita na marunong din naman akong umarte,” wika pa niya.




Stories We Are Tracking

Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
Ronwaldo, McCoy among stars in 2017 TOFARM Film Fest entries
Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Direk Maryo appeals to cinema owners to show TOFARM entries
Bembol Roco says he's not angling for another acting award
Bembol Roco says he's not angling for another acting award
Francis Magundayao gives message for next sidekick of Darna
Francis Magundayao gives message for next sidekick of Darna





WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN