Lea Salonga gives message to those hoping for Aga Muhlach movie reunion

IMAGE From Twitter account of Mica Becerro



May mensahe si Lea Salonga para sa mga fans na nais siyang magkaroon ng movie reunion with Aga Muhlach.

Noong August 20, nag-post si Mica Becerro ng photo niya kasama sina Lea at Aga. Si Mica ang representative ng Team Lea sa first edition ng The Voice Teens.

Sinulat ni Mica sa caption: "SUCCESS! HAHAHA I was waiting for this kanina pa kaso hehe hiya po ako ????Thank you Coach @MsLeaSalonga and Ate @wickedtin #TOTGA #Leaga"



A few hours ago, nag-post naman si Lea ng mensahe para sa mga umaasa na magkakaroon sila ni Aga ng pangatlong pelikula. Noong 1995 naging love team sila para sa Sana Maulit Muli at noong 1992 ginawa naman nila ang movie na Bakit Labis Kitang Mahal?

Ani Lea, "As for those wishing for a 3rd movie, #HopiaPaMore."






BROADWAY COMEBACK. Kamakailan, masayang kinumpirma ni Lea ang kanyang pagbalik ulit sa Broadway in New York City via the musical Once On This Island.

Magpe-premiere ito sa Circle in the Square Theater on December 3, 2017.
Gagampanan si Lea ang role na si Erzulie sa naturang Broadway musical revival.

Heto ang pinost ni Lea sa kanyang Instagram account:

“Word is out! I will be making my return to Broadway this fall in one of my favorite shows, @onceislandbway!!!”

Nilabas na rin ng website na Playbill ang tungkol sa pagkakasali ni Lea sa cast ng Once On This Island.

Ang iba pang makakasama ng Tony Award-winning actress sa musical ay sina Alex Newell (Glee), Merle Dandridge (Greenleaf) at Quentin Earl Darrington (Cats).

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Phillip Boykin (Sunday In The Park With George), Alysha Deslorieux (Hamilton), Kenita R. Miller (The Color Purple) and Isaac Powell, making his Broadway debut.

Ang director ng Once On This Island: The Musical ay ang Tony Award nominee Michael Arden.

Narito ang synopsis: The musical, which was first produced on Broadway in 1990, follows peasant girl Ti Moune and her star-crossed romance with a young man from the wealthy side of her island, a world ruled by four island gods.

Ang four gods ay sina Asaka: Mother of the Earth, Agwé: God of Water, Erzulie: Goddess of Love, at Papa Ge: Demon of Death.

Ayon sa director na si Michael Arden, ito ang naging basehan niya sa pagpili ng mga gaganap bilang mga gods:

"In casting the Gods that inhabit our island, it became imperative for me to break expectations and stretch beyond the bounds in which Gods are traditionally represented.”

Ang huling Broadway stint ni Lea ay noong gawin niya ang musical na Allegiance noong 2015 kunsaan nakasama niya sina George Takei, Telly Leung at Michael K. Lee.

Tinapos na ni Lea ang kanyang mga commitments dito sa Pilipinas, kabilang na rito ang pagiging coach niya sa The Voice Teens Philippines sa ABS-CBN, para makapag-prepare na siya sa rehearsals para sa gagawin niyang Broadway musical.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW








WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN